Chapter 50

154 7 3
                                    

Chapter 50:

Reah's POV:

~ If happy ever after did exist, I will still be holding you like this. All those fairy tales are full of it, one more stupid love song I'll be sick.

"Hello?" Wala sa sarili kong sinagot ang tawag.

Anong oras na ba? Ramdam ko pa rin yung sakit ng katawan ko, 4th week palang ng back to school, bugbog na agad ako.

Walang nagsalita sa kabilang line, "Hello?" sabi ko ulit. Nakarinig lang ako ng paghinga. Tiningnan ko na yung caller ID pero walang nakaregister. Sino kaya 'to?

"Ibababa ko na ha? Hindi ka naman kasi nagsasalita e." Sabi ko dito. At pagkatapos nun ay binaba ko na.

Tiningnan ko ang oras at 10:00 am na pala. Tanghali na. Very unusual na tahimik sa bahay ng ganitong oras at weekends. Nasan kaya sila?

--

Nang makaligo ako at makapagbihis, bumaba ako. Pero wala akong nadatnan.

"Ate?" tawag ko sa kasambahay namin. "Ate?" tawag ko ulit ng walang sumagot.

Lumabas siya mula sa kusina.

"Bakit po ma'am?" sagot nito sakin.

"Ate, asan sila?" tanong ko dito

"Ay wala po sila, may pinuntahan party. Bilin po sakin sumunod na lang daw po kayo at magpahatid sa driver kung gusto niyo. Alam daw po ng driver kung saan yun."

"Ah sige, salamat po." Sabi ko dito atsaka siya tumango at umalis.

Pumwesto ako sa sala namin at naupo.

Parang wala ako sa mood umalis ng bahay ngayon. Marami akong tatapusing projects. Dito na lang ako. Isa pa ang sakit ng katawan ko.

Paano ba namang hindi sasakit? Ewan ko ba kung anong kamalasan ang dala sakin ng kapre na yun at sa tuwing nagkakasalubong kami lagi akong muntikang maaksidente!

Siguro hindi naman niya kasalanan. Sadyang todo iwas lang ako sakanya, kaya ako nadidisgrasya.

Teka nga, bakit yun na naman ang iniisip ko? Ah ewan! Madami ka pang gagawin Reah, wag puro yun ang iniisip mo.

Ken's POV:

Tinapakan ko ang sigarilyo ko at ibinuga ang huling usok bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Andrea. Routine na namin 'to. O ako lang. Ewan ko. Basta ganun.

Simula nung mawala si -- Simula nung mawala si Kayla. Masakit pa rin talagang sabihin. Ganito na ang set up namin, kapag weekdays, gigising ako, maliligo, aalis ng bahay at dadaanan siya. Sabay kaming papasok. Ayoko na ngang pumasok e, kundi lang dahil dito kay Andrea. Mapilit e. Kapag hindi ko daw siya sinundo, hindi rin daw siya papasok. Kaya napipilitan na rin akong pumasok. Okay naman, kasi kahit papaano nakakalimot ako. Ganun lang paulit-ulit, tapos kapag weekends naman, kung hindi ako ang pupunta sakanila. Siya naman ang biglang dadating sa bahay, kung anu-anong gagawin niya. Maglilinis ng mga kalat ko sa bahay, pipilitin akong kumain at mag-ayos ng sarili. Minsan hindi ko na alam kung saan pa hinuhugot ng babaeng yun ang kakulitan niya e.

Ayun, pumasok ako sa bahay nila. Pinagbuksan ako ng maid nila, hindi na rin ito nagtanong. Dire-diretso na ko. Nakita kong kalalabas lang din ng pinsan niya sa kwarto nito dito.

Akalain mong magpinsan sila? Akala ko talaga dati, manliligaw siya ni Andrea e. Ewan ko ba, lakas kasi nila makapaglandian. Aakalain mong may relasyon sila. Pero di naman. Ayos din 'tong Mike na 'to e, siya na tumatayong kuya kay Andrea. Nagkasundo na rin kami. Nasanay na lang siya sakin na lagi kaming ganito ni Andrea. Kahit na sa tingin ko hindi naman ako gusto nito, alam ko namang boto to kay Brylle, nampucha. Dati kaagaw ko sa atensyon ng kapatid ko yung kumag na yun, ngayon pati ba naman sa babaeng mahal ko. Labo lang talaga. Minsan iniisip ko nasakin na rin yung mali e. Mahilig akong makiagaw ng di sakin. Anong magagawa ko? Mahal ko talaga si Andrea e.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon