Chapter 8

550 14 1
                                    

Chapter 8:

Tyron's POV:

Maaari ba muna natin tong pagusapan, sa dami rami ng ating pinagsamahan. Ngayon mo pa bang maiisipang isuko ang lahat ng ating pinagsamahan? Masikip sa damdamin --

"Anak ng! KIT ipatay mo nga yan!" Sigaw ko sakanila.

Maaga kaming pumasok para sa practice ng basketball, pero badtrip! Nacancel daw yung practice dahil nagkaemergency yung coach namin. Tinatamad naman kaming umuwi kaya nagstay kami dito sa room.

"Easy pare, init ng ulo natin ngayon ah?" -- KIT

"Eh ano ba kasi yang pinapatugtog mo?! Para ka namang siraulo eh! Ang drama!"

Nakakainis naman talaga ang pinapatugtog niya.

Sabay naman kaming napatingin ni KIT sa direksyon ni Brylle nang magsalita siya bigla "Is it the song or is it the lyrics that you don't like?" Akala ko ba tulog ang isang to?

"Hsss! Mang-iinis na naman kayo! Dun nga kayo!" sigaw ko at ibinato ko ang bola kay Brylle kaso nasalo.

Kaming tatlo lang kasi dito sa room at nakakatamad talaga. Wala naman kasing kabuhay-buhay ang mga tao dito. Puro kwentuhan about sa mga properties na meron ang magulang nila. Paramihan ng girlfriends sa boys at pagandahan ng jewelries sa girls. Nakakapurga din minsan. Mabuti na lang kahit na ganito kami nila KIT, di naman nila kami kagaya.

Tahimik kaming nakaupo ng magkakalayo ng makarinig kami ng mga babae na parang nagtatalo. Kelan pa naging ganito ang mga classmates namin?

"Narinig niyo?" tanong ni KIT. Tumango naman kami ni Brylle at tumahimik. Nakikiramdam kami kung saan nanggagaling yung ingay.

"Kaya niyo na kasi yan eh! Bakit naman isasama niyo pa ko?!" Teka? Parang pamilyar sakin yung boses na yun ah?

Nagkatinginan kaming tatlo na para bang nagpapakiramdaman kung sino ang sisilip para malaman kung sino yun ..

Napatingin ako kay Brylle at ipinikit lang niya ang mata niya. Suot na naman ang headset niya. Napatingin ako kay KIT at -- "May assignment nga pala tayo no? Ge gagawa muna ako!" sabi niya.

Mga siraulo! Naku! Malapit na akong mainis sa dalawang to eh! "OO NA! AKO NA! NAKAKAINIS TALAGA KAYO MGA BUSET!" Pagkasabi ko nun, tumayo na ako at pumunta kung san nanggagaling yung ingay.

"Ano ba kas --" Naputol ang pagsasalita niya nung makita ako.

"Ba't nandito ka? Magso-sorry ka na ba sakin?" tanong ko sakanya.

"Ang kapal ha? Please lang! Nandiyan ba yung kaibigan mo?" Aba! Siya pa talaga ang nagtaray ha? Ibang klase rin talaga ang tama sa utak ng babaeng 'to.

"Hanapan ba ko ng nawawalang kaibigan?" Bakit? Siya lang ba ang may karapatan na magtaray? Besides, siya ngayon ang nasa teritoryo KO.

"Uhh .. excuse me lang no? Bago kayo mauwi sa kung saan na naman no? Paki labas na lang kasi ang pakay namin dito ..." Singit nung isa niyang kaibigan. Ano nga ba ulit ang pangalan nito? "Andiyan ba si KIT?" tanong pa niya.

"Bakit sino ka ba? Bakit hinahanap mo si KIT?" Sabi ko at tiningnan silang tatlo. Nakalimutan ko ang mga pangalan nila except sa Reah na to .. ( -____-" )

"Pare hinahanap ka ni --" Napatigil si KIT sa pagsasalita. Speaking of, nandito na ang mahangin. "Bakit nandito yang mga yan?" Gulat na tanong niya.

"Oh yan na pala hinahanap niyo eh." sabi ko at tumingin kay Reah. Inirapan naman niya ko.

Grabe tong babaeng to. Topak talaga!

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon