Chapter 13

519 14 1
                                    

Chapter 13:

( 3rd Person Speaking )

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Reah nang makita niya kung sino ang bisita. Naabutan niyang nakaupo sa may tapat nito ang kuya Rob niya habang nakatayo naman sa gilid ang mama niya, kunyare namang walang pake si Revi na nanunuod ng TV. Kunyari lang pero nakikinig din siya, ito kasi ang unang beses na nagdala ng lalaki sa bahay ang ate Reah niya.

Agad na nilapitan ni Reah si Tyron, ready na sana siyang isigaw ang 'what are you doing here?' question niya nang mapansin niyang namimilog at namutla ang mukha ni Tyron na nakatingin sakanya. She stopped in an instant to think what could be the possible reason for his reaction. She looked at herself from head to toe, when she realized that she's only wearing a camisole and a 'very' short shorts.

Napairap siya dahil sa katangahan niya, "Urgh! Wait here, we'll talk later. Halos pabulong niyang sabi. Tatalikod na sana siya nang may maalala, "DON'T.UTTER.A.SINGLE.WORD" pagbabanta niya rito at pinandilatan ito ng mata para mas umepekto ang pananakot niya.

Dali-dali siyang umakyat at naligo. Hindi na niya maalala kung gaano kabilis ang pagligo niya, gusto lang niyang makatapos ng pagligo. Scared that Tyron might say something to her brother that will make Rob doubt her. Bahala na kung anong nasuot niya.

Nagulat na lang siya nang maabutan niya ang nanay niya na komportable nang nakaupo sa sala nila at masayang nakikipagkwentuhan kay Tyron. Nawala na nga rin ang kuya at kapatid niya.

'Anong nangyari sa wag magsalita ng kahit ano na sinabi ko?' sa isip-isip ni Reah.

Napatingin sakanya si Tyron dahil sa bigat ng mga foot steps niya nung papalapit siya. "Oh? Nakaligo ka na agad? Wow! Ang bilis ah! Goodmor --" bati nito sakanya, na agad naman niyang kinontra. "Anong ginagawa mo dito?!" salubong ang kilay na tanong niya dito.

"Reah! Ganyan ba tamang pagbati sa bisita? Atsaka, ito pala ang anak ni Eloisa bakit hindi mo man lang sinabi sakin?"

Napakunot naman ang noo ni Reah sa sinabi ng mama niya. Bakit? Kailangan ba alam pa ng nanay niya na close sila? At bakit first name basis ang ginagamit nito na tawagan nila?

Mukhang nahalata naman ng mama ni Reah ang tanong sa isip nito. "Ang papa mo at ako ang --" napangiti ang mama niya na parang inaalala ang mga pangyayari. "tumulong kay Eloisa at Thomas nung ipinanganak ang batang 'to."

Sabay na natigilan at nagkatinginan ang dalawa. Clueless sa kung anong meron ang mga magulang nila.

**

Nagising si Marvie sa 'love on top' ringtone ng cellphone niya. Who could possibly call this early in the morning? Early? Oo, early pa sakanya ang 11:30 am.

Inis na kinapa ang cellphone niya sa ilalim ng unan niya. "Hello?" may kasama pang pagpiyok ang boses niya.

[ Hi, nakaistorbo ba ko? ]

Kunot noong napabangon siya at tiningnan kung ano ang pangalan ng taong kausap niya sa phone, nagising ang diwa niya nang makita ang pangalan ni KIT sa screen. Agad niyang inayos ang sarili niya, as if makikita siya ng kausap niya. She cleared her throat, "Hello, uhh .. KIT? Napatawag ka? "

[ Kakagising mo lang? O nagising kita? ]

"Uhhh, nagising? Anyway, anong kailangan mo?"

[ Sorry! Hindi ka kasi sumasagog sa text kaya tumawag na ko. Itatanong ko lang sana kung anong kulay ng gate niyo. ]

She frowned, seryoso? Ginising lang siya nito para tanungin ang kulay ng gate nila? Huminga muna siya ng malalim para pigilan ang inis niya. "Walang kulay yung gate namin kasi stainless. Nagiisa lang yun sa street namin."

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon