Chapter 45.2:
KIT's POV:
'The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.'
Haist! Anak ng tupa naman oh!
"Ano na, wala pa rin?" Napalingon ako kay Tyron na busy'ng nagbibigay ng lunch para sa mga bata. 5 lanes yun, Si Tyron sa una, si Deither sa pangalawa, pangatlo kay Reah, pang-apat yung line ko na pinalitan ni Marvie at panglima kay Maicah.
Para mabilis ang usad, yan yung napag-usapan. Ako naman, tinatawagan pa rin si Brylle.
Ito ang ayoko sa bugok na 'to eh, pag sinayad walang pasa-pasabi kung ano lang ang maisipan.
"Wala pa rin pare, nakaka-20 missed calls na ko."
Medyo nakakayamot yung ginagawa ni Brylle, sanay na kami. Oo, sa tagal ba naman naming magkakasama. Pero alam naman niyang may ibang kasama eh. Buti sana kung kami kami lang. Nakakahiya sa mga bata at kayla Maicah.
Kanina pa siya hinahanap ng mga bata, at kanina pa kami nagdadahilan. Nauubusan na nga kami ng palusot eh. Sa aming tatlo kasi, simula nung inisponsoran namin yung orphanage ng bata 'to, si Brylle yung pinaka malapit sakanila. Siyempre, konektado siya dun sa mga bata kasi alam naman nating lahat kung bakit. Tulad ng batang 'to, hindi na rin nakagisnan ni Brylle mga magulang niya.
Lokong yun, ano na kayang nangyari dun?
"Yaan mo na, dito ka muna. Puntahan ko sila mommy sa resto. Sabihin ko kulang pa yung supply ng food,"
"Sige sige pare, ako muna diyan."
Tinext ko muna si Brylle bago ako pumalit sa lane ni Tyron. Badtrip talaga, nasan kayang lupalop ang ungas na yun?
Reah's POV:
Alam mo yung pagod pero masaya? Ako yun!
Ngayon ko lang natuklasan na mahilig pala ako sa bata.
Tapos lahat pa sila ang babait, ang lalambing. Kanina lang nila ko nakilala pero ang sweet sweet na nila sakin. Ewan ko nga pero, sakin yung pinakamaraming nakapila eh.
Nasan kaya si Brylle? Kahapon pa namin siya hindi nakikita dito eh. Di ko pa nabibigay yung regalo ko sakanya. Anong tingin niyo sakin? Walang regalo? Meron no! Di nga lang kasing sosyal ng regalo nila. At least may regalo!
"Ate Weya ( Reah )" Nagulat ako sa tumawag sakin, si Mimi pala. Siya yung kaninang bata na binubully nung mga batang lalaki, ang cute cute niya kaya! Sabi niya sakin 4 years old na daw siya.
"Ay, sorry Mimi! Ito na yung food mo." Sabi ko ng nakangiti, siya na pala yung nakapila. Ngumiti siya sakin tapos nakita ko na naman yung dalawang ngipin sa gitna na bungi niya. Hehehe. Ang cute niya.
Pagkakuha niya ng food tiningnan niya lang yun, ay bakit? Ayaw niya ba nun?
"Bakit Mimi? Ayaw mo ba nung pagkain?" tanong ko, baka meron pa kasing ibang food sa resto na pinapahanda, papalitan ko na lang yung binigay ko sakanya.
Umiling siya habang nakatingin pa din dun sa pagkain. Hala, anong meron?
Bigla siyang tumingala sakin.
"Ate Weya, paglaki ko po gusto ko pong maging katulad niyo! Maganda atsaka mabait!"
O_____O
>/////<
Waaaah! Nakakahiya naman! Pero di ba sabi nila ang bata di marunong magsinungaling? Hihihihihihihi!
Ngumiti na lang ako, yung di naman obvious na tuwang tuwa ako sa pambobola niya sakin no! Pinat ko siya sa ulo, "Ikaw talaga, akala ko ayaw mo ng bigay kong pagkain sayo eh. Osige na! Kain ka na dun, para makapagswimming ka na ulit!"