3rd Person POV
Nang uwian na ay tahimik lang na naghihintay si Travis sa kapatid niyang si Mia at Kay Fate.
Pagdating ni Fate ay tahimik lang din siya, marahil ay dinadamdam niya pa rin ang nangyaring pagtatalo nila ni Travis kanina, lagi sila nag tatalo pero tuwing uwian o di naman kaya tuwing namamasyal ang isa sa kanila sa bahay ng isa.
Ngayon lang sila nagtalo sa harap ng maraming tao
Kilalang seryosong tao si Travis at isa sa tinitingala sa kanilang school at kahit na sa ibang school.Kaya maraming nabigla na ang isang loner na si Fate Bagus ay nakipag talo sa kanya.
Ito ang unang beses na napansin ng lahat ang dalaga dahil sa pakikipagtalo nito kay Travis Lawrence Lee.
Fate Pov
Tahimik lang akong kumain kasama sina mommy at daddy pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto di talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Kahit magpretend ako na ok lang ako eh ang totoo hindi talaga,
ganito kasi talaga ako! Kahit ako yung inaaway pag gumanti ako ang bigat sa pakiramdam, ayaw ko naman kasi talaga makasakit ng kapwa.
Nag video call din kami nina Ziah at kath para tanungin kung ok lang ako."Ok lang ako mga friend wag na kayong mag alala" Sabi ko.
"Sigurado ka friend? " pag aalalang sabi ni Ziah.
"Oo, ok lang talaga ako promise " pagsisigurado ko.
" Gusto mo dyan nalang kami matulog!? Manonood tayo ng Funny videos ng Bitiis mo" sabi ni Ziah.
" Oh di naman kaya kumain nalang tayo whole night " sabi naman ni Kath.
" Alam mo kath napaka takaw mo talaga sa pagkain! " sabi ni Ziah.
" Sya nga pala bestfriend nakakalimutan mo na si Tom Cruise simula nung may Bitiis ka na" sabi ni Ziah sabay pout.
" Uyy hindi naman Zi! Mahal ko pa rin si Tom no!" Sabi ko.
Si Tom Cruise kasi yung Celebrity crush namin kahit nung 2nd year pa kami. Isa nga rin yun sa dahilan kung bat kami naging close eh!
"Basta friend , Wag ka ng malulungkot dadalhan kita ng chocolate bukas " sabi ni Kath.
"Sige , ako na bahala sa pizza mo " nakangiting sabi ni Ziah.
"Yeheyyy!! Avisala eshma mga friend" masaya kong sabi.
Pagkatapos ng video call na yun medyo gumaan na ang loob ko, lalo na at nagbasa na naman ako ng Bible ngayon sa book of Proverbs.
Nang inayos ko ang mga gamit ko sa cabinet may nakita akong
album kaya kinuha ko ito, napapangiti nalang ako habang tinitingnan ang mga litrato ko nung bata pa ako.May napansin akong litrato na may kasama akong batang lalake, magkahawak kami ng kamay at sa isang litrato naman sabay kaming kumakain ng pizza, hindi ko maalala ko sino siya! Pero nakakatuwa na may kaibigan pala ako nung bata pa ako.
Napakaraming mga litrato ang nasa album, nung 7th birthday ko nandun pa rin yung batang lalake. Kasama na ang mga bonding time namin nina mommy, hindi ko lang talaga maintindihan kung ba't wala akong masyadong maalala nung bata pa ako! siguro ganun lang ako sobrang makakalimutin hanggang ngayon naman eh! Di nagtagal dinatnan na rin ako ng antok kaya nag pahinga na ako.
Pagkaumagahan di naku sumabay kina Mia pinilit ko talaga si daddy na ihatid ako ngayon ayaw kong makasabay yung Travis na asungot na yun .
" Dad please ihatid mo na ako please!! " Pangungulit ko kay Dad.
" Bakit ba?? Bakit ba ayaw mong sumabay kina Travis?? " Tanong ni Dad.
" Ah.. eh.. sige na dad, gusto kong makasama ka! Minsan na nga lang ako manlambing! Saka malapit na naman kayong mag out of town ni Mommy, sige na hatid mo na ako" sagot ko sa sabay pout habang kumakapit sa balikat niya.
" Ihatid mo nalang kasi yan Ling! " Sabi ni Mommy? Ling ang tawagan nila in short of Darling.
" OkFine! Magtatampo ka na naman pag humindi ako " Sabi ni Daddy.
" Yeheyy thanks dad" sabi ko.
Pagpasok ko sa room namin nabigla ako para bang may gulong nangyari bago ako dumating. Nakita ko si Andrew na may pasa sa kaliwang labi niya.
Agad ko naman tinanong ang dalawa kong kaibigan kung ano ang nangyari, nagkaroon pala ng away si Travis at ang pinsan niya na nag aaral sa ibang school sila ang sinisisi sa pagkamatay ng lola niya.
"Nung nakaraang araw pala nalaman ni Travis na namatay ang lola niya" sabi ni Kath.
"Matagal ng mayroong hindi pagkakaunawaan ang pamilya nila Travis at pinsan niyang si Jeron dahilan ng pagkakasakit ng lola nila, kahapon ay nagkita ang mga daddy nila at nag ka sagutan kaya inatake ang lola nila sa puso at namatay" sabi ni Ziah.
Lalo akong nagulat sa sinabi sakin nina Ziah.
kaya pala ganun nalang ka init ang ulo ni Travis kahapon at nung nakaraang araw.
Nakita ko naman si Travis sa isang sulok ng upuan nakita ko rin sina Mark at Gray na may mga pasa din sa mukha.
Napuno din ng mga lalaking estudyante ng section 2 ang loob at labas ng room namin.
Hanggang sa uwian ay iyon pa rin ang topic nila.
Hindi pala pumasok si Mia ngayon dahil masama raw pakiramdam niya, siguro labis din siyang nalungkot sa nangyari sa lola niya.Mag aalas singko na at wala pa rin si Travis kaya nagdesisyon akong puntahan siya para makauwi na kami.
"Manong Ben pupuntahan ko lang si Travis" pagpapaalam ko kay manong ben na driver namin.
Pag aakala kong nasa room ng section 2 siya pero na datnan ko siya sa peace garden nakaupo habang nakatingin sa malayo
"Andito ka lang pala ! " Sabi ko.
Dahilan para lumingon siya, kumunot ng kaonti ang noo niya ng makita niya ako.
Nginitian ko siya at mas lumapit pa sa kanya."di ka pa uuwi ??" Tanong ko, pero di niya ako sinagot.
" Alam mo Trav mahilig din akong mapag isa sa tuwing nalulungkot o may iniisip ako." Kwento ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa malayo pero alam kong nakikinig naman siya.
" Alam mo may mga panahon na naiiyak ako! Pero hindi ko naman alam kung bat ako nalulungkot! Parang may hinahanap lang yung puso at utak ko! Yung tipong gusto mong malinawan sa mga nangyayari sa buhay mo." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa malayo.
Lumingon siya sa akin saglit saka ulit tumingin sa malayo.
" Alam mo ba mahirap mapag isa, yung wala kang masasabihan, kahit gustong gusto mo ng ilabas yung sakit na nararamdaman mo. Alam ko yun kasi ilang beses na rin akong napag isa" sabi ko.
Hindi ko alam bat ko sinasabi sa kanya yung nararamdaman at pinagdadaanan ko.
" Ba't mo sinasabi sakin ang mga yan!? Hindi naman ako nagtatanong." Walang emosyon niyang sabi.
" Kasi ayaw kong naranasan mo yung naranasan ko" sagot ko sa kanya. Dahilan para tingnan niya ako.
" Ayaw kong maranasan mong mag isa" nakangiti kong sabi habang nakatingin din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...