First Love

184 14 0
                                    

Bumalik kami sa classroom ni Andrew kami lang dalawa ang na iwan sa room, tahimik lang ako nang pinutol niya ang katahimikan

"Ikaw pala ang babaeng tinutukoy niyang dahilan ng pagbalik niya rito babaeng naging girlfriend niya nung 2nd year pa kami" sabi ni Andrew.

" Alam mo Fate noon pa ako naghahanap ng malinaw na sagot kung bat bigla nalang lumayo sa Felix sa amin at umalis sa school na to! At ngayon alam ko na ang lahat."

"Gusto ka pa rin niya Fea , gusto niya makipagbalikan sayo" dugtong pa niya.

Unti unti na naman akong naluluha.

"Hindi lahat ng iniiwan nag hihintay at hindi lahat ng nang iiwan may babalikan " sabi ko.

"Fea sa nakikita ko sayo pakiramdam ko gusto mo pa siya " sabi ni Andrew.

Napangiti lang ako sa narinig kong sabi ni Andrew

" Maaaring siya nga ang first love ko ang first Boyfriend ko maaaring naging crush ko siya since elementary pero
Sabi ko nga sobrang tanga na ng taong ipagkakatiwala ulit ang kanyang puso sa taong naging dahilan ng pagkadurog nito." Sagot ko sa kanya.

"Basta lagi mo lang tandaan nandito lang kami palagi " sabi ni Andrew habang hinahawakan ang balikat ko.

" Oh, tahan na iiyak ka na naman eh! Bahala ka papangit ka niyan" Biro niya.

" Kailan ba ako gumanda?? " sabi ko habang tumatawa na mahina.

" Kapag di ka na iyakin! Eh kaso iyakin ka eh " sagot ni Andrew.

" So hindi na ako gaganda?? Ang sama mo!! " sabi ko sabay palo sa kanya sa balikat niya.

" Pero seryoso Fate! Andito lang kami lagi para sayo." Sabi niya sabay punas sa luha sa mga mata ko.

" Kaibigan ko si Felix pero Kaibigan mo din ako at mas Kailangan mo ako ngayon." Dagdag niyang sabi.

"Salamat drew! True friend nga kita" sabi ko sabay pilit na ngumiti.

"Kainin mo na tung Apple oh! sayang naman tung ice cream natunaw na tuloy " sabi ni andrew sabay pout.

"Bilhan nalang kita ulit libre ko " sabi ko.

"Wag na!! baka umiyak ka pa lalo" biro niya.

Ngiti nalang ang naging sagot ko.

Pagkauwian nauna na kaming ihatid ni manong kasama si Mia gagabihin pa raw sina Travis .

" Ate Fate ayos ka lang ba?? " Nag aalalang tanong ni Mia. Siguro ay napansin niyang medyo namamaga yung mata ko kakaiyak kanina.

" Medyo ok naman! " Nakangiti kong sabi.

" Inaway ka na naman ba ni Kuya Travis ?? " Tanong niya ulit.

" Kasi kung inaway ka na naman niya malalagot na siya sa akin" dagdag niya pang sabi.

" Naku hindi Mia! Walang kasalanan si kuya mo. Medyo mabigat pa sa akin ngayon eh! Pero ikekwento ko rin sayo sa ibang araw " Nakangiti kong sabi para tumigil na siya sa pag aalala.

Pagkatapos ng usapan na yun naging tahimik na ako at sa mga nangyari kanina gusto ko munang magpahinga kaya umidlip ako sa byahe namin pauwi.

Pagdating ko sa bahay pumasok na agad ako sa kwarto wala pa rin kasi sina daddy at mommy . Nagpaalam nalang ako kay nanay Tising na magpapahinga na ako.

Di na rin ako kumain wala kasi akong gana,
Naisip ko bigla pano kung magkita kami ulit ni Felix bukas?
pano kung subukan na naman niya akong kausapin?
Di ko na talaga alam ang gagawin ko ! Aish sumasakit na talaga ulo ko haysss...

Pagka umagahan pagdating ko sa school pinatawag agad ako ni ma'am Gomez para sa drama na ipapalabas raw namin bukas
dahil sa kami ang nanalo tungkol sa dinrama namin na tula ang wagas na pag ibig kailangan raw namin tung i perform bukas ..

Excited naman ako dahil mga kaibigan ko lang naman ang makakasama ko pero dahil sa busy silang lahat sa mga sinalihan nila, kumuha si ma'am nang makakasama namin nina Andrew, Gray at Mark tapos na kasi laro nila at sobrang proud ako sa kanila sila kasi ang nanalo! si Mark pa yung best player of the game, medyo matagal pa naman ang susunod nilang laro kaya sasali raw sila sa drama.

Nawala ang excitement ko ng malaman kong sasali si Felix sa drama .

"Kayo ang gaganap na magkasintahan dahil maraming nakapag sabi sa akin lagi niyo daw nakukuha ang award bilang best actress at Actor noong 2nd year pa kayo " ika ni ma'am gomez.

"Ahmm.. ma'am pwede po bang si Andrew nalang ang partner ko" pamimilit ko kay ma'am . Napaka awkward na makakasama ko si Felix ngayon at sa mga sweet scene pa.

"Mas magandang si Andrew nalang ang ilagay natin sa papel na magiging karibal ni Felix sayo dahil memorisado na niya ang mga linya nito saka ito naman talaga ang rule niya diba" sagot sakin ni ma'am.

Habang nakikinig ako sa paliwanag ni ma'am Gomez tungkol sa itatanghal naming drama di ko namang maiwasang di maging komportable sa pagtingin tingin sakin ni Felix.

" Ok Fate and Felix Ready magsisimula na tayo " Tawag sa amin ni ma'am Gomez.

Hindi ako maka arte ng maayos habang kaharap ko si Felix. Pakiramdam ko ay sasabog ako pag pinagpatuloy ko pa to.

"Lights camera action " sigaw ng kaklase naming na assigned na maging director.

Ang scene ay ang wakas na yayakapin ako ni Felix at hahalikan sa noo.
Pero ng papalapit na sa akin si Felix hindi ko talaga kinaya kaya na itulak ko siya ng malakas .

Pati ang mga estudyanteng nanonood sa amin ay nabigla sa pag tulak ko kay Felix.
Saka ko naman napansin na marami palang nanonood sa amin.

"Lewisa what happen ?? " tanong ni ma'am Gomez sakin.

"Ahmm.. masama po kasi pakiramdam Ko ngayon ma'am sorry " pagdadahilan ko! Na totoo naman! kanina pa kasi sumasakit ang ulo ko.

"Ahh.. ganun ba ! Sige umuwi na muna tayo ng makapagpahinga kayo para bukas". Sabi ni ma'am Gomez.

Dali dali ko namang kinuha ang gamit ko at dali daling bumaba sa stage, nakita ko namang nakasunod pala sakin si Felix .

"Fate sandali lang mag usap naman tayo oh" Malakas na sabi ni Felix na para bang nagmamakaawa.

Di ko siya pinakinggan at dumiretso lang ako

"Fate please kahit sandali lang " sigaw ni Felix .

Napahinto naman ako at hinarap na lamang siya dahil sa kanina pa pala kami tinitingnan ng mga estudyante , pano nasa gitna kami nakatayo.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon