[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captain/coach na si Kenji Fajardo ng isang manager para makatulong nya sa team. Luging-lugi kasi ang baske...
"May bagong coach na ba tayo, Kenji?" Nakita kong biglang nagchat si Tyrone sa akin.
"Nagpasa naman ako ng letter sa club adviser nung nakaraang buwan pa, kaso wala pa rin." Sagot ko.
"Pasukan na next week, gagi." Reply nito.
Bumuntong hininga ako. "Kung 'di nila tayo bibigyan ng bagong coach, kukuha na lang ako ng manager." Sagot ko.
"So... ikaw ulit coach?" Reply nito.
"Yeah." Sagot ko.
"Sigurado ka ba? Kenji, 'di biro maging third year college sa kursong Computer Science tapos varsity player ka pa. Sure ka bang kukunin mo uli responsibilidad ng pagiging coach... uli!?"
Napakamot ako ng ulo. "Kaysa naman hindi tayo maglaro this coming tournament."
"Uh.. yeah."
"Kaya ko at alam kong kakayanin natin. Pero siyempre, kailangan ko ng katulong." Sagot ko.
"Sige. May naisip ka na bang idea paano tayo makakakuha ng bagong manager?"
Napangiti ako. "Meron na."
------------
Marie, going for the buzzer beater! Shoot!
Tinira ko ang bola at pumasok ang pinagmamalaki kong three point shot.
The feeling will always be priceless.
Naglakad ako at pinulot ko ang bola matapos akong magdaydream. Yeah, everything is just in my memories. I mean, yung three point shot na ginawa ko? Iyon ang nagpapanalo sa amin noong nasa high school ako noong nasa US pa ako. Nirerecall ko na lang lahat ngayon.
Ah! Putangina nakakamiss sumali sa isang tunay na basketball team at maglaro!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Uy, naunahan pala tayo, Paul!" Narinig kong may mga bata sa likod ko. Nasa public court lang kasi ako sa village namin. Alas syete pa lang ng umaga.
"Sayang!" Ani noong isang bata.
"Baka pwede nating pakiusapan?"
"Di mo ba nakikita? Dilaw yung buhok eh tsaka maputi. Amerikana yan! Di ako sanay mag English."
"Edi panoorin na lang natin. Parang 'di naman sanay to kasi babae eh. Pag pinanood natin, baka maasiwa tsaka umalis."
Leche tong mga bata na to a.
"Haha! Oo! Panoorin natin para umalis!"
Aba'y anak ng-
Dali-dali akong naglakad papunta sa mga dalawang bata na yon.
"HOY MGA KOLOKOY, NAIINTINDIHAN KO KAYO!" Nanggigigil kong sabi.
Halata sa kanila ang gulat at takot.
"Hindi porket ganito hitsura ko, hindi na ako nakakaintindi ng Tagalog! Pilipino tatay ko!" Bwisit ko pang sabi.
"SI PAUL YON, ATE!"
"HINDI! SI ALFRED YON!" Nakuha pa nilang magsisihan.
"Tigilan nyo ako! Pagdodobolin ko kayong dalawa!" Bwisit na bwisit kong sabi.
"Sorry na, ate!" Sabay nilang sabi.
Nakakawalang gana amputa. Naglakad na lang ako papaalis ng public court at nagbabalak na lang umuwi sa bahay.
"Ate! Di ka na gagamit ng court?!" Tanong nung bata sa akin.
"Sa inyo na yan! Saksak nyo sa baga n'yo!" Bwisit kong sagot.
Putangina.
Author's note:
Kung binabasa mo to at nagtataka ka bakit nireupload ni Ruri to, well... nagbago na ko. HAHAHHAH.
I love my TPCM pero when I came to reread it, naumay ako sa kagaguhan ni Marie. Para syang takas sa Bilibid kasi kaya binago ko ang lahat sa story- tho marami pa rin ang same. :D
Sa mga new readers, go ahead! Author is now 24 years old and has improved a lot in writing! haha
This story is like a spin off ng Slam Dunk sa Shoyo High with a twist. Kenji Fajardo is heavily based on Kenji Fujima. Tyrone is also based on Hanagata.
Inspirations: Slam Dunk, Gokusen at ang kalungkutang bumabalot sa akin kaya nagsulat na lang ako.
Ang storyang ito ay walang nakakastress na lovelife at tangang main character. Lahat dito... gago. Liban kay Kenji ahahah .