A/N:
Hindi ko namalayan na 1 week na pala nung huling nag-update ako. Akala ko kasi kakaupdate ko lang. XD Medyo chill lang tayo dito sa chapter na 'to. Bumubwelo pa ko since may 45.1 at .2 pa. Continuation. More TEah/DEah tayo at BrEa/KenRea. HAHA! Weird ng mga pangalan ng love team. Ewan ko san ko hinugot yan! Ayun lang, medyo tamad ang author. Don't expect an update anytime soon. Kasi baka matagalan. Tinatamad na ko magsulat, to be honest. Anyway, nabalitaan kong may boy reader ako. So I'm very flattered. Hello sayo, sana nadadama mo itong kwento na 'to. Sa iilang mga nagkocomment, kayo na lang dahilan kung bakit ako sinisipag. Sa mga silent readers, keep it up! XD HAHAHA. -- GIP. ü
Chapter 45:
Reah's POV:
"Try mong ipikit yung mata mo, baka kahit papano mabawasan yung sakit." Nilingon ko ang katabi ko at pinalo siya ng mahina.
"Hindi ako nasasaktan no, ba't ako masasaktan?" sagot ko sakanya.
Binigyan niya ko ng makahulugang ngiti, "Hindi ako kasing talino mo, pero hindi naman ako ganun katanga para hindi mahalata yang nararamdaman mo."
"Aish, ewan ko sayo Deither." Sabi ko atsaka kinabit ang earphone sa tenga ko.
Gaano katagal pa ba ang byaheng 'to? Hindi naman ako hiluhin sa byahe, pero bakit parang ngayon sumasakit na ang ulo ko? At ang alam ko, malaki ang van. Bakit pakiramdam ko ang sikip namin?
"Guys, kain tayo?" Napalingon ako sa gilid ko nang may lumitaw na Mr.Chips, si Marvie talaga, hindi nakakatagal sa byahe nang hindi nanguya.
Tinanggal ko yung isang earphone sa tenga ko.
"Sige busog pa ko, alukin mo yang katabi mo." Sino pa ba ang katabi niya? Siyempre si KIT. Pero kanina pa sila hindi nag-uusap. L.Q ata sila.
"Di bale na, busog yan. Busog sa pakikipagharutan sa Daphne niya!"
"Sinabi ko nang wala akong pakealam dun, di ba? Bakit ba pinipilit mo kasi? Hindi ka na nakakatuwa Marvie ha."
Ayan na, mukhang mag-aaway pa sila. Buti pa ko, chill lang. Wala namang dapat ikahassle di ba? "Whatever, Reah abot mo nga 'to dun."
Ngumuso siya sakin at tinaas taas ang dalawang kilay niya na parang nang-aasar.
Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti, "Sure." Kinuha ko yung pagkain sa kamay niya at iniabot sa unahan ko.
Sa pagitan nilang dalawa to be exact, medyo ang close kasi nila. Pwede namang lumayo ng kaunti di ba? Kahit kaunti lang naman!
"Ty, gusto niyo daw?" Sana hindi masyadong halata na pilit lang ang pag-aalok ko sakanila. Lumingon siya sakin, di ko alam kung namalikmata lang ako o inirapan talaga niya ko ng kaunti. "Ayoko, nakakawalang gana."
Sabi niya tapos humarap na ulit siya sa harapan.
"Fine, wala namang napilit eh." Sabi ko, "Ikaw, Maicah? B-baka gusto mo?" Alok ko. Ewan ko kung bakit parang ako pa yung nahihiya sakanya.
"No thank you, nakakataba ang mga junk foods eh." Sabi niya with matching slang pa sa salita niya. Halatang galing abroad.
Bakit bumalik pa? Joke! Baka isipin niyo naman, against ako sakanya. Hindi kaya! Okay naman siya, I think. Osige na, medyo nabigla ako nung pagbukas ko ng pinto ng van kasi sila agad ang nakita ko pagpasok ko. Medyo inasahan ko na rin naman yun, dahil nga sinabi naman sakin ni Tita Eloisa na makakasama nga namin siya sa private resort nila tita. One of the reasons, kung bakit nai-stress ako sa byahe na 'to. Affected na kung affected, kahit naman siguro sino magiging ganito yung pakiramdam. Kayo kayang lumagay sa posisyon ko, sabihan kayo na gusto kayo ng isang tao tapos malaman-laman mo nalang kasama na niya ulit yung ex niya? Oh anong feeling? Di ba para kang na-goodtime? Yung parang paniwalang paniwala ka sa sitwasyon sabay may lalabas para sabihin sayong "yari ka!" o "you got pranked!" Pero sa case namin? Walang ganun. Lahat 'to totoo.