Pagkatapos naming kumain eh bumalik na ako sa kwarto ko
di nag tagal sumunod naman si Travis ."Fea ayos ka lang masakit pa ba ?" Tanong niya sakin.
Umiling lang ako at ngumiti, medyo nakakailang lang pag tinatanong ka ng lalaki tungkol sa ganito.
"Trav sorry naka absent ka tuloy ngayon " sabi ko.
" Its ok Fea ! One day lang naman di ko naman pwedeng pabayaan ang bestfriend ko ano" sabay gulo sa buhok ko.
"Tss corny mo " sabi ko.
"Atleast gwapo " sagot niya.
Di ko alam pero bat sa tuwing lumalapit siya sakin sa tuwing hinahawakan niya ako eh kumakabog ng mabilis tung puso ko.
"Ano bang nagyayari sayo Fea" bulong ko sabay hawak sa puso.
" May sinasabi ka?" Tanong ni Travis.
"Ah.. eh wa-wala " sagot ko.
Halos maghapon ay nag laro lang kami ni Travis ng video games na kahit ang daya daya ko eh natatawa nalang siya.
Nanood din kami ng horror dahil sa dinadaya ko raw siya sa laro namin, siya raw mag dedecide ng panonoorin namin ngayon kaya heto sigaw lang ako ng sigaw habang siya tawa ng tawa sa reaction ko, alam kasi niyang ayaw ko ng horror kaya talagang sinadya niya para mapagtripan ako.
" Trav nakakatakot na ah!! " Pagrereklamo ko." Its nice movie Fea!! Just enjoy ." Sagot niya.
" Nananadya ka naman eh " sabi ko.
" Bakit ba? Its a good movie " sagot niya habang naka focus pa rin sa pinanonood niya.
" Ayaw ko na " sabi ko sabay alis sana sa higaan ko.
" San ka pupunta? " nakangisi niyang sabi.
" Natatakot na ako " sabi ko.
" You are not allowed to leave " Hindi ko alam bat biglang naghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...