Chapter 57

106 5 0
                                    

Chapter 57:

Reah's POV:

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na umuusog yung taong nakaakbay sakin. Idinilat ko ang mata ko, napatingala ako para silipin yung katabi ko at naabutan kong nakatingin siya sakin.

Ohmoo! *o*

So close! Palpitation overload >///< Lubdub.Lubdub.

"Sorry, sikip kasi." Sabi niya sakin. "Traffic, banas!" Naiinis niyang bulong sakin.

Sinilip ko yung upuan sa side namin, oo nga. Puno na nga. Kaya pala nagtataka ako kahit malapit lang kami e, hindi pa kami nakakarating. Pero malapit na rin kami. Pwede na nga 'tong lakarin e. Buti na lang pala at nagising ako.

Bigla akong kinabahan nung naalala ko yung mukha niya. Oh my gee. Yung malapit niyang mukha kanina. Ugh, Reah, wag kang manyak, please?

"G-gusto mo lakad nalang tayo?" Sabi ko, tapos sumilip ako sa labas. Para makaiwas sa pagtingin niya sakin.

"Malayo pa ata e? Lalakad nalang tayo?" Tanong niya sakin, nakahinto yung jeep na sinasakyan namin at halos lahat ng mga katabi namin ay nagpapaypay gamit ang mga kamay nila dahil sa init.

"Pwede na yan, ano tara?" Sagot ko sakanya, tumingala ako sakanya at pinanuod siya habang nasilip siya sa relo niya. Tinatantiya siguro niya ang oras.

"Oo nga pala, may curfew ka nga pala." Hindi ko masyado naintindihan yung sinabi niya, tapos bigla siyang tumayo at naunang bumaba. "Tara," sabi niya habang nakalahad yung kamay sakin.

Nagulat ako, hindi ko agad tinanggap yung kamay niya sa hiya. Grabe, shems. Ang gentleman. Nakakapanibago. At hindi ata siya masungit.

Natauhan lang ako nung marinig kong nagbubulungan yung mga nakasakay sa jeep, sinasabi na sweet daw kami at kesyo ang pogi daw nung lalaki. Ang swerte daw nung babae. So ano ang ibig nilang sabihin? Panget ako at malas sakin si Tyron? Tinapunan ko sila ng tingin sabay umirap bago ko tinanggap yung kamay ni Tyron at bumaba.

"Ba't nakasimangot ka?" Tanong niya sakin habang tumitingin sa magkabilang daan atsaka ako inakay tumawid.

Napasimangot naman ako. Tsss, may mga tao talagang di iniisip minsan ang sasabihin nila.

"Di mo ba sila narinig kanina? Nakakainis kaya," di ko mapigilang reklamo sakanya.

Pagkatawid namin ay hinawakan na niya yung kamay ko gamit yung kamay niya na wala siyempreng cast. Nasa may left side niya kasi ako. Di ko maiwasan na mamula sa ginawa niya, nakakainis din ang isang 'to. Naiinis pa nga ko e, pinapakilig na ko.

"Bakit ano bang sabi nila?" Tanong niya sakin naramdaman kong tumingin siya sakin saglit tapos binitawan niya yung kamay ko.

Uhh sad, kahit anong pagmamahalan namin darating pa rin ang oras na maghihiwalay kami .... Sa entrance ng mall.

Hahahaha! Okay, para akong may sapi. Ano ba yan! Kasi 'to si Tyron masyadong pinupolusyon yung utak at puso ko :"""> gaano kaharot?

"Uy?" Kinalabit niya ko pagtapos namin makapasok ng mall. Tumingin naman ako sakanya. "Ano ngang sabi?"

"Eh kasi naman e!" Napa-pout ako, di sa nagpapacute ako. Talagang nakakadown lang yung makarinig ka ng ganun. "Sabi nila, ang pogi mo daw at swerte ako sayo."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina, bago siya nagsalita. "Oh ano namang masama dun? Hindi ka ba swerte sakin?" Naramdaman kong sumeryoso yung tono niya nung tinanong niya kung maswerte ako sakanya.

"Eh siyempre maswerte," nabigla ako sa sinabi ko.

Oh my God! That wasn't suppose to come out of my mouth. The hell, Reah! Napatigil siya sa paglakad kaya napahinto din ako at tumingin sakanya, damang-dama ko na umiinit yung mukha ko sa hiya. Sheez, napakagaling mo talaga Reah.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon