Chapter 18.1:
( 3rd Person Speaking )
"What did I tell you guys? Nasa akin pa rin ang huling halakhak di ba?" sabi niya habang pasimpleng tumatabi kay Marvie.
"Sige magyabang ka na naman, nang maurat na naman lahat sayo, KIT." Sabay irap pa nito sa katabi niya.
"Okay lang naman na magalit sila" tumingin siya dito. "Basta wag lang ikaw." He said and smile widely. Kunyareng inis naman si Marvie, pero kinikilig talaga siya.
"Akala ko hindi matutuloy 'to?" Singit ni Andrea na busy sa paglalaro sa iPAD niya.
"We're already here, idiot." Sagot ni Brylle sakanya.
Hingang malalim na lang ang nagawa ni Andrea. 2nd day na nila ngayon sa rest house nila KIT ngayon, at kahapon pa siya iniinis ng lalaking 'to. Kundi siya babarahin, tatarayan. Daig pa ang may PMS.
"Oy tama na yan, nagsisimula na naman maging babae si Brylle." natatawang pang-aasar ni Reah, na sinuklian naman ng masamang tingin ni Brylle.
"Oh" sabay sabay silang napatingin sa walang laman na boteng inilagay ni KIT sa lamesa.
"Ano namang gagawin diyan?" tanong ni Tyron, isa pang iritable dahil ayaw niya talaga ng ganitong bakasyon.
Lalo na't undas, ngayong araw nakaschedule ang dahilan kung bakit niya inayawan ang ganitong outing. Ang 'ghost hunting', siyempre .. pakulo na naman ni KIT yun.
Sino pa ba ang makakaisip ng mga ganung laro?
"Babasagin namin, tapos ipapakain sayo yung bubog." Sarcastic na sagot ni KIT dito, he flipped his middle finger to KIT in return. "Seryoso pare, mag get over ka naman sa sapilitang pagsama namin dito sayo! Ang saya mo kaya kahapon!" -- KIT
Masama nga ang loob niyang sinama siya, pero nung nagzipline at tour na sila, siya naman ang pinaka energetic sa lahat. Ten ng gabi na nga sila nakauwi sa sobrang hyper niya sa pag-iikot na akala mo first time niya sa Baguio.
"E kung ipalo ko na lang sa ulo mo yan? Tutal ikaw ang nakaisip ng lahat nang 'to e."
Akmang tatayo na sana si Tyron para kunin yung bote nang magsalita si Reah, "Ano? Mag-aaway na lang ba kayo o maglalaro tayo? Para kayong bata e!" Naiinis niyang sita sa dalawa.
"Oh galit na si mommy, tara guys laro na! Alam niyo naman siguro yung spin the bottle di ba?" -- KIT
"Like DUH! Naman! Elem pa lang ako laro na yan ng mga malalanding babae sa room namin no!" -- Andrea
"Edi malandi ka rin? Nilalaro mo rin kaya yan!" -- Marvie
Binato naman ni Andrea ng throw pillow si Marvie.
"Okay. Like what Andrea said, you already know the game ... BUT," he paused, tiningnan muna niya yung mga expression ng mga kasali sa laro.
"Since we're the one who's gonna play, we're going to have some twist and since I am the one who planned this game I'm gonna do the mechanics —" he was interrupted by Tyron when he raised his hand on his face.
"I'll join only if Brylle makes the rules, not you." Sabi nito na seryoso, nagtataka naman ang tatlong babae kung bakit ayaw ni Tyron na si KIT ang gumawa ng rules.
"He made me drink ketchup with pepsi the last time we played." Para namang bumalik ang pangyayari sa isip ni Tyron kaya naman halos masuka siya ng kinukwento niya yun kayla Reah.
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)