Fate POV
Mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas matapos mangyari sa amin ang trahedyang nakapagpabago sa buhay namin.
Andito ako ngayon sa harapan ng puntod ni Felix. Kanina ay dinalaw ko rin ang puntod ni Samantha para mag alay ng bulaklak.
Umupo ako habang nililinis ang lapida ni Felix.
" Kamusta ka na? Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakabalik." Sabi ko saka sinindihan ang isang kandila.
" Alam mo Lix kung buhay kalang sigurado nag seselos na ako" Sabi ni Travis saka umupo sa tabi ko.
" Bakit ka naman magseselos aber? " Tanong ko.
" Wala lang nakakaselos lang yung ginagawa mo sa kanya!!" Sagot niya.
" Baliw talaga tung si Travis pati ba naman si Felix na wala na pinagseselosan pa" Sabi ni Gray na kakarating lang kasama si Drew at Mark.
Nakita ko rin sa di kalayuan sina Kuya Ryan at Ate Love. Nasa likuran naman nila ang mga iba pa naming kaibigan.
Andito din ang ibang members ng Burning Blue Fire. Hindi na sila kilala ngayon bilang gang kundi bilang grupo ng magkakaibigan.
Tinupad ni Travis ang sinabi niyang lalayu na sila sa gulo at hindi na siya mamumuno ng isa pang gang.
Andito din pala si shane, kamakailan ko lang nalaman na boyfriend niya pala si Kyle. Simula nung nangyari napalapit na rin siya sa mga kaibigan namin.
Si Shaizikyn at Kriszikyn naman ay nakapagpyansa pero ngayon ay nasa isang rehab center.
Si rena hindi na namin alam kung anong nangyari sa kanya pagkatapos ng pagsagip sa kanya ng isang ambulansiya.
" Gray ilapag mo na nga yang tela para mailagay na ang mga pagkain" Sabi ni Ziah.
Pag may vacant time kasi kami ay didto kami nag bobonding sa puntod ni Felix. Sa tuwing nandito kami pakiramdam namin walang kulang, na parang andito pa rin si Felix kasama namin.
Naupo kaming lahat sa isang malapad na tela. Iniisa isa rin naming inilalapag ang pagkain na dala namin.
" Bestfriend Fate anong dala mo?" Tanong ni Tricia.
" Ano pa ba? Eh di ang paborito natin ang --"
" Tortang talong!!" Sabay na sabi ng mga kaibigan namin.
Nagsimula ng kumuha ng makakain ang mga kaibigan namin.
" Kain na ako kanina pa ako nagugutom, hayss nakakapagod!" Sabi ni kuya.
" Ano bang ginawa niyo ni Kyesha at sobrang napagod ka?" Nakangising tanong ni Andrew.
"Ang manyak talaga ng utak mo drew!!" Sabi ni Kath.
" May utak ba yan?" Tanong ni sochan.
" Huyy ang harsh niyo sa akin ha! Tinatanong ko lang si Ryan kasi nakita ko sila ni Kyesha kanina nasiraan ng sasakyan" Paliwanag nito.
" Nakita mo naman pala kami mokong ka bat di mo kami tinulungan!!" Sabi ni Kuya.
" Calm down down Kurt! Sakay ko sila mom kanina kaya hindi na ako nakahinto pa" Paliwanag ulit ni Drew.
" Pati ako na green minded sa sinabi ni adrew eh!" Sabi ni kaden.
" Ako din akala ko yun yung tinutukoy niya" Sabi ni Ziah.
" Kayo naman pala tung mga manyak ang utak eh! " Sabi ni Gray.
" Oo nga pinagsasamantalahan niyo ang pagiging inosente namin" Sabi ni Mark kaya agad siyang nakatanggap ng palo sa baligat galing kay Kath.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...