FATE POV
Maaga pala kaming pumunta ni kuya Ryan dito sa school , pagdating ko kasi sa room konti palang kami wala pa din sina Ziah at Katherine first time ko atang nauna sa kanila .
Umupo ako sa upuan ko at tinuloy ko ang composition ko.
Di ako makafocus dahil sa nagdadaldalan yung mga kaklase kong babae."Uyy Alfea Fate ano? totoo bang dito na ulit mag aaral ang kuya mo?" Tanong sakin shane.
" Tama rin bang kaklase natin siya " dagdag na Tanong pa ni Kriss.
Sa unang pagkakataon ay may lumapit sakin para magtanong sa kuya ko, wala kasing nagtatangkang lumapit sakin noong nasa 1st at 2nd year pa kami loner kasi talaga ako noon pero nagbago lahat nung makilala ko sina Ziah Katharine at Kaden.
" Lewisa ilakad mo naman ako oh" sabi ni Shai.
"Tsk... ano ka sineswerte? Ako lang Fate ako lang ilakad mo" sabat naman ni kriss.
Natatawa nalang ako sa kanila, para kasi silang bata na nag uunahang makakuha ng candy.
" Sorry may mahal na kasi ang kuya ko " sabi ko dahilan ng paghinto nila sa pag tatalo.
"Oh My!! Who's that girl ??" Mataray na Tanong ni shane sakin.
"Si Kyesha Love " sagot ko.
" Really?? Oh my nagkabalikan ba sila?? If i'm not mistaken si kyesha yung naging gf niya noong 1st at 2nd year pa tayo" sabi naman ni kriss.
"Talaga ba si Kyesha Love?? Yung campus queen natin?" Tanong ni shai.
Tumango lang ako ! Mas natawa ako kasi nanghina silang bumalik sa mga upuan nila.
Dumagdag naman tung dalawang kaibigan ko pag dating palang nila nagtatanong na din sila kung dito mag aaral ang kuya ko.
"Gosh!! Babalik na si Ryan " kinikilig na sabi ni kath.
" Yiieee makikita ko na ulit siya" sabi ni Ziah habang tumitili crush niya kasi si kuya Ryan noong 1st year pa kami .
Habang nagtitilian silang dalawa ay biglang pumasok naman yung teacher namin si ma'am Gomez,
"Good Morning Class"
"Good morning ma'am mabuhay" bati namin sa kanya.
Naupo na rin kami, pumasok na sila kuya Ryan nasa pinto pa lang siya kinikilig na tung mga kaklase naming babae.
Umupo na sila sa likuran si kuya at Travis ang magkatabi sa likod namin, sina Gray at Andrew naman ang nasa gilid namin ni Ziah, sina Felix at Mark naman nasa gilid nina kuya Ryan.
"Hi bestfriend " bati sakin ni Gray.
"Hello bestfriend " sagot ko naman.
"Wow Gray ha! Andito din kami kung maka hi ka eh kay lewisa lang talaga" tampong sabi ni kath.
"Hi kath" bati ni Mark.
"Tsss.. di ikaw kausap ko si Gray " Mataray na sabi ni kath.
" Grabeh ka naman sakin kath! Ang bad mo " sabi ni Mark sabay pout.
" Sinisimulan mo na naman akong pagtripan Mark tigilan mo ako" sagot ni Kath.
Nakangiti lang ako habang tinitingnan sila, hindi talaga halata na gusto ni kath si Mark, pero alam ko patagong kinikilig na itong si kath.
Tahimik lang si Ziah ngayon kasi nga ngayon niya lang ulit nakita si kuya ang First Love niya.
" Katherine! hindi pa kasi ako tapos sasabihin ko palang sanang magandang umaga sa dalawa kong kaibigan Kath at Ziah" pambobola ni Gray.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...