Chapter 27:
Andrea's POV:
*bzzzz*
Kinuha ko ang phone ko sa side table ng kama ko. Sino pa ba ang magtetext? He's been acting weird after our first date. He's always checking on me. Hindi naman sa ayaw ko ng ginagawa niya, but it's kinda weird .. To think that I was once nothing to him, and now he's acting as if I'm some sort of his possession.
| Why are you still awake? Turn off your lights and sleep. |
Sumilip ako sa bintana nang mabasa ko ang text niya.
Tiningnan ko kung may makikita akong tao o sasakyan sa tapat ng bahay namin pero wala naman. Tch! Akala ko nandito siya ...
Inilapag ko na ulit ang phone ko at nahiga. Kamusta na kaya sila dun? Babalik sila ng sabado. 5 days lang silang nawala, pero parang ang lungkot-lungkot na naming tatlo. Hindi na kami sanay ng wala sila.
Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko.
Kinuha ko yun at sinagot ang tawag.
"Hello?"
Walang nagsasalita sa kabilang line, pero naririnig ko ang paghinga niya.
"Brylle? Huy! Magsalita ka nga." Ayan na naman siya, tatawag tapos hindi magsasalita. Magsasalita pero laging isang word lang ang sasabihin.
[ I told you to turn your lights out. ]
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Andito siya .. andito talaga siya ...
Hindi ako sumagot, tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at tulog na ang mga tao samin.
Lumabas ako sa gate, sumilip ako sa magkabilang side ng kalye.
[ Hey, who told you to come out wearing that kind of clothes? ]
"Asan ka ba? Alam kong andito ka."
[ Why d'you think I would waste my time just to go all the way here from Batangas? ]
I frown. Ganyan yan! Lagi na lang mambabasag ng nararamdaman. Papakiligin ka tapos babarahin ka. Naku! Kung hindi ko lang ...
"Eh bakit ka tumawag?"
[ I miss you. ]
*dugdug*
Ayan na naman siya, binibigyan na naman niya ko ng mga paru-paro sa tiyan ko. Bigla-bigla na lang magsasabi ng miss niya ko. >////<
A-ano daw? Nabingi ata ako sa sinabi niya!
Hindi ako nakasagot, siyempre! Kinikilig pa ko eh!
[ Get inside Andrea. ]
"Ayoko nga! Andito ka eh!" Alam ko na nandito siya. "Asan ka ba kasi?"
[ I'm near you, just keep looking .. ]
Lumakad ako palayo sa gate at nagpunta sa gitna para mas makita ko pa ang buong lugar.
"Wala naman eh, asan ka ba?" Naiinis na ko! Pinaglalaruan na naman niya ko :(
[ Turn to your left ... ]
Paharap na sana ako ng marinig ko ang isang napakalakas at nakakabinging tunog.
*beeeeeeeeep*
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, sa sobrang bilis ng pangyayari ay napapikit na lang ako.
Reah's POV:
"Upo ka muna, magbibihis lang ako." Sabi ko kay Deither nang makapasok siya ng bahay namin.