Chapter 60

105 8 4
                                    

Chapter 60:

Deither's POV:

Nagising ako dahil sa tindi ng sikat ng araw. Nagmulat ako ng mata at kasabay nun ang matinding pagsakit ng ulo ko. Umayos ako ng higa, tumihaya ako at naramdaman kong masakit ang --.

"Sht." Agad akong napaupo sa kama at tiningnan ang sarili ko at tama nga ako.

Hindi ako nananaginip. May nangyari samin. May nangyari talaga samin ni Maicah!

Agad akong tumingin sa gilid ko pero wala na siya. Nakaalis na kaya siya?

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman na masakit ito. Kasabay nun ay ang pakiramdam na para pa rin akong nasa loob ni Maicah dahil sa tindi ng sakit sa ano ko. Hindi ka na virgin, Deither. Naramdaman ko rin ang hapdi sa likod ko. Bakit mahapdi? Tumayo ako at lumapit sa salamin tsaka tumalikod at nakita kong may mga gasgas. Parang kalmot ... Oo nga pala madiin niyang binaon yung kuko niya nung --.

"Tang in*!" Dali-dali akong lumapit ulit sa kama para makumpirma ang hinala ko.

Agad akong lumapit sa kumot na nakatakip sakin kanina at tinanggal yun sa kama. Sht, virgin pa si Maicah ... At ako ang nakauna.

Napaupo ako sa kama at sinambunutan ang aking buhok. Sobrang sakit ng ulo ko. At anong kagaguhan ang ginawa ko? Hindi ko dapat ginawa yun. Hindi kami gumamit ng proteksyon! Paano kung -- hindi ... Hindi naman siguro.

Pero paano kung ganun nga? Paano kung mabuntis ko siya? Baka maging kagaya ko ang bata. Lumaki ng walang magulang. Paano kung --

Hindi pwede 'to. Kailangan mag-usap kami ni Maicah. Kailangan ko siyang sundan.

[ end ng story ni Deither at Maicah, baka gawan ko sila ng sariling story. This is tentative. Baka palang. ]

Marvie's POV:

FLASHBACK ( kagabi sa Disco Palace )

Lahat kami ay umiinom at nagkakasayahan. Naunang umuwi si Tyron at Reah dahil nagalit ata si Tyron kay Reah. As usual, ano pa bang bago? Never naman atang nagkasundo yung dalawang yun. Naiwan kami nila Andrea, Rona, Ken, Deither at KIT.

Magkatabi kami ni Andrea habang si Ken naman ay sinasabayan ang bawat pag-inom ni Deither. Si Rona naman parang may katext at hindi na kami pinansin ni Andrea. Nagulat ako nang biglang tumayo si KIT.

"Labas lang ako," ewan ko kung sino samin ang kinakausap niya at pagtapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya.

Naramdaman kong siniko ako ni Andrea, tumingin ako sakanya at sumenyas siya na sundan ko daw yung isa. Nung una ay hindi ko alam kung susunod ako o hindi sa sinabi niya pero naisip ko na kailangan na rin namin mag-usap. Alam kong parehas na kaming nahihirapan.

Agad akong tumayo at sinundan siya palabas. Lumabas ako ng Disco Palace at nakita kong nasa gilid siya, tahimik at seryoso ang itsura. Dahan-dahan akong lumapit sakanya. Naramdaman kong nilingon niya ko pero hindi ko siya tiningnan. Hindi ko alam paano ko sisimulan.

"Wag ka dito, dun ka sa loob baka mahamugan ka." Kahit na seryoso ang boses niya, nararamdaman ko na nag-aalala siya sakin.

Bakit ganun? Hindi siya nagsasawang mahalin ako. Ako 'tong palaging nananakit sakanya. Feeling maganda na laging nagpapasuyo at nag-iinarte sa isang Kristoffer Ian Tolentino. Isang simpleng babae na walang sinabi sa mga babaeng nagkakagusto sakanya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatayo sa gilid niya. Tumingala ako at nakita kong madaming bituin. May kalamigan ngayong gabi, nakasleeveless pa naman akong dress. Niyakap ko nalang ang sarili ko at kinuskos ang mga kamay ko sa braso ko para mainitan ng kaunti.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon