Chapter 61:
Walang sinuman ang bumabasag ng katahimikan, tanging ang kubyertos lang ang tumutunog at ang mga panaka-nakang paghinga ng bawat isa.
6:30 pm nang magulag si Reah pagbaba niya ng hagdan sa nakita niya. Paano ba namang hindi siya magugulat? Nandun lang naman nakaupo sa living room ang parents ni Tyron. Nang magtama ang tingin nila nito ay ngumisi lang ito sakanya bago pagtuunan ng pansin ang papa niya.
Okay? Anong meron? Parang nitong mga nakaraang araw lang magkagalit pa kami. Hindi maiwasang tanong ni Reah sa sarili. Pagkatapos kasi ng despedida ni Maicah ay nauwi sila sa sagutan.
*flashback*
Papalabas na sila ng DP nang biglang basagin ni Tyron ang katahimikan.
"Lakas maka-concern ng paglapit kanina ah." Kahit hindi buo at pasaring lang ang pagkakasabi ay nagets agad ni Reah ang ibig sabihin nun.
"Para tinanong ko lang naman anong problema niya, masama ba yun?" Hindi maiwasan mabakasan ng inis ang tono niya.
"Oo masama." Seryoso at matigas na sagot ni Tyron dito. "Ako nga 'tong pinsan hindi kinausap ikaw pa kaya?"
"Kahit sino hindi matutuwang kausap ka," umirap pa si Reah dito.
"Kala mo nakakatuwa ka?" Binalingan na ito ng tuluyan ni Tyron.
Ang gusto lang naman kasi nitong sabihin ay nagseselos siya, ewan niya ba kung bakit nauwi sa harsh words at pilosopohan ang usapan nila.
"Bakit tingin mo ba nagpapatawa ako?" Tumingin din sakanya si Reah at taas kilay niyang sinagot si Tyron.
"Isa pang sagot," paghahamon ni Tyron.
"Oh ano? Iiwas ka? Di ka magpaparamdam?" Lalong tumaas ang kilay ni Reah dito. "Feeling mo hahabulin kita?"
"Dami mong sinasabi, ito lang naman ang gagawin ko." Nagulat na lang si Reah nang bigla siyang hablutin ni Tyron sa kamay at ikulong ang pisngi niya sa mga palad nito. Wala na siyang nagawa nang maramdaman niyang hinalikan siya nito.
"Akin ka lang, binabakod na kita kaya wag mo kong paselosin. Kahit pinsan ko yun, sasamain sakin yun." Arogante nitong sabi kahit hinihingal pa ng kaunti dahil sa kissing scene nila.
Hindi naman nakasagot si Reah dahil masyado siyang nabigla sa mga pangyayari. Iniwan na siya ng tuluyan ni Tyron. Nagpasundo na lang tuloy siya sa driver nila.
*end of flashback*
Pagkatapos nun, ni wala silang naging usapan sa text o tawag. Sa school naman ay hindi sila magkaron ng masinsinang usapan dahil palagi silang magkakasama na barkada at lagi nalang tulog itong si Tyron. Siya naman, busy sa pagrereview. May upcoming entrance exam sila sa iba't ibang university.
"Pa," Tawag ni Reah nang tuluyan siyang makababa ng hagdan. "Good evening po tita Eloisa, tito Thomas." Nahihiya niyang binati ang dalawa at binigyan naman siya ng mga ito ng ngiti.
Tinapunan niya ng tingin si Tyron na nakatingin na rin pala sakanya kanina pa pagtapos ay inirapan ito. Bwiset pa siya dahil ninakawan na naman siya ng halik nito. ( kunyare hindi niya gusto at hindi siya kinilig dun )
"Sorry Ronald, hindi kami masyadong nakapaghanda dahil bigla lang din naman na sinabi samin nitong si Ezekiel na pinapupunta mo daw kami." Paliwanag ni Eloisa kay Ronald na tatay ni Reah.
Si Reah naman ay matamang nakatayo lang sa gilid ng tatay niya at nakikinig sa usapan.
"Oo nga e, ang tagal na rin pala ano? Parang nung huli tayong magkita ay itinatakbo ka palang nun sa ospital para manganak." Sagot naman ni Ronald at napangiti si Eloisa nang maalala yun. "Siya nga pala, Thomas." Tumingin naman ang tatay ni Tyron dito. "Alam mo na ba ang tungkol kay Tyron at Reah?"