Chapter 52

124 6 5
                                    

Chapter 52:

Reah's POV:

napabuntong hininga ako, kanina pa ko iwas ng iwas. Busy-busyhan para hindi makausap ng maayos. Nakakapagod pala. Sa huli nandito ako ngayon sa garden.

Buti na lang at free cut day ngayon, ewan ko ba kay tita Eloisa nadadalas na ata ang pagheld ng events ng school. Namimiss ko nang tumao sa office at sa library. Binayaran na kasi ni Papa ang tuition ko sa I'm no longer a student assistant. But still, a scholar. Just that. Nag-insist si Papa na wag nang kunin ang benefit, kasi gusto naman daw niyang bumawi samin. Di ko din nagets ang point niya.

"Oh!", muntik pa ko mapatayo sa gulat nung may tumabi sakin, si Marvie lang pala. Tiningnan ko ano yung nilapag niya sa table sa harap ko. Hopia? "Bagay sayo yan, yang ang current status mo eh." Parang gusto ko bigla ipalo sa ulo niya yung hopia, pero dahil pagod ako at gutom. Inirapan ko siya at kinain yung bigay niya.

"Alam mo friend, nakakapagod yan." Sabi niya ulit.

"Ang alin?" Maang-maangan kong tanong pabalik, kahit alam ko naman yung tinutukoy niya.

"Jusko, magtatanga-tangahan pa ba tayo dito Reah? Magkaklase kaya tayo, pareho ng classmates, pareho ng happenings sa room."

Dun palang, sapat na para mapatahimik ako. Akala ko pa naman I was doing a good job in this. Pero halata pa rin pala. Hindi naman sa ayokong magshare, what's there to share? Alangan namang sabihin ko na 'uy magkasama kami ni Tyron kagabi kaya siya nawala sa party niya at hinalikan niya ko. Tapos aksidente kong naikwento kay Deither out of frustration kaya ang sama ng tingin nila sa isa't isa kanina.' Ganun ba?

Haynako Reah, kung bakit naman sa lahat ng masasabihan mo e si Deither pa. Pero I swear, di ko naman sinadya. Nadala lang talaga ako! Nagpanic ako e. Instead na gumaan ang pakiramdam ko, nadagdagan pa ng guilt nung makta ko yung ekspresyon sa mukha ni Deither, saglit lang yun pero nakita ko pa rin. Ugh. Minsan ang tanga tanga ko parang di nagpa-function ng maayos yung utak ko e.

"Huy! Ano na?! Maghihintay na lang ba kami dito na magpatayan yung dalawang magpinsan ng wala kaming kaalam-alam kung bakit?"

"Paano ko naman malalaman? Lagi ba kong involved sakanilang dalawa?" I snapped. I'm a bad liar I know. But I don't like her prying on me as of the moment. Parang any moment kasi sasabog na ko. I'm too ... pressured.

"You know you're a bad liar, right?" I nodded, "and I know you don't do that often unless you want to talk about it." I nodded again, thank you Lord for giving me a very understanding friends. Marvs sighed in defeat. "Okay, I trust you on this one, but promise me you'll tell us what's happening when you'rer ready, huh?"

Ngumiti ako niyakap siya "thank you," sabi ko sakanya bago ako maglet go sa pagkakayakap.

"Oh well, minsan nakakainis ka na pero mahal kita kaya okay lang. Oh pano? Babalik muna ko dun, okay ka lang ba dito?" Tumango ako sakanya. She tapped me lightly on my shoulder bago ako iniwan.

Nakahinga naman ako ng maluwag. I'm not ready to talk about it, obviously umiiwas ako. That's what I'm doing right now. The kiss ... felt good. But it doesn't seem right. Bakit ganun? Dahil ba alam kong sila ni Rona, ulit? Kahit na di nila sinasabi samin na meron nga silang relasyon, obvious naman siguro why she's back.

Kung bakit ako nandito. Isa lang ang rason, si Tyron. I have this feeling na kapag nakausap niya ko, paguusapan namin yung kiss na yun and I'm sure as hell na wala akong maisasagot sakanya. Sinubukan na niya kanina pero nagkunwari akong nakikinig sa discussion kahit naman ang totoo niyan, wala talaga akong naintindihan. Mas lalo pang naging awkward nung dumating si Deither. Late as usual, he looked so ... tired. Tapos nabuhay na naman yung guilt sakin nung magtama ang mata namin, tapos nag-iwas agad siya ng tingin. Tapos dumapo yung tingin niya kay Tyron, biglang napalitan yung pained expression niya ng galit. Tyron didn't back down, he gave Detiher the same look Deither was giving to him.

Naninikip ang dibdib ko pag naaala ko. Kasalanan ko 'to e, I offered him anything but I wasn't expecting him to ki-- ugh, to do that thing. And consider it as one of the 'anything' I was talking about.

I saw Deither passed by near where I was sitting, I stood up para makita niya ko. And it was a wrong move, dahil nung nakita niya ko ay agad siya nag-iba ng daan. What the hell!

Agad akong sumunod sakanya.

"Deither!" Hinabol ko siya pero lalo lang bumilis yung lakad niya. Nakakainis!

"Deither, saglit lang naman kasi!" Sigaw ko dito, biglang siyang tumigil at humarap sakin. Yung kaninang inis ko nung nagpapahabol siya biglang umurong. Parang pinagsisihan ko bigla na hinabol ko siya.

"Ano ba yun?" He tried so much not to show his irritation but it was written allover his face. At alam kong seryoso na 'to.

Do what you have to do Reah, nang mabawasan naman ng isa ang problema mo.

"Galit ka ba?" Was all I can say. That's so stupid of me. Ughhhh. Paano ba ko naging scholar?!

He let out a sarcastic laugh, "Ako?" Tinuro niya yung sarili niya, he looked so amused pero yung amusement na yun ay kabaligtaran ng gusto niya talagang iparamdam. "Bakit naman ako magagalit? Hindi mo naman ako boyfriend para magalit na nagpahalik ka sa iba. Ano namang karapatan kong magalit di ba?"

I was taken aback with what he said. Akala ko di kami aabot sa ganito, he has been so patient about my issues with Tyron. Ngayon lang naging ganito. Bakit pakiramdam ko sinusukuan na niya ko?

"Deither," hindi ako makapagsalita. Natatakot akong magsalita kasi baka lalo lang nun palalain yung sitwasyon.

Ang ingay ng paligid namin, nandito na pala kami sa under construction na part ng school. May mga gumagawang tao pero parang kami lang ni Deither ang tao ngayon. I don't care kung restricted kami dito, e sa dito kami dinala ng mga paa namin e. What was I thinking? I need to come up with the words that would make his anger gone. But how? What words will suffice it?

"Sorry kung masyado akong insensitive at sayo ko pa nasabi, I just thought --" hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil baka isipin niya na tinetake for granted ko ang presence niya which I'm not, or .. maybe I am without knowing.

Bigla niyang isinuntok ang kamao niya sa pillar malapit sakanya. I flinched. He's really mad. No. He's furious. At natatakot ako.

"Hindi ko makuhang magalit sayo." Bigla akong nanlambot sa sinabi niya.

"Ni hindi ako makatingin sayo, kasi nawawala yung galit ko. Pucha." Isinuntok na naman niya ang kamao niya.

May narinig akong kalampag sa taas ko, pero di ko yun pinansin. Para akong na-petrified sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako kasi nasasaktan ko siya. Pakiramdam ko ang selfish ko.

"Kasalanan niya 'to e, ang gago niya! Bakit ba lanat nalang gusto niya sakanya!" Am kong si Tyron ang tinutukoy niya. Pero anong ibig sabihin niya dun?

Isa pa ulit suntok ang ginawa niya. I heard another weird sound. May sasabihin pa sana siya pero bigla na lang may sumigaw ng pangalan ko.

"Reah!"

Next thing I know, nakahiga na ko sa sahig at may nakapatong sa ibabaw ko. May kung anong bumagsak samin at kung sino man 'tong nasa ibabaw ko, siya ang nabagsakan ng mga bakal na dapat na sakin.

I heard him groan, I think he groaned because he was hurt whoever this is.

"Reah!" Narinig ko ang boses ni Deither sa di kalayuan.

Kung hindi si Deither 'to, sino 'to?

Biglang tumayo yung nasa ibabaw ko. Na para bang walang nangyari, pinagpagan niya lang yung sarili niya at lumakad na ulit palayo. Seeing his back, di ko na kailangan malaman kung sino yun. I know it was him.

"Tyron," that came out from my mouth before I realize that I'm feeling hurt, like my head was hit by something. I touch the side of my head only to see that there was blood.

"Reah, you're bleeding!" I felt Deither caught me right before I fainted. Right before everything went black.

~*

Kiss,kiss. Hurt,hurt.

#GIP

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon