Chapter 38

306 8 5
                                    

Andrea's POV:

"Ayoko na! Pagod na ko!" Lumakad ako palayo dun sa basketball chorva, di ko talaga alam ang tawag dun. Hindi naman kasi ako mahilig magpunta dito eh.

Hinatak niya ko sa braso, "Isa na lang please? Mabi-beat ko na yung high score oh?"

Tinitigan ko siya ng masama. Aba! Talaga namang nag enjoy siya. Well, aaminin kong nageenjoy din naman ako, di naman ako mahirap iplease. Bigyan mo lang ako ng pagkain, okay na ko. Bff na tayo! Hindi ko nga din akalain na mag-eenjoy ako dahil sapilitan lang naman niya kong sinama dito. Medyo kidnapping ang dating. Nasa may mga arcades kami at panglima na niyang paglalaro ng basketball, nakakapagod na nga eh, ako nga nakatatlo na eh! Baka mas lumaki pa yung muscle ko kay Brylle kaya ayoko na!

Umirap lang ako, tsaka ko binawi yung braso ko.

"One last try, pag nabeat ko yung high score kahit anong ipabili mo sakin bibilhin ko." Seriously, dinadaan na lang ako sa yaman nito ni Ken eh.

Nilingon ko siya, at swear to God, dapat hindi na ko lumingon. Nagpuppy-dog eyes ba siya? Feeling ko nakita niya yung disgusted look sa mukha ko sa ginawa niya.

Lumakad ako palapit dun sa basketball arcade tapos kumuha ako ng bola. PInass ko sakanya.

"One last game, inuugat na ko oh?"

Nagthrow siya ng punch sa taas na akala mo nanalo. Tss, boys ...

Pinanuod ko lang siya habang busy siyang maglaro. Actually, magaling siya. Bakit kaya hindi siya sumali sa basketball team?

"Gomez," Yeah. right. Last name basis muna kami since di naman kami close. Nung nakita kong nagtilt yung ulo niya ng kaunti, tinuloy ko na yung sinasabi ko. "Ba't di ka nagvarsity?" Kasi he's pretty good, close to beating the high score na nga siya oh.

Di ko alam kung guni-guni ko lang ba yun o nakita kong nagdarken yung expression ng mukha. Pero ilang seconds lang yun tapos ayan na naman yung ngiti niya na napakabright. Akala mo walang problema 'tong taong 'to. Unlike Brylle, na laging seryoso.

Nagkukumpara na naman ako. Kanina ko pa nababanggit ang isang yun. Dapang-dapa na siguro yun.

"Wala eh, kinonta." Kinontra? Anong kinontra?

Nagpout ako, di ko maintindihan ang isang 'to. Kanina pa kami magkasama, pero pag nagtatanong ako yung mga sagot niya sakin laging maikli. Yung parang may tinatago o tipid lang talaga siya magsalita? Ay, ewan.

"Oh san ka pupunta?" habol ko sakanya, hindi pa kasi tapos yung nilalaro niya. Sayang oh? SIx points na lang mabibeat na niya yung high score eh!

"Tara na, tinamad na ko. San mo gusto?" Lakas din pala makamood swing ng isang 'to.

"Ewan, pagod na ko eh. Di pa ba tayo uuwi?" tanong ko sakanya, I know offensive yung dating. Di naman sa hindi ako nag-eenjoy, pagod na kasi talaga ako. Ang dami kong adjustment na ginawa nung malipat ako sa campus nila.

Siyempre, parang rexona lang ako eh. I won't let them down, dala ko ang pangalan ng main campus at ng classroom namin. For the first time in my life, nakaranas ako mag-advance study. Oha?! Konting enthusiasm naman diyan!

Napatingala ako skaanya, oo tingala talaga kasi matangkad siya. Mas matangkad ng kaunti kay Brylle, ewan ko ba bakit lahat ng lalaki sa elite matangkad. Feeling ko tuloy unano ako. Nakita kong nakatingin siya ng masama sakin.

"Di ba talaga ko masaya kasama? Tuwing lilipat tayo ng lugar dito sa mall, yan sagot mo sakin eh." Nakapamulsa siya habang nagawa ng malalaking hakbang. Ako naman 'tong si habol!

"Uy grabe naman! Hindi, pagod lang talaga ako. Tapos bukas may pasok pa tayo. Madami nga tayong assignment eh. Kaya halika na?" sabi ko sakanya.

"Oo na, isa na lang talaga pupuntahan natin. Pagtapos nun ihahatid na kita kung gusto mo hanggang kwarto mo pa eh." Natatawang sabi niya sakin.

May pagka-maniac din ang isang 'to. Hala Andrea? Ihahatid lang sa kwarto maniac agad?! Kung anu-ano naiisip eh!

HIndi na ko nagtanong at sinundan na lang siya kung san siya magpunta. Napadpad kami sa ice cream parlor. Ngayon ko lang din 'to narating sa mall eh, siguro lagi niyang dinadala yung mga dinedate niya dito.

Saktong pagpasok namin may nakita kaming kaparehas ng uniform namin. At pag-angat ng tingin ko, siya ang nakita ko. Make it SILA. Leche talaga, sana hindi na lang ako nag-angat ng tingin.

"Oh, hi Ken. Sino yang kasama mo?" sabi nung babaeng kung makalingkis kay Brylle.

Gusto kong putulan silang dalawa ng kamay. Bakit? Para lang ba sa magkarelasyon ang selos? Hindi ba pwede sa taong may pagmamahal din sa isang tao na hindi naman siya gusto? Sige, anong batas ang nagsasabi na ganun nga yun? Sabihin niyo!

"Andrea, Marienela. Marienela --" Bago pa matapos ni Ken ang pagpapakilala niya sakin kay Marienela ay humakbang na paalis si Brylle at nilagpasan kami.

"Gotta go! Bye Ken!" Sabi ni Marienela, at hindi nakalagpas sakin ang pag-ismid niya.

Bwiset. pasalamat ka at masyado akong nanlalambot para kalbuhin ka.

HIndi ko namalayan na umiiyak na pala ko, agad akong naupo sa isa sa mga table dun. Sinundan naman ako ni Ken at naupo siya sa katapat ng upuan ko.

Inabot niya sakin yung panyo niya.

"Hindi ko alam, na ganyan pala kalakas ang tama mo dun." Akala ko nang-aasar lang siya, pero nakita ko yung mga mata niya. SIncerity yung pinakita nun sakin. Pero hindi ko kayang sumagot.

Ang sakit Brylle, alam ko naman na kayo na talaga. Alam ko naman na masyado lang akong nag-assume na gusto mo rin ako. Alam ko naman na hanggang dito na lang yun eh, pero bakit ang sakit pa rin na makitang may kasama kang iba?

"Sige, iiyak mo lang. Magkukunwari na lang ako na wala akong nakikita. Pero sa susunod na umiyak ka, ako na mismo gagawa ng paraan para di na yan maulit pa." Sabi niya tapos iniwan niya ko.

Brylle's POV: 

"Let go." Sabi ko sakanya at bumitaw naman siya sakin.

"Did you plan this?" I asked.

She gave me a confused look.

"What do you mean? Yung pagkikita natin kanina nung girl na kasama ni Ken?"

I gave her a sharp look, I know she did. It's too oblivious if we met there by accident.

"Ganun na ba ko kababaw? Of course not!"

I'm so pissed right now that I can't even think straight. Pakiramdam ko kahit itong kasama ko ngayon masusuntok ko na lang ng bigla eh.

Fuck that Gomez, siguraduhin niya lang na wala siyang ginagawang masama kay Andrea. Really, I should tell her not to be with Gomez. Not to be with any other guy, but me. I don't want to see her with someone else. I hate the feeling.

"San ka pupunta? Hey! Brylle!" tawag niya sakin.

"I'm going home, don't come with me." I need to leave, I need to cool down.

"Sige umalis ka para malaman mo kung anong kaya kong gawin!"

"Suit yourself then" I don't care. I don't care at all.

Andrea, why are you with him? You're such a headache.

--

A/N:

Ah sorry, di ako makatype ng ayos. May part two to. Cut ko muna dito. Shemay. nakakairita pag wala kang laptop. Bawi sa susunod -____-"

* RMM

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon