Chapter 64

72 6 3
                                    

Reah's POV:

Weeks ago na nung malaman ko na ako ang school Valedictorian. Yes, kaya ako pinatawag ni Tita Eloisa ay para sabihin sakin personally na ako ang Valedictorian sa batch namin at kailangan ko nang gumawa ng speech. Gustong-gusto kong magtitili sa sobrang saya ko nun, pero pinigilan ko dahil nakakahiya naman mag-iskando sa loob ng opisina niya. Pero bukod dun, may napag-usapan pa kami.

FLASHBACK

Tinitingnan niya ko ng maige at malawak na nakangiti sakin.

"I can see happiness, in your eyes."

"Yes ma'am, I am very much happy because of the news that you gave me."

Umiling-iling siya, "Hindi hija, you're happy about something else."

Natigilan ako at parang kinabahan sa sinabi niya. Shet, igigisa niya ko tungkol samin ni Tyron!

"And I'm happy that Ezekiel's happy too." Nakangiti niyang sabi at parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Nakakatuwa lang marinig na isa ako sa mga dahilan kung bakit masaya ngayon si Tyron. Naaalala ko pa dati, yung mga malungkot niyang mata. Yung mga tingin na malalamig na ibinibigay niya. Yung unang beses ko siyang makitang umiyak. Lahat yun dahil nasasaktan siya kay Maicah.

"Ang akala ko dati hindi na siya magiging masaya, but then you came ..." Napatingin ako sakanya para hintayin ang susunod niyang sasabihin. "Nung una ko kayong makita na magkasama, I know right then na what both of you have is something special."

Hindi ko masyadong magets, special ba yung pagbabangayan namin nung una? Yung kasamaan ng ugali ng anak niya? Special babg matatawag yun?

"Let me tell you something, Reah." Tumango ako sakanya para sabihin na nakikinig ako. "Nung mga panahon na ipapanganak ko si Tyron. Ang papa mo at ang mama mo ay pauwi na nun sa bahay at ayaw nila kaming pasakayin sana. Taxi driver ang tatay mo noon at sa sobrang taranta ni Thomas imbes na siya ang magdrive ay naglakad kami papalabas ng subdivision para maghintay ng kahit na sinong dadaan at pasasakayun kami. Luckily, ang tatay mo ang nakakita samin."

Napapangiti ako habang sinasabi niya yun, hindi ko pa kasi talaga naririnig ang istorya kung paano nagkakilala ang mga parents namin.

"We were so lucky that you're parents have enough conscience to take us at the hospital," Lumingon siya sa may bintana at nagpatuloy magsalita. "Nakaupo ako sa likod katabi ang mama mo, nagulat nga din ako na buntis pala siya. Sobrang sakit na ng tiyan ko nun at pakiramdam ko any moment lalabas na si Tyron nang maisipan kong hawakan ang tiyan ng mama mo. Looking at your mom that is so relaxing that it takes away my pain. What surprised me was when I felt the baby inside me kicking wildly when I touched your mom's belly." Nilingon niya ako at ngumiti.

"So when I found out about you being the daughter of your parents who helped us and saw you with Tyron, narealize ko na kung ano pala ang ibig sabihin nun."

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sinasabi ni Tita Eloisa sakin. Pakiramdam ko ay mas nakakakilig pa yun kesa sa ginawa ni Tyron kanina lang. Ibig ba nun sabihin ay destined talaga kami ni Tyron para sa isa't isa?

"Thank you Reah," napatingin ako sakanya nang sabihin niya yun. "Thank you for coming into my son's life and gave him another chance to be happy again."

"Ako po yung pinapasaya ng anak niyo, kaya po ako ang dapat magpasalamat sainyo Ma'am." I'm adressing her as ma'am since we're inside the school premises.

"I hope what you have right now will last, I hope that one way or another you'll find your way back together when the time comes that you'll be facing a lot of challenges as a couple."

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon