FlashBack
Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Yung mga salitang nasabi ko kay Fea kanina. Yung nalaman ko kay Felix at yung treats para kay lewisa. Pero mas iniisip ko ang kay Felix at Samantha.
mga panahong nasaktan si Fate lagi akong nakasunod nun sa kanya. Hanggang ngayon pa rin naman. Noon nasaksihan ko ang kung paano siya nawasak. Kasabay niya ay nawawasak din ako, dahil alam kong kahit gustohin kong lapitan siya, yakapin siya alam ko namang hindi ako ang kailangan niya. Iniisip ko tuloy kung tama bang pinagkatiwalaan ko ulit si Felix?.
Gusto kong makalimot sa lahat! gusto kong magpakalasing pero takteng Pageant pa kasi to bakit ako ang sinali.
" Stress? Yosi ka muna!" Malanding sabi ng babaeng nasa tabi ko. Bakit ba to sila nandito?
Hindi ko namalayan na kinuha ko na rin ang cigarette na hawak niya. Kasabay ng pagbuga ko ng usok ang pagtagpo ng mga mata namin ni Fea. Kita ko ang gulat sa mga mata niya hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nakikita ko sa mga mata niya na para bang ang makasalanan kong tingnan. Bumuga ako ulit ng usok saka inakbayan ang dalawang babaeng kasama ko. Hindi ko na alam ang pinanggagawa ko saka lang ako natauhan ng tinitigan niya ako saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad.
Agad akong tumayo para sundan sana siya.
" Travis!? Where are you going?" Malanding sabi ng isa sa mga babaeng kasama ko.
" Who give you the right to touch me? " Inis kong sabi.
" I'm sorry i thought ok lang sayo!" Sabi nito.
" Its not, ok!! I don't even know you! Umalis na nga kayo dito." Inis kong sabi. Dali dali naman silang pinaalis nina Kyle at Red.
" Oh bat ang init ng ulo mo? " Tanong ni Gray. Kakarating lang nila ni Mark.
" Takte ka Travis! Kailan ka pa ulit nanigarilyo? " Sabi ni Mark.
Saka ko na realize na hawak ko pa pala ang yosi na ibinigay sa akin kanina. Agad ko itong itinapon sa sahig saka tinapakan. Tumayo ako saka umalis.
" Travis maghahanda ka na sa pageant!" Sigaw ni Mark.
" Like i care" Sigaw ko pabalik.
➖➖➖Tumambay ako sa peace garden kung saan kami unang naging magkaibigan ni Fea. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, gusto kong sabihin sa kanya ang nalaman ko pero bilang kaibigan ay kailangan kong pagkatiwalaan si Felix. May parte din sa akin na gusto ko nalang siyang agawin kay Felix at ilayo sa lahat ng sakit na mararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...