Excited ako ngayon alas singko palang gising na ako, wala na naman akong dapat ayusin dahil naka prepare na yung gamit ko. Tinawagan ako ni Felix na susunduin niya araw ako, kaso sabi ni kuya na ihahatid niya raw ako kilala katherine.
Nagbasa ako ng Bible saka ako naligo at nagbihis.
" Engot!! " Rinig kong tawag sa akin ni kuya. Pinatay ko ang kantang pinapatugtog ko.
" Oh bakit? " Tanong ko.
" Maghanda ka na ihahatid na kita " sabi niya.
Naghanda na ako at dinala ko na sa baba ang maliit na maletang dala ko.
Napangiti naman ako ng makita ko si Ate Love sa may sala.
" Ate Love!! " nakangiti kong sabi habang niyayakap ko siya. Halatang nagulat siya, pero niyakap niya ako pabalik.
" Hello Lewisa " Nakangiti niyang sabi.
" Ate Sumama nalang kaya kayo ni Kuya Ryan? " Sabi ko.
" Naku Lewisa kung pwede lang sana! Kaso busy kaming senior high ngayon, kaya next time nalang siguro kami sasama ni Kurt " paliwanag niya, nag pout ako sa sagot niya.
" Hayss sayang naman." Sabi ko.
" Tara na!!" Sabat ni kuya sa amin, sabay kuha sa maleta ko.
Marami pa kaming napag usapan ni Ate Love habang nagbabyahe, lumipas ang isang oras nakarating na rin kami sa bahay nila kath.
" Hello Bestfriend!! Hello Kurt and Love, uyy sama kayo? " Tanong ni Kath.
" Sorry pero next time nalang siguro busy si Kyesha eh! "Sagot ni kuya.
" Sayang naman!!" Sabi ni Kath sabay pout.
Habang nag uusap kami dumating na rin si Mark.
" Nandito na pala kayo! " Sabi ni Mark.
" Yes, kanina pa! Your'e Late!! " sabi ni Kath sabay taas ng kilay niya.
" Sorry naman! " nakangiting sabi ni Mark.
" Nag set ka ng time alas 6 tas alas 9 na, hayyss Mark Gil! " sabi ni Katherine habang umiiling. Natawa tuloy kami ni ate Love.
" Sino naman tung parating? " Tanong ni kuya, sabay turo sa bagong naka park na sasakyan.
" Hello Ate Fate" Nakangiting sabi ni Gail habang kumakaway.
" Gail!? Anong ginagawa mo dito!" Gulat kong tanong.
" Sasama raw siya! Ang kulit " sabi ni Gray. Nakangiti ako nang makita ko si Gray, kumakaway ako sa kanya.
" Ikaw! Pinag alala mo kami kahapon" sabi niya sabay pitik ng noo ko.
" Aray!! Ang sakiit bestfriend" sabi ko sabay hawak sa noo ko.
" Hahaha! Sa susunod kasi magpaalam ka!" Sagot niya sabay gulo ng buhok ko.
" Aish bestfriend naman eh! " sabi ko sabay pout.
Di nagtagal dumating na rin sina Travis at Tricia, si Felix ang huling dumating tahimik lang siya. Hindi pa rin siya pinapansin nila kuya.
Nakahanda na ang lahat para sa byahe, kaya nagpaalam na ako kila kuya.
" Engot mag iingat ka dun ha!! " sabi ni kuya.
" Opo kuya! " sagot ko.
" Alam mo Moo para kang tatay kung umasta! Paulit ulit mo nang sinasabi yan ngayon." Nakangiting sabi ni Ate Love . Inakabayan lang siya ni kuya.
BINABASA MO ANG
Ang ITINADHANA kay Ms.RELIHIYOSA (COMPLETED)
Teen FictionIba si Fate sa lahat ng estudyante sa Xiao Min University kilala siya bilang isang Relihiyosang Loner, ngunit paano nga ba magbabago ang buhay ni Fate ng mapalapit ito sa mga sikat sa Xiao Min University. Paano niya pipigilan ang pagtibok ng kanya...