Forgiveness

189 14 0
                                    

Nakatingin lang ako kay Felix ayaw ko ng umiyak wala na akong luha para sa kanya.

"Fate please pakinggan mo naman ako oh" naiiyak niyang sabi.

"Felix kahit makinig ako wala pa ring mag bagbago, matagal na tayong tapos at wala na! Wala ng magagawa ang paliwanag mo" sagot ko tatalikod na sana ako ng bigla siyang sumigaw

"Lewisa Alfea Fate I Love You" malakas na sigaw niya.

Dahilan ng pagtili ng lahat ng tao sa gym nakita ko rin sina Andrew at Travis na nasa gilid

Sinagot ko lang siya ng "Felix Anthony Please tantanan mo na ako " ngunit mahina ang pagkakasabi ko. Sapat lang na marinig niya.

"Fea please hayaang mong mag usap kayo ni Felix " Sabi ni Travis.

" Sorry Trav! aalis na ako" Sagot ko. Sabay lakad ng bigla ulit nagsalita si Travis.

" Fea may cancer siya may taning na ang buhay niya, please pakinggan mo naman siya oh" Sabi ni Travis habang papalapit sakin.

Cancer ? Totoo ba to may cancer si Felix ? Napakaraming tanong sa isip ko dahil sa sinabi ni Travis Pero heto ako nakatayo, nakatulala di alam ang gagawin dahil sa pagkabigla.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Travis ang kamay ko at inilagay sa palad ni Felix " Please Fea mag usap kayo " sabi niya habang nakangiti.

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom walang gustong pumutol sa katahimikan na mayroon kami ni Felix.

"Kumusta ka?" Mapaos paos niyang sabi.

"Ayos lang naman" tipid kong sagot.

"Ang Ganda mo pa rin Fate , ikaw pa rin yung Fate na naging girlfriend ko noon" sabi niya.

"Mga bata pa tayo nun" sagot ko.

"Ano bang pag uusapan natin?"dagdag ko.

"Wala, Gusto ko lang na makasama ka" sagot niya.

"Totoo bang may cancer ka?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo.

Tumango lang siya na may kasamang kaonting ngiti.

"Anong stage ?"malungkot kong tanong habang nilalaro ang mga kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong stage ?"malungkot kong tanong habang nilalaro ang mga kamay ko.

"Stage 2 Colon Cancer " tipid niyang sagot na may kaonting ngiti pero halata naman ang lungkot sa mga mata niya

"Sorry, " salitang lumabas sa bibig ko.

" Huh? Wala ka namang kasalanan Fate eh! Siguro nga karma ko na to sa pagiging duwag na di kita naipaglaban noon." Nakayuko niyang sabi.

"Nagsosory ako kasi tanong ako ng tanong tungkol sa sakit mo, halata naman kasing ayaw mong pag usapan " sabi ko.

"Ahh ganun ba! hahahha"sagot niya habang tumatawa.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon