Chapter 19

463 7 3
                                    

Chapter 19:

Reah's POV:

"It is the basic –"

"Huy!"

"Kalabaw!" Halos mapatalon ako sa gulat.

Napatingin ako sa likod ko, siya lang pala! Akala ko kung sino.

"Deither."

"Anong ginagawa mo diyan?" Naupo siya sa tabi ko.

"Naga-advance reading, baka kasi wala akong maisagot mamaya. Kumusta?" Ngumiti ako sakanya, ang tagal ko na rin hindi nakarinig ng balita dito.

Napakamot siya sa ulo, "Ayun, naburo lang ako sa bahay! Wala naman kasi kaming pinuntahan na patay." Atsaka ngumiti. "Uy, teka? Pasalubong ko?" Sabi niya habang nakapout pa ang mga labi.

Waaaah! Ang kyuuut! (>o<)

"Yun pa ba makakalimutan ko? Siyempre nasa bag ko. Mamaya na lang ha?" Nandito kasi kami sa garden.

Nakangiti niyang itinuon ang mga kamay niya sa upuan.

"Hmm, joke lang! Kahit walang pasalubong basta nakauwi ka ng safe. Okay na yun!"Napatingin ako sakanya, nakatingin naman siya sa ibaba. Ang weird niya ata ngayon? "Nga pala, kumusta?" tanong niya at iniangat ang tingin niya sakin.

"Okay naman, masaya kahit papano. Okay naman palang kasama sila Tyron, nagkakasundo na nga kami kahit papano."

"Talaga?" Napatawa siya ng mahina. "Mabuti kung ganun."

Napangiti na lang ako at nagbasa na ulit. Kailangan kong magfocus sa pagbabasa ngayon, dumaan ang ilang araw na hindi ko man lang hinawakan ang mga libro ko at notes. Lagot ako kapag nagbigay ng pop-out quiz mamaya!

"May utang ka sakin ah." Napatingin ako sakanya dahil sa parang nagtatampong boses niya.

Ha? Ako may utang?

Natawa naman siya kinurot ang ilong ko.

"Sabay tayo mamaya ah. Pero wag kang maingay, baka kasi kontrahin na naman ako ng pinsan ko." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi ko naman alam na may pagkaseloso pala yun. Haha!" Sabi pa niya.

Kahit na hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, nakitawa na lang din ako. Seloso? Si Tyron? Ba't naman siya magseselos? Weird!

Magbabasa pa sana ako ng may biglang tumawag sakin.

"Reah!" Tumatakbong lumapit sakin si Andrea,

"Nandito ka lang pala! Kanina ka pa naming hinahanap!"

"Ano ba yun? Bakit ka tumatakbo?" Mukhang pagod na pagod siya sa pagtakbo. Pawis na pawis pa nga siya eh.

"Si Tyron! Naaksidente!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Ano?! Nasan siya?"

"Tara na! Kanina pa nila tayo hinihintay dun!" Sasama na sana ako kay Andrea nang maalala kong kasama ko nga pala si Deither. Napalingon ako dito.

"Sasama ako." tumango ako at dali-dali na kaming umalis.

( 3rd Person Speaking )

"Ma'am, nagawa na po namin yung pinapagawa niyo."

"Okay, thank you Claudine."

"Ma'am? Bakit niyo ho ba gustong masaktan ang anak niyo?"

Binuo ng babaeng kausap ni Claudine ang last color ng rubiks bago ito ipinatong sa working table niya.

"Walang love story na natutuloy kung hindi tutulungan ng fairy godmother, tama ba ko?" Nakangiting tanong nito sa kausap.

Napakunot ang noo ni Claudine sa sinabi ng kausap.

"Ang ibig niyo po bang sabihin Ma'am Eloisa, ay kayo ang fairy godmother sa love story ng anak niyo?"

"You can put it that way. I just want to see my son happy again and I think I just found the right girl."

"Hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo, pero kung ganun nga po, sana magtagumpay kayo sa balak niyo."

Lumabas ang pilyang ngiti sa labi ni Mrs.Ramirez, "Of course, Claudine. I am capable of doing this. Fate's on my side right now."

Ngumiti na lang siya at lumabas ng office ni Mrs. Ramirez. Naiwan naman ito ng may ngiti sa mga labi. Naniniwala siyang may pag-asa ang dalawa at nagsisimula pa lang siya.

"It will go according to my plan." Nakangiting sabi nito.

Deither's POV:

Dali-dali kaming pumunta ng gym kung saan nandun ang mga players. Naabutan naming nagkukumpul-kumpol sila sa gitna ng gym. Naunang lumapit si Andrea at Reah.

"Excuse! Padaanin niyo nga kami!" Hinawi ni Andrea ang mga tao.

Natatanaw ko sila mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sakanila dito. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Reah nung malaman niyang may nangyari kay Tyron.

"Tyron, huy? Okay ka lang ba?" Nakaupo siya sa tabi ni Tyron at nakaulo si Tyron sa mga hita niya. Walang malay.

"Ano bang nangyari?!" Galit na tanong niya kayla KIT.

"Naglalaro kasi kami, tapos pagkuha niya ng rebound nagkatamaan sila ni Brylle eh." Paliwanag ni KIT.

Hindi ko na narinig ang mga sumunod na pag-uusap nila. Basta ang alam ko, naiwan akong mag-isa dito sa gym.

Bakit ganun?

Dati hindi ko naman napapansin si Reah. Alam kong matagal na siyang may gusto sakin. Pero dati parang wala lang sakin. Tingin ko kasi sakanya ay kapatid lang.

Pero nung makita ko siyang nag-aalala kay Tyron ng ganun kanina? Parang pakiramdam ko inagawan ako, kahit alam kong hindi naman siya sakin.

Parang naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko, at hinihiling ko na sana ako na lang ang nasa pwesto niya kanina.

Kung ganun ang pag-aalala niya kay Tyron, hindi malabong may gusto na siya dito. Hindi! Ayokong pumayag. Hindi ako papayag na mapunta lang siya sa iba.

May pag-asa pa naman siguro ako di ba? Hindi pa naman huli ang lahat. Susubukan ko, dahil ayokong pagsisihan ko 'to sa huli.

--

* RMM. ü

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon