Chapter 23:
Andrea's POV:
"Hoy Marvie, mauuna na ko ha?" sabi ko at tumayo na. Tiningnan ko muna si Mike na nakaupo sa tabi na ngayon ni Marvie. "Hoy Mike, ang landi mo. Umuwi ka na, tapos mo na kami pakainin di ba?"
Tumingin siya sakin at nag frown, tss. Ang arte.
"Ah ganun? So, pera lang pala ang habol sakin dito?" Nagkunwari pang nasasaktan.
"Ang arte mo, if it isn't obvious yet, nakakagulo ka po. Kita mo ba yung nguso niyang si KIT, ha? Baka makatusok na sa sobrang haba. KIT, maawa ka sa pasta mo please, wala nang buhay yan." Tiningnan ko naman si Brylle na kanina pang nakatingin sakin at nagsmirk ako sakanya.
Belat! Pahiya ka ngayon, kunyare ka pang wala lang sayo yung sinabi ko kanina namutla ka nga eh.
HAHA, kung pwede ko lang sabihin sakanya yan ng malakas, kaso baka sapukin ako eh. Pikon pa naman yan, pasalamat siya, gwapo siya! TSS.
Makaalis na nga, pupunta na lang akong C.R. ..
Hindi pa ko nakakalayo pero nakaramdam ako ng may sumusunod sakin.
Sino yun?
Tumingin ako sa likod at nakita ko siya, psh!
Dumiretso ulit ako sa paglalakad, ako pa ba maga-approach? Tamang hinala kasi eh.
Wala pa ngang kami, seloso na! TSS. Haha, ang kapal ko naman! Bakit?! Libre namang mangarap ah! Kita mo ngayon, sinusundan niya ko. HAHAHA!
Kanina pa kami palakad-lakad pero hindi niya naman ako pinapansin. Ano ba? Napakataas ng pride nitong Brylle na to ah!
Huminto ako sa paglakad at bumangga siya sa likod kakasunod.
Humarap ako sakanya, "Ano ba?! Bakit ka ba nasunod?!" Ang sakit ha!
Nagsmirk siya at nagpamulsa ng mga kamay, *o* naman eh! Lugi ako! Ang gwapo niya pag ginagawa niya yan, nawawala galit ko eh! "Ikaw? Sinusundan ko? Asa ka naman. Di ba pwedeng dito din daan ko?" Sabi niya sabay irap sakin.
Aba! Nagtataray pa! Naniningkit ang mata ko sa narinig ko sakanya.
"Just say it Brylle, di ka mamamatay kung sasabihin mong 'sorry kasi nagkamali akong hinusgahan kita agad' ganun lang."
Tumawa siya ng mahina, "sino ka naman para hingan ko ng sorry ha?" humawak siya sa ilalim ng baba niya at parang nagiisip. "Mas enjoy nga kung totoong boyfriend mo yun eh, tapos sinabi kong may gus --"
Hindi ko na siya pinatapos, >///< "Ang kapal ng mukha mo! Wala akong gusto sayo!"
Tinaasan niya ko ng kilay, "Talaga?" Ngumiti siya, mapang-asar na ngiti. "Wala?"
Napaatras ako sa kinatatayuan ko, palayo sakanya. "W-wala!"
Nagkibit-balikat siya, "Okay wala." Sabi niya at nagsimula ng maglakad.
Dumaan siya sakin at pigil hininga akong nakatayo lang, sakanya lang ako kinakabahan ng ganito. Bwisit ka talagang Mercado ka!
Nakahinga ako ng maluwag ng makalagpas siya sakin. Akala ko aalis na talaga siya, humarap ako at nakita kong nakatayo pa rin siya dun at nakatalikod sakin.
"Pano ba yan? Eh di wala na palang dahilan para tanggihan mong lumabas kasama ako. Saturday, 3pm. Susunduin kita sa bahay niyo."
Ano daw? Date ba yun? (-////-)
Marvie's POV:
Siomai! Siopao! Pancit! Tikoy!
Lahat na ng pagkaing intsik!