Isa

146 14 0
                                    

Nakapikit pa rin ako habang pinapakalma ang sarili ko! Sana nga matulungan kami ni Travis sana nga di kami mapahamak
Panginoon ikaw na ang bahala sa amin.

Nakapikit lang ako habang inaalala ang mga mahal ko sa buhay! Hindi ko alam kung makikita ko pa ba sila ulit, o dito na matatapos ang buhay ko! May mga bagay pa akong hindi na itatama may mga Kailangan pa akong sabihin at aminin, magagawa ko pa kaya yun!

" Fate!! " bigla akong natauhan dahil sa sigaw ni Gray.

" Fate ayos ka lang ba?? Andito na si Travis " Sunod sunod na sabi ni Gray.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan na katabi ni Gray, andun si Travis na sinasabay ang pagtakbo ng kanyang motor sa pagtakbo ng aming sasakyan.

" Trav! Kunin mo lang si Fate, kaya ko na sarili ko" sabi ni Gray.

" Bestfriend anong ako lang? Pano ka?? " Nalilito kong tanong.

" Bestfriend konti nalang oras natin aabot na tayo sa dulo ng subdivision na to! " Sagot ni Gray.

Sa pagkakaalam ko ang dulo nang subdivision na to ay isang bahay na abandonado.

" Fate! Kaya mo bang tumalon?" Sabi ni Travis, na nasa tabi na ng bintanang banda sa akin.

" B-Bestfriend hindi kita iiwan dito! " sabi ko kay Gray. Binuksan ni Gray ang pintuan ng sasakyan banda sa akin.

" Sige na bestfriend makinig ka sa sabihin ni Travis, iligtas mo na ang sarili mo " Mahinahon niyang sagot.

" H-Hindi! Bestfriend naman eh! sabay tayong aalis dito! " maiyak iyak kong sabi.

" Bestfriend please wala na tayong oras Kailangan mo nang makaalis dito." Sagot ni Gray sa akin sa mataas na boses.

" Ayaw ko!! Ayaw kitang iwan, ang daya mo eh bakit ako lang! Pano ka??" sigaw ko habang umiiyak.

" Fea, please!! Kung gusto mong pareho kayong makaligtas ni Gray tumalon ka na! " sabat naman ni Travis. Habang inaabot ang kamay niya sa akin.

" Bestfriend sige na abutin mo na ang kamay ni Travis! Pangako ililigtas ko ang sarili ko." Mahinahon na sabi ni Gray.

" Pangako mo sakin yan ah! Promise ko sayo pag nakaligtas tayo dito pareho, hindi na kita aawayin" umiiyak kong sabi.

Ngumiti lang siya saka niya ako tiningnan ng saglit,

" Sige na bestfriend tumalon ka na!! " sabi niya sakin.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at dahan dahan na tumayo sa harap ng pintuan ng sasakyan kung saan naghihintay si Travis sa akin.

" Fea, pag sinabi kong talon tumalon ka! Sasaluhin kita" sabi ni Travis.

" Sasaluhin?? Papano sinong mag da-drive ? " nagtataka kong tanong dahil sa wala namang kasama si Travis sa motor niya.

" Basta mag tiwala ka sa akin! " sagot niya. Inabot niya ang kamay niya sa akin habang ang kabila naman ay nasa manibela.

Unti-unti ko naman inabot ang kamay ko sa kanya pero nakaramdam ako ng takot dahil sa hindi ko pa rin alam kong papaano ako sasaluhin ni Travis.

" Fea! Abutin mo na ang kamay ko! " malakas na sabi ni Travis.

" T-Trav.. H-hindi ko kaya!! " sagot ko, habang nanginginig sa takot.

" Bestfriend kayanin mo! " sabi ni Gray.

" Sorry!! Hindi ko kaya!! " umiiyak kong sabi.

" Fea! " sigaw ni Travis. Dahilan para tumingin ako sa kanya ulit.

Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon