"Balik" sigaw ni Andrew sa limang babae .
Bumalik naman sila at lumuhod ulit sa harapan nilang anim.
" Kuya tama na nga sabi eh " maiyak iyak kong sabi.
" Kuya mo ako kaya ako ang masusunod ! " sagot niya.
" Trav! Drew ! Gray ! Mark! Felix ! Sabihan niyo naman si kuya oh na tama na ! " pagmamakaawa ko.
" Sorry bestfriend kasali na sila sa blacklist di na yun mawawala" sagot ni Gray.
" Ano ba kasing gusto niyong gawin ko para hayaan niyo na sila?" Sigaw na Sabi ko.
" Kayo ba talaga yung mga kaibigan ko?? Parang hindi ko na kayo kilala." Dagdag ko.
" Gusto lang namin bigyan ng leksiyon ang mga yan! " sagot ni kuya Ryan.
" Ganyan ka naman kuya eh! Kahit kailan hindi mo naman ako pinakikinggan, lagi nalang ang gusto mo ang masusunod. Sige gusto niyo silang hagisan ng mga bolang to, oh ayan sige ihagis niyo ! Para sumaya na kayo at matigil na kayo! " sabi ko habang umiiyak at binibigay ang mga bola sa kanilang anim.
" Hindi mo kasi ako, kami naiitindihan Fate eh! " sabi ni Andrew.
" Kayo ang hindi makaintindi! Drew ang gusto ko lang na tigilan niyo na to dahil hindi ko naman sinabing maghiganti kayo dahil wala naman akong planong gawin yun! Wala kayong karapatang manakit ng iba! " sagot ko.
" Kaya nga wala silang karapatang saktan ka Fea eh ! " sabi naman ni Travis.
" Hindi porke ginawan ka ng masama, gagantihan mo na rin ng masama hayaang mong ang kapalaran mismo ang maghiganti para sayo, hindi laging kasagutan ang pananakit Trav." Sabi ko.
" Lewisa umalis ka na ! Iwan mo na kami dito dahil wala pa ring magbabago, ipagpapatuloy pa rin namin to ! " sabat ni kuya.
" Sige kuya! Gawin niyo! gawin niyo ang gusto niyo pero sa oras na saktan niyo sila kalimutan niyo nalang na may kapatid at kaibigan pa kayo! " sagot ko at nag simulang umalis na sa lugar na yun.
"Kilala mo ako kuya! Minsan lang ako magsalita pero sa oras na sinabi ko talagang gagawin ko " dagdag ko.
Di nalang ako tumuloy kay ate Love, bumalik nalang ako sa room malapit na rin kasing mag time para sa next subject namin.
Wala pa rin ngayon sina kath at Ziah busy pa rin sila . Umupo ako ngayon sa upuan na malayo kina kuya ayaw ko muna silang kausapin, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong nakikilala ko na kung ano talaga sila.
Pagkatapos ng isang oras natapos na rin ang klase namin pero hindi naman pumasok sina kuya. Siguro nga ipanagpatuloy pa rin nila ang pagpapahirap sa mga babaeng yun.
Dahil sa wala akong magawa pinuntahan ko si Katherine sa Gymnasium kung saan sila nag papraktis.
Pagdating ko nakita ko si kath na rumarampa ang ganda niya talaga! Ang ganda niya kung paano siya mag fierce at mag pose ,
Kaya nga di na nakakapagtakang maraming naiinlove sa kanya kaya ng tinagurian siyang play girl noon, hanggang ngayon din naman kilala siya sa buong campus na play girl pero alam ko nag bago na siya at wala na siyang lalaking napag lalaruan pa.Nang matapos sila sa rehearsal. Agad siyang tumakbo papalapit sakin dala ang 4 inch na high heels niya.
"Friend!!! Musta ka na? Sorry ha di na tayo nakakapag bonding busy kasi ako ngayon pero promise babawi ako" sabi niya.
" Ano ka ba ayos lang yun friend! Basta dapat isipin mong mananalo ka" sagot ko.
" Oo naman magpepray talaga ako ng bonggang bongga kay God tulungan mo rin akong mag pray malakas ka sa kaniya eh " sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Genç KurguIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...