Confession

169 14 2
                                    

" I'm Lewisa Al--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nalang bumulagta ang lalaking nasa harapan ko.

" Damn you ugly creature ! " Galit na sigaw ni Travis.

Sinubukan ko siyang awatin pero di rin niya pinalampas na di bubugin yung dalawang kasamahan ng pinatumba niya.

"Trav! Tama na!! " sabi ko, ramdam sa boses ko ang pagkabigla sa mga nangyayari.

" Sabihin niyo sa boss niyo, wag siyang duwag lumaban siya ng patas" galit ulit niyang sabi.

Kita ko naman ang pagsaklolo ng mga kasamahan ni Travis sa kaniya na alam kong kabilang sa Blue Fire. Dahilan para mag sitakbuhan ang tatlong lalake.

" Trav, ayos ka lang ba?? Ikaw Fate ayos ka lang?? " tanong nung lalaki sakin na pamilyar sa akin ang mukha sa pagkakaalam ko taga section 2 siya.

" Ayos lang ako Kyle! sige na bumalik na kayo sa loob" sagot ni Travis.

Tumango naman si Kyle at sinenyasan ang mga kasama niyang bumalik sa loob.

Mga ilang minuto pa kaming natahimik ni Travis sa labas,
Habang tumatagal mas lalo akong nakakaramdam ng awkwardness kaya mas pinili ko nalang na maunang umalis.

" Bakit ba hindi ka nag iingat huh???" Malakas na sabi ni Travis, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

" Hindi ko naman kasi alam na-"

" Pano kung napahamak ka?? Alam mo ba kung ano kayang gawin ng mga lalaking yun?" Sabi niya, dahilan para hindi ko matapos ang sasabihin ko.

" Sorry Trav!" Sagot ko.

" Sa susunod kasi mag iingat ka! Pano kung na kidnapped ka na naman," sabi niya ulit sa malakas pa rin na tono ng boses niya.

" Hindi ko naman kasi alam Trav na kasali pala sila sa kalaban niyong gang! " mahinahon kung sagot.

" Yan kasi ang magpapahamak sayo! Ang dali mong maniwala" sagot niya.

" Trav! Pwede tama na! Nag sosorry na nga ako diba" sagot ko.

" Sorry!! Ganyan ka naman eh! Pagnagkamali aasa sa salitang sorry" sagot niya ulit.

" Trav! Bat ba ang init ng ulo mo sakin huh?? Bat gustong gusto mong sinisigawan ako?? Bat gustong gusto mong umiiyak ako at nasasaktan ako dahil diyan sa mga masasakit na salita mo??" Niiyak kong tanong sa kaniya.

" So ako pang mali ngayon!? Ang punto ko lang kasi Fea pano kung napahamak ka??" Sagot niya.

" Eh di sana hinayaan mo nalang akong mapahamak!! Bakit?? Sinabi ko bang tulungan mo ako? Sinabi ko bang iligtas mo ako?? Hindi naman diba!! Hindi yung lagi ka na lang nagagalit sakin kahit hindi ko alam kung bakit " umiiyak kong sabi.

Kailangan ko ng komprontahin si Travis kung anong dahilan niya, kung bat niya ako pinatutunguhan ng ganito.

"Sige nga Travis! Sabihin mo sa akin, bakit ba galit ka sakin? Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin tapos bigla bigla ka na namang bumabait, ano bang problema mo sakin huh??" Tanong ko.

" Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo Fea" sagot niya.

" Sagutin mo ako!! Bakit?? Travis parang awa mo na, nahihirapan na ako sa ganito eh! Sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan mo!" Naiiyak kong sabi.

Tiningnan niya lang ako, saka siya naglakad papunta sa loob. Sinundan ko naman siya, hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan.

Napakaraming tao sa loob na nag sasayawan, dumaan si Travis sa gitna nila sumunod naman ako kahit san pa siya pumunta susundan ko siya Kailangan kong malaman bakit siya nagkakaganito sa akin.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon