Chapter 7:
Marvie's POV:
Galing ako sa practice ng dance org sa school at tahimik na naglalakad palabas ng school nang makita ko sa di kalayuan ang dalawang tao na pamilyar sakin.
Kung hindi ako nagkakamali, si Eunice at si KIT ang nakatayo dun sa gilid ng isang sasakyan ..
Huminto ako sa isang poste na nag-iintersect sa daan papuntang parking lot at mismong parking lot para makapagtago at di mahalata na nakikinig sa dalawa na mukhang seryoso ang paguusap. Pero mukhang hindi lang pag-uusap ang ginagawa nila.
Kung titingnan maige, mapapansin ang paghikbi ni Eunice.
Hindi ko naman makumpirma kung naiyak ba talaga siya or what dahil nakatalikod siya sakin at yung KIT na kaibigan ni Tyron ang nakaharap sa direksyon ko.
Buti na lang at sapat lang ang layo ko sakanila para marinig ang paguusap nila. Good thing na hindi rin ako napansin nung KIT na papalapit kung nasan sila.
So, totoo pala ang sabi ng sources ko? Na mahilig siyang magpaasa at magpaiyak. Dahil yun ang ginagawa niya ngayon kay Eunice. Ito namang si Eunice, kaya naman pala wala sa practice ay nandito pala. Poor her ..
"Maawa ka sa sarili mo pwede? Look at you ... You look pathetic .." -- KIT
"I-I ... I like you. Why can't you like me back?" -- Eunice
Naaawa ako at naiinis kay Eunice sa pagkakataong ito, she sounded so desperate. Pero sabi nga nila, lahat naman tayo nagiging desperado kapag tinamaan na ng sibat ni kupido yung ganito <3 ..
Minsan nga naitanong ko to sa sarli ko eh .. Sino ba ang mas tanga? Tayo na nagmamahal ng maling tao? O si kupido na pumapana sa puso natin para mainlove sa di tamang tao?
Nakakatanga lang. Nakakafrustrate pa nga kung minsan ..
"You liking me doesn't mean I have to like you back. It doesn't work that way." Narinig kong sabi ni KIT kay Eunice. Walang emosyon na nakatingin siya kay Eunice.
Ganun na lang? Ganun lang ba kadali ang magreject ng feelings ng isang tao na nagtatapat sayo ng nararamdaman?
Walang anu-anong lumapit ako sa kinaroroonan nila.
Yes, I know I'm in no position. But who the hell cares? I'm pissed! I'm angry and shocked with what I'm hearing right now ..
*PAK*
Isang malakas na sampal ang isinalubong ko sakanya. Bakas sa mukha niya ang ekspresyon ng pagkagulat habang hawak ang pisngi na pinaglapatan ng kamay ko. Kahit ako nagulat din sa nagawa ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko! Ginawa ko yun dahil ang kapal ng mukha niya!
"What was that for?" Nasa mababang tono niyang tanong, pero bakas sa kanya ang pagpipigil ng galit.
Hinila ko si Eunice at itinago sa likod ko, hindi na niya nagawang makapagreact dahil na rin siguro sa biglaang pagsulpot ko.
"That was for making Eunice cry .." Sabi ko. Trying to hide the fact that I am intimidated by him.
Ready na rin ako any moment kung susuntukin niya man ako. As if naman papayag ako no?!
Ngumiti naman siya na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. "Parehong-pareho kayo ng kaibigan mo, no? --" Kunot noo ko naman siyang tiningnan dahil sa sinabi niya."Ang hilig niyong umaksyon nang hindi nalalaman ang tunay na nangyari." sabi niya atsaka umarte na parang hinihilot ang panga niya.