Chapter 25

471 11 2
                                    

Chapter 25:

( 3rd Person Speaking )

“Goodmorning class!” Sabay sabay na tumayo ang Galileo at bumati sakanilang adviser pabalik.

Monday ngayon at araw din ng pag-alis nila Tyron. Kung itatanong niyo kung anong nangyari ng mga nakaraan? Wala, literal na wala. Naging awkward ang atmosphere sa pagitan nila, except kay Marvie at KIT siyempre. Si KIT lang ang nakakasama sakanilang tatlo, subsob naman sa practice si Brylle at Tyron, being the captain and vice-captain of the basketball team sure has a lot of responsibilities.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Reah, medyo nanibago siya na walang Tyron na kumikindat sakanya sa kabilang dulo ng classroom nila at walang Tyron na nagsi-smirk sa tuwing naghihikab na siya ng nakatingin sa pwesto nito.

Parang nagfast forward ang lahat ng pangyayari at Lunch na, sabay sabay silang nagpunta sa canteen. Gusto sanang bumuo ng conversation ni Reah kaso pagtingin niya sa left side niya, busy sa pakikipagtext si Marvie. Alam na … Habang si Andrea naman, meron pang hang over sa date nila ni Brylle nung Saturday. Kung anong nangyari? Hindi nila alam, ayaw magkwento ni Andrea. Baka daw mawala yung kilig.

Nagulat si Reah nang may tumakip sa mata niya.

“Sino to?” Hawak niya sa kamay na nakatakip sa mata niya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng isang lalaki, tinanggal nito ang kamay sa mata niya at bumungad sa harap niya si Deither.

“Lunch for you?” He smiled, “Mind if I join the three of you?”

Ngumiti si Reah at umiling,

“Not if you brought 2 more lunch box for them.” Turo ni Reah sa mga kaibigan niya.

Itinaas ni Deither ang paper bag na hawak niya, “Siyempre, handa ata to no!”

Napatigil sa pagtetext si Marvie at inagaw ang paper bag. Sabay nilang sinilip ni Andrea kung anung laman.

“Yuuuum! Fish fillet! Yan naman gusto ko sayo Deither eh! Hindi mo kami kinakalimutan! Nagpapalakas ah? Nanliligaw ka na ba kay Reah?”

Automatic na hinampas naman ni Reah si Marvie dahil sa tanong niya.

“Ouch! Bitch, masakit yun!” reklamo ni Marvie, binalik ulit ang atensyon kay Deither. “Ano Deither?”

Napakamot naman sa batok niya si Deither, “pwede ba?” nag-aalangang tanong niya dito.

“Aba, samin naman eh, ayos lang! Basta wag mo lang sasaktan yan, mahal namin yan. Willing kaming pumatay para diyan!” Seryosong sabi ni Andrea.

Natawa naman si Deither, “Hindi no, mahal ko ata yan!” Lalong namula si Reah sa sagot ni Deither.

“Ang dami niyo pang sinasabi diyan! Tara na nga! Kumain na lang tayo!” Sagot ni Reah at nauna nang pumasok sa canteen.

**

“Fresh air talaga pag province!” Bati ni Alyssa nang makababa sa van na sinasakyan nila kasama ang lima sa varsity at 4 pang cheerleaders.

Dalawang van kasi ang dinala nila para sa 12 players at 10 cheerleaders. Kung natutuwa si Alyssa sa ambiance ng Batangas, iritang sumunod sa pagbaba si Tyron. Paano siya maglalaro kung nangalay siya sa bigat ng ulo ni Marienela na katabi niya sa van at natulog sa balikat niya? Iniisip pa lang niya na magkakasama sila ng ilang araw dito, sumasakit na ang ulo niya.

“KIT, tigilan mo nga yang phone mo. Nakakairita ka!” singhal nito sa kabababa lang din na si KIT.

“Bakit ba?! Katext ko girlfriend ko eh! Wag ka ngang mainggit Tyron! Palibhasa --” Hindi niya naituloy ang sinasabi niya ng pandilatan siya ni Tyron “Makapasok na nga! Coach! Una na po ako sa loob, hoy Brylle! Baba na aba!”

“Aish! Shut up! Your voice is too loud! F*ck*ng phone, she doesn’t answer any of my calls. What is wrong with her?!” Irita rin kinuha ni Brylle ang mga gamit sa van at sumunod kay KIT sa loob ng tutuluyan nila.

Isang town house na may malaking covered court sa likod nito ang tutuluyan nila sa Batangas, isa ito sa mga properties na nabili ng Ramirez. Well, first time palang napunta dito ni Tyron dahil nirenovate to at lagi silang tumutuloy sa Bicol kung saan nakatira ang grandparents niya sa father side.

“Hi Tyron, nakatulog pala ako. Wow! Your place is awesome!” Nakalimutan na ni Marienela ang pagiging sweety-patooty niya kay Tyron nang makita ang town house nila Tyron. Agad siyang pumasok kasunod ng iba pang cheerleaders at sumunod naman si Tyron.

Isang 2 storey white modern town house. May lima na kwarto sa baba at limang kwarto sa taas, bawat kwarto ay kasya ang 3 tao. Kaya naman napagpasyahan na yung limang kwarto sa baba ay i-occupy ng mga varsity, yung isa ay para sa coach at cheer squad naman ang sa taas by 2’s naman ang pairing ng girls.

Pagod sa biyahe kaya naman kanya kanyang diretso sa assigned room ng bawat isa, tahimik na naupo si Tyron sakanyang single bed. Katabi nito ay ang kay Brylle sa gitna at kay KIT sa kabilang dulo.

“Pare, bakit kailangan na dito pa tayo magpractice? Di ba parang lugi tayo sa acads nun?” -- KIT

“As if you care about your grades. Tss!” -- Brylle

“Aba gag*! Natural! Matatanggal ako sa team kung di ko aayusin pag-aaral ko no! Umayos ka nga Brylle!” -- KIT

Tahimik na naglaro si Tyron sa iPHONE niya, after a few minutes nabored siya nagcheck na lang siya ng mga photos at nagulat sa nakita niya.

“Sira talaga ulo mo KIT no?!”

“Shhh!” Sumenyas si KIT kay Tyron na wag maingay at itinuro si Brylle na nakatulog na. “Ang ingay mo! Bakit na naman?!” Halos pabulong na sabi nito.

“Anong bakit?! Tingnan mo nga! Puro stolen ng mga tulog ‘to kanina sa van ah?” Pabulong din nitong sagot kay KIT.

“Yaan mo na! Pablackmail mo rin sakanila yan.” Sabi nito at bumalik na sa pagtetext.

Napailing na lang si Tyron, ilang slide pa ng screen at napukaw ang atensyon niya sa susunod na photo na lumabas.

It was Reah’s stolen picture when she’s sleeping. And he felt a skip of his heartbeat.

Before he knew it, he already sent a text message to Reah.

* RMM. ü

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon