Chapter 32:
Reah's POV:
"Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh!" kinuha niya yung pang-limang box ng tissue at suminga. Di ko alam anong dapat kong maramdaman eh! Di ko alam anong sasabihin ko! Wala naman akong alam sa ganito eh!
Tumingin ako sa kaliwa ko, God! Napagitnaan pa ko ng dalawang ganito.
Isang hysterical at isang tahimik kung umiyak. Inabot ko naman kay Andrea yung kakabukas lang ni Marvie na box ng tissue.
"Okay ka pa diyan?" tanong ko, kahit obvious na hindi.
"Siyempre hindi! Gusto ko nga'ng magbigte eh!" Urgh! On the other hand, nagpapasalamat ako kasi ganyan sila. Kesa naman yung hindi magsasalita, yung mga suicidal ba na tipo, at least sila vocal sa mga nararamdaman nila.
Ang alam ko kasi, nababawasan yung bigat ng nararamdaman pag sinasabi eh. Tama ba yun? Ah ewan! Mas mahirap pa pala sa physics ang love problems no? A little help here?
"Ano nang gagawin ko?" Sabay singa na naman sa tissue,
"Hindi pa niya ko kinakausap! Pinagpalit na ata niya ko!" Swear kung makikita niyo lang ngayon si Marvie, baka naawa na kayo dito!
"Kasi naman ikaw eh, bakit kasi sinabi mo yun? Ayan tuloy, binigay sayo yung hinihingi mo!" Lipat na naman ako ng tingin dun naman sa isa.
"Don't look at me like that, mas lalo kong narerealize na para kong tanga eh! Naaawa ako lalo sa sarili ko!" Sabi niya sakin.
"Eh para ka naman talagang timang diyan eh, nag-iiiyak ka diyan ni hindi mo man lang nga pinag-explain yung tao." Nung isang araw nilapitan siya ni Brylle, ay hinabol pala ... Pero hindi naman niya hinayaang mag-explain.
"Mage-explain eh kasama niya nga yung higad na yun?!" She's starting to be hysterical like Marvie, "Anong gusto mong gawin ko? Hintayin kong sabihin niya na 'uy sorry, kami na kasi ni Marienela pinagmukha lang talaga kitang tanga, trip ko yun eh.' Yun ba gusto mo?"
Di ko na talaga keri to! Pinahihirapan lang nila yung sarili nila eh! Tumayo ako sa gitna nilang dalawa, nagulat sila sa ginawa ko, wag silang umarteng gulat dahil mas kagulat-gulat kung sakalin ko sila dahil sa pagiging hysterical nila diyan!
"Ah ewan sainyo! Ikaw Andrea, naniniwala ka ba diyan?! Kung meron man dapat makakilala kay Brylle dito, ikaw yun! You've been stalking him since 1st year, isipin mo rin kung yung namagitan ba sainyo eh talagang kasinungalingan lang." Napa-irap ako, God! Pinupuno ako ng dalawang 'to!
"At ikaw naman Marvie, ano iiyak ka na lang ba diyan? Dapat nga di ka umiyak kasi ikaw ang may kasalanan diyan, oo nga may kasalanan din si KIT pero yung sabihin na maghiwalay na lang kayo, dahil lang dun? Akala ko ba alam mo na sa sarili mo na tama ka na sa napili mo ngayon? So dahil lang sa simpleng away pakakawalan mo siya?"
Thank goodness, nailabas ko na yung kanina pang inis ko. Tiningnan ko sila parehas, at ang ekspresyon nila? Nganga.
Kung alam ko lang na ito lang yung makakapagpatigil sakanila sa kaiiyak ng isang oras at kalahati kanina ko pa ginawa. I mean, hindi naman ako masama. Pero minsan kelangan mo din maging harsh sa mga kaibigan mo para matauhan sila di ba? Kasi hindi ko na talaga keri 'to! And see? It worked.
"Oh ano? Medyo nahimasmasan na ba kayong dalawa?"
"In fairness Reah, hindi na masama para sa NBSB na kagaya mo." Sabi ni Marvie.
Yeah right, ako na nga ang di pa nagkaka-boyfriend! At ito yung moment na masarap ipagmalaki na wala ako nun, nang hindi ako mukhang ewan na umiiyak dahil sa mga ganyan.