Epilogue:
"Galit ka pa ba?" Tanong ni Tyron sakanya habang nakaupo si Reah sa pagitan ng mga legs nito at nakayakap sakanya.
Ipinaliwanag ni Tyron na kaya hindi siya nagparamdam ng matagal kay Reah ay dahil tinupad nito ang pagpasa sa mga entrance exam niya at ngayon nga ay parehong kurso na ang kinukuha nila.
Umiling naman si Reah. Hindi na masama ang loob niya pero hindi niya maiwasang malungkot dahil marami-rami rin ang namiss ni Tyron habang wala siya.
"Sayang, wala ka nung birthday ko." Malungkot ang boses nito.
"Sinong may sabi na wala ako dun?"
Napalingon naman si Reah sa likod niya at tiningala si Tyron. "Andun ka?" Tumango ito sakanya. Nagtataka niya naman itong tiningnan.
"Yung nakasayaw mo. Ako yun."
Gulat na napakalas si Reah sa pagkakayakap nito sakanya.
"Talaga?!" Tumango ito at ngumiti sakanya. "Kaya pala ayaw mo kong bitawan."
Tumawa ng mahina si Tyron.
"Sorry, tiniis ko din naman na mahiwalay sayo ng ganun katagal kasi gusto kitang masurpresa."
"Surprise na surprise nga ako e! Halikan daw ba ko sa harap ng maraming tao!"
Tumawa na naman si Tyron, walang idea si Reah kung gaano siya namiss nito. Pero kahit na magkalayo sila ay alam pa rin ni Tyron ang mga nangyayari sa girlfriend niya.
"Wala ka tuloy regalo sakin." Kunyare naman nagtatampo si Reah kay Tyron.
Naiiling naman na napangiti ito bago may dinukot sa bulsa.
"Hm," iniabot niya ang maliit na kahon kay Reah. "Belated happy birthday, B."
Bigla namang namula si Reah at alanganing kinuha sa kamay ni Tyron ang kahon at dahan-dahang inangat. Bumungad sakanya ang isang singsing na hugis puso at may infinity symbol din.
"Ty ..." Parang biglang naubusan ng salita na sasabihin si Reah sa ganda ng singsing na binigay sakanya ni Tyron.
"Seryoso na ko B," sabi ni Tyron sakanya. "Simulan na talaga natin yung forever nating dalawa."
"Hindi ka na ba mawawala?!" May pagtatampo pa sa boses nito nang maalala na naman ang pagkawala nito.
"Hindi na." Seryosong sagot naman ni Tyron.
"Ako na ba talaga? Hindi ka na titingin sa iba?!" May kasama pang pag-aakusa ang tono ng pananalita ni Reah dito.
"Hinding-hindi na. Ikaw lang sapat na." Sabi nito na nakapagpatawa sakanila pareho.
"Jejemon lang? Eyow fu?!" Natatawang tanong ni Reah dito.
"Tyron ni Reah, silyado bente otso." Lumapad ang ngiti ni Tyron sa pagsasabi nun.
"Oh my gosh!" Tawa ng tawa si Reah habang sinusuot sakanya ni Tyron ang singsing dahil sa sinabi nito. "Grabe B, ang panget pala pag naging jejemon ka tas seryoso!"
Mahina namang tumawa ito bago tumingin ng diretso kay Reah ng seryoso at ikinulong ang mga pisnge nito sa palad niya.
"This time I surrender my everything ... for you, B." Seryoso niyang sabi dito bago hinalikan si Reah sa noo na nakapag-papikit naman kay Reah bago niya ulit ito tiningnan ng diretso. "Wag kang magsasawa, kasi ako wala na kong planong tapusin 'to."
Napangiti na lang si Reah sa sinabi ni Tyron. Naalala ang mga sinabi ni Tita Eloisa sakanya kung sakali man na mag-away sila ni Tyron sa future.
"Let's always find our way back together, because I know now that we're destined for each other ... I love you, Tyron." She said before she felt his lips on hers.
The End
***
A/N:
Ohmigosh. Natapos ko na talaga siya! Huhuhu ( waterwater ) Sobrang nakakatuwa lang na first ever story ko ito na natapos. Hindi ko maalala kung kailan ko siya sinimulan, pero ito. Tapos ko na nga talaga :') Sobrang nagpapasalamat ako sa mga naboto at nagkocomment kahit sobrang onti niyo lang talaga. Kahit na puro silent readers lang ito at hindi nakapukaw ng maraming atensyon, still, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sa TEah, sa KiVie, DEah, BrEa/AnRylle. Sa mga ininis ni Marienela at Maicah. Sa mga kinilig. Sa mga nagbigay ng opinyon at suhestiyon. Sinipag akong tapusin 'to dahil sainyo. Sana suportahan niyo din ang iba ko pang kwento. ( How I Met Maria Clara at Loving Your Enemy )
-- maskedindistress
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)