Chapter 41

308 11 4
                                    

Chapter 41:

"Kiel, wake up .." naramdaman ni Tyron ang pag-uga nito sakanya. Alam niya kung sino yun kahit di siya magmulat ng mata.

"Mom, 5 minuetes pa po .." sabi niya at dumapa sa kama niya at ibinaon ang mukha niya sa unan.

Natahimik ang kwarto niya ang akala niya lumabas na ang mommy niya pero mas ikinagulat niya ang boses na narinig.

"Get up young man, ganyan ba ang may nililigawan na?"

Automatic siyang napatayo at napahawak sa ulo niya.

Nang maalala niya ang nangyari kagabi, napahawak naman siya sa pisngi niya. at ngumiti.

FLASHBACK

Matapos mag-usap nila Tyron at ang mga kuya ni Reah, agad niyang hinanap si Reah. pagkalabas niya sa screen door ay nakita niyang nakatayo si Reah at malayo ang tingin.

"Ano ka gumagawa ng music video?" Great, ipaalala niyo nga sakanya na hindi na siya kaasaran buddy ni Reah, ano na siya? 'slight' official suitor kung meron mang ganun.

Agad siyang nilingon nito.

"Okay ka pa naman?" pinipigilan ni Reah maging concern ang boses niya.

Kibit balikat naman si Tyron.

"Pwede na," nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa. "kahit na medyo halatang ayaw nila sakin."

"Itigil mo na kasi 'to, kung ayaw mong masaktan. Ang dam diyan oh, ako pa napagdiskitahan mo."

"Bakit ba pag ako, ayaw mong maniwala?" naiinis na tanong ni Tyron sakanya.

"Eh kasi hindi kapani-paniwala," Tatalikod na sana siya at papasok sa loob ng hawakan siya ni Tyron sa braso at iharap siya pabalik. Tinitigan siya nito sa mata.

"Sabihin mo sakin na hindi ka nakakaramdam ng kahit katiting para sakin at ititigil ko 'to," sinukatan niya ng tingin si Reah.

Parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya ng makita niya ang mata ni Reah, kanina ang tapang tapang niyang sabihin yun pero hindi naman pala siya handang marinig ang sagot. Wag lang talaga 'Wala' ang isagot ni Reah kundi .... lagot siya!

Umiwas ng tingin si Reah, bakit hindi niya magawang masabi na wala? Kasi nga meron. Meron, alam niyang meron pero pinipilit niyang isipin na wala. Wala kasi si Deither ang una niyang nagustuhan, kasi si Deither pa rin ang dapat. Kasi .... yun ang naka mindset sakanya. Lakas lang talaga makaepal ni Tyron. Tinalaban siya ng charms nito.

Relief para kay Tyron na hindi sumagot si Reah, mas okay kesa naman direct siyang ireject. Buwis buhay pa naman siya sa loob kanina, tapos busted lang?

"Maniwala ka lang sa mukhang 'to," iniharap niya ang mukha ni Reah sakanya at inilapit para makita ni Reah ang mukha niya. "Pag gwapo minsan lang magseryoso, at pag sinabi kong seryoso ko sayo, totoo yun."

Tinulak ni Reah si Tyron palayo, baka kasi marinig nito ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Posible ba yun? Ewan niya, basta ang alam niya ... siya, binging-bingi sa sariling puso niya.

"P-pinag-sasabi mo diyan?" Gsto niyang batukan ang sarili niya dahil sa pagiging bulol niya. Pahamak na pananalita yan.

Napabuntong-hininga si Tyron, inilagay niya ang kamay niya sa ulo ni Reah at ginulo ang buhokk nito. "Wag kang mag-alala, di naman kita mamadaliin."

Somehow, it made Reah at ease, why does it sound so thoughtful?

"Reah," napatingala siya sa pagtawag sakanya ni Tyron, "pikit ka, may dumi sa mata mo."

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon