Chapter 58:
Deither's POV:
Saturday ngayon at nagtataka ako kung bakit hindi ako ginising ni Mama, tumingin ako sa wall clock na nasa loob ng kwarto ko. Alas-onse na pala? Tumayo ako agad at inayos ang suot kong t-shirt.
"Ma?" Tawag ko habang pababa ng hagdan. Asan kaya yun?
"Ma, ano bang --" nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita ko siyang nakatingala sakin habang nakaupo sa sala namin. Nabaling ang tingin ko sa dalawang lalaki na malaki ang katawan na nakatayo sa gilid ng dalawang lalaking nakaupo.
Nalipat ang tingin ko dun sa mga yun at nagulat ako nang mamukhaan ko ang isa sakanila.
"Tito?" Bakit nandito ang tatay ni Reah?
Mukhang nagulat din siya nang makita ako dahil nanlaki ang mata niya.
"Deither?" Tanong nito sakin, inilipat ko ang tingin ko sa lalaking katabi ni Tito na nakaupo. Mga kaedad din ito ni Tito.
Dali-dali akong bumaba at tumayo sa gilid ni mama, marahan kong hinawakan ang balikat niya.
"Ma, sino sila? Anong ginagawa nila dito?" Napansin kong malungkot si mama, parang kaunti na lang at maiiyak na siya.
Bigla akong nainis, sila ba ang dahilan? Matalim ko silang tiningnan.
"Anong kailangan niyo samin? Anong ginawa niyo sa mama ko?" Tanong ko sakanila. Tiningnan ko yung lalaki na katabi ni tito na nakatingin lang sakin. Ni hindi siya kumukurap. Parang may kung ano sa dibdib ko na kumikirot sa mga tingin niya.
"Deither, huminahon ka. Nandito kami para ipakilala sayo ang tunay mong ama," Sabi ni tito.
Ano daw? Ama? Naramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni mama ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya, madiin ang pagkakahawak niya kaya naman ibinaba ko ang tingin ko sakanya at nakita kong umiiyak na siya.
"Ma, ano ba 'to?" Tanong ko sakanya, hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Bigla na lang may dadating na lalaki dito sa bahay namin tapos aangkinin ako bilang anak niya?
"Deither, siya ang tunay mong ama." Sabi ni mama.
Parang biglang huminto ang paghinga ko sa narinig ko. Kanina natatanggi ko pa dahil galing lang 'to sa isang tao na wala namang alam samin, pero ngayon na si mama na mismo ang nagsabi parang hindi ko na maitatanggi.
Tinapunan ko ng tingin yung lalaki sa tabi ni tito. Ito? Ito ba ang tatay ko? Tiningnan kong maige ang itsura niya, ngayon ko lalong kinainisan ang mga nangyayari. Paanong ngayon ko lang napansin? May mga hawig nga kami .. Tumingin ako sa mata niya at parang nakatingin lang din ako sa sarili kong mga mata.
Pero hindi! Wala na ang mga magulang ko. Iniwan nila ko, pinamigay. Kaya bakit naman gugustuhin nilang bumalik sa buhay ko kung kailan hindi ko na kailangan ng tunay na magulang? Masaya na ko sa mga magulang ko. Kuntento na ko kay mama at papa.
Pinilit kong tapangan ang sarili ko at ipunin ang emosyon na meron ako, kahit gusto kong magalit hindi ko ginawa. Naisip ko na hindi naman karapat-dapat ang isang 'to sa mga emosyon na ipapakita ko. Wala siyang karapatan kahit man lang mapakitaan ng emosyon galing sakin.
"Maraming salamat ho sa pagpunta niyo dito, pero hindi ko ho kayo kailangan." Pinilit kong ayusin ang boses ko ng sabihin ko yun. Inisip ko na para lang akong nakikipagusap sa visitors ng school namin. Kapag ako ang naga-accomodate sakanila.