Reah's POV:
"I can't breathe!" Sigaw ko nang higpitan pa lalo niya ang pagkakayakap sakin.
"Five minutes," sabi niya with a serious and husky voice. Ugh. Parang all of a sudden gusto kong ibalik ang yakap niya. Mas mahigpit pa sa yakap na ginagawa niya sakin ngayon.
I just noticed that my eyes are closed savouring the feeling that I'm having because of his hug. Yes, umi-english. Haynako Reah!
Parang sanay na sanay akong kayakap siya kahit pa hindi naman talaga kami sanay ng ganito. When was the last time he hug me? Or should I ask, is there any other circumstance that he hugged me like this before? I don't think there is.
Para bang pamilyar na pamilyar yung pakiramdam, it's comfortable and uncomfortable at the same time. Comfortable kasi ang warm ng hug niya, pakiramdam ko ligtas ako but at the same time uncomfy kasi nasa gitna kami ng kalsada nagyayakapan. Buti nalang at walang dumadaan.
"Sobrang laki siguro ng galit mo sakin bansot" hindi ko na pinansin yung lait niya at hinintay ang kasunod na sasabihin niya. Tinanggal niya ang yakap niya, five minutes na ba yun? More! Joke. Nakapagbiro pa talaga ako.
Bumungad sakin ang nanghahabang nguso niya, parang batang nagtatampo. Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos hinintay ko na dugtungan niya yung sinasabi niya.
"Hindi ka talaga umattend ng birthday ko o ni bumati man lang?"
Agad naman akong napaiwas ng tingin. Sht. Oo nga pala. Damn. Sabi ko na may nakalimutan ako e. Hindi ko naman intentionally kinalimutan ang birthday niya, sadyang nawala lang sa isip ko dahil preoccupied ako nitong mga nakaraang araw.
"Alam ko ba?" Sinubukan kong hindi magmukhang guilty. Kahit na guilty'ng guilty na talaga ko.
"Hindi mo alam?" He said it like it was the most absurd thing he had ever heard in his life.
"Ulit pa?" Tanong ko ulit.
He laughed humourlessly "you must have hated me that bad to the extent of forgetting my birth date. Ouch." He clutched his chest like he was literally hurt there.
Kung siguro wala si Rona sa eksena, kung hindi siguro sila. Maiisip ko na talagang nasaktan siya sa di ko pag-alala sa birthday niya. Pero andiyan si Rona at ang dating sakin nun ay nilalandi niya lang ako.
"Edi sorry, first of all I'm not responsible for remembering your birthday because it's not MY birthday. Second, wag OA di ka mamamatay kung di kita binati. Third, I don't hate you. It really did just slip on my mind." Sabi ko dito, not breaking the eye-contact.
He forced a smile. I can clearly tell when his smile is real or not, araw-araw ko ba namang nakikita yun. Mostly, sinasadya kong tingnan. Pero minsan nahuhuli ko lang. Okay lang aminin ko di ba? Utak ko lang naman 'to, di naman siguro ako ilaglag nito at sasabihin na 'di pa siya nakakamove-on sayo!'
"It's okay, I know that I'm not important. I just thought you know because your family is there celebrating with the others." He said. Shet, kanyang party pala yun?
Ugh, okay ngayon kinakain na ko ng konsensya ko.
Pero teka, "E bakit ka nandito kung may party ka pala?" Tanong ko.
Unlike kanina, hindi na siya makatingin sakin. Nakatungo na lang siya, he seem a bit sad? O baka naiimagine ko lang?
"Ah -- napadaan lang ako," he sighed. Sa tingin ko sakanya galing yung tumutunog kaya dumukot siya sa bulsa at tiningnan ang screen ng phone niya. "Kailangan ko nang umalis." Sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin, nakatingin lang siya dun sa screen ng phone niya na nagbi-blink while ringing. Hinahanap na siguro siya.
