Chapter 9.1:
( 3rd Person Speaking )
"Hindi nga kasi ganyan yan! Ikaw ba ang nagtuturo dito?!"
"Hindi! Pero ako naman ang tinuturuan and I assure you, I'm better than you! Mali naman kasi yang tinuturo mo eh!"
"Then if you're better than me, go tell your mom! Quit bothering me!"
Hindi na lang pinansin ng barkada ang pag-aaway ng dalawa. Sino pa nga ba? Si Tyron at si Reah lang naman ang mag-aaway ng ganyan. Almost 2 weeks na rin since nagtransfer si Tyron sa building ng mga common students, siyempre bringing KIT and Brylle all the way. Okay naman kay KIT, kay Brylle? Nevermind. But wait, there's more! Classmates na silang anim ngayon. Yes, napunta sila sa section nila Reah at isagad na natin ang awesomeness ng moment na ito. Nakiusap pa ang mommy ni Tyron kay Reah para maging tutor ni Tyron. How cool right?
Nangyari lahat nang 'yun nang makita ng principal nila na magkasama ang dalawa. Sino pa nga ba ang principal ng school kundi ang mom ni Tyron. And the rest is history ...
"Grabe, nagkaron na ba sila ng matinong review niyan? Next week na ang exam ah?" – KIT
"Asa ka pa diyan no! Tyron and Reah? Not a really good combination." – Marvie
"Yeah right!" Nag-appear pa ang dalawa.
Nagkabati na rin kasi si Marvie at KIT, after humingi ng sorry si Marvie kay KIT. Natapos ang usapan nila sa "Hindi porket pogi, nagpapaiyak na ng babae. Ibahin mo ko." ni KIT. Na tinawanan nalang ni Marvie. Hindi pa kasi siya convinced sa sinabi ni KIT.
Kung buddy-buddy na si KIT at Marvie, ibahin naman natin si Andrea at Brylle.
"We've been classmates for almost 2 weeks, yet you keep on staring at me as if I'm sort of a food for you." Iritable na namang sita ni Brylle kay Andrea. Since lumipat kasi sila dito, hindi na naman nagprocess ng mabilis ang utak ni Andrea. Feeling niya, panaginip pa rin.
Nailang naman si Andrea sa sinabi ni Brylle, kaya tumayo na lang siya at bumalik na sa upuan. Iniwan niya sina KIT at Marvie kasama ang Brylle na yun.
"Ang yabang mo ha! Porket scholar ka lang!" – Tyron
"Bitter ka? Mag-aral ka kasi! Di puro kayabangan iniintindi mo!" – Reah
"Bansot!" – Tyron
" Laki ilong!" – Reah
Napuno na ng nonsense convo ng dalawa ang section nila nang biglang pumasok ang "mr.perfect" sa mata ni Reah ..
Sino pa nga ba? Ang student council president slash long time crush at pinagpapantasyahan ni Reah sa batch nila. Si Deither. Almost 2 weeks pa namang nawala ito dahil sa isang leadership program ng school.
"Reah!" Sigaw niya nang makita si Reah.
Umayos naman ng upo si Reah bago ibinaling ang tingin niya sa tumawag sakanya. Acting so demure. Siyempre, para di wa poise! Crush kaya niya yun!
"Deither! Kamusta?!" Sobrang taas ng energy niyang bati dito. Bago pa makalapit sakanya si Deither, marami na ang sumalubong dito. Kaya nga mr.perfect, kasi nga .. Gwapo na, friendly pa!
Nang makalapit na sa pwesto ni Reah si Deither, nagpunta na rin si Marvie at Andrea dun. Close din kasi nila si Deither. Nabaling naman ang tingin ni Deither sa nakaupo sa likuran ni Reah. Tyron rolled his eyes.
"Wait, anong ginagawa niyan dito?" Takang taka na tanong ni Deither kay Reah.
"Wala, napadaan lang. – Aw! Masakit yun ah!" Reklamo ni Reah nang batuhin siya ng eraser ng lapis ni Tyron.
"Kilala mo?" Singit naman ni Marvie.
Ngumiti naman si Deither, na lalong ikinataka ng tatlo.
"Uy Deither! Dito ka pala?" Gulat na bati ni KIT na nandun na rin pala, sa pagkakatanda nila 5 lang sila pero nandun na rin si Brylle at KIT ngayon.
"Kasama rin kayo?" Gulat na tanong ni Deither sa dalawa. "Ako ang dapat magtanong niyan. Ba't andito kayo?" – Deither
"Looks like someone doesn't want us to be here." – Brylle
Ngumisi naman si Deither sa komento ni Brylle.
"You never change, Brylle. It's good to see you here." – Deither
Parang tuod naman na nakanganga at nakatitig lang sa mga naguusap ang tatlo. Okay? Sila na ang kilala ang isa't isa.
"Wait nga, kanina lang tayo pa magkausap ah?" Singit naman ni Reah. "Bakit mo sila kilala Deither?" Tumango-tango naman si Marvie at Andrea na sumasang-ayon sa tanong ni Reah.
"Di ko ba nasabi sainyo?" Naihimas pa ni Deither ang kanang kamay sa likod ng ulo. "Tyron's my cousin .." awkward pa itong ngumiti sa tatlo.
Once again, nganga na naman ang tatlo sa nalaman. Parang 2 weeks ago lang, ganito rin ang itsura nila nang pumasok sila Tyron sa classroom nila at sinabing they'll be with them for good. Tapos ang long time crush ni Reah na si Deither, pinsan si Tyron? The F!
Author's Note:
Part 1 palang po. May kasunod pa. Yan po muna. Pagod na ko xD HAHA! :)
-- RMM. ü