Chapter 20

497 14 6
                                    

Chapter 20:

Tyron's POV:

What the heck? Sobrang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. Teka, bakit parang ang bigat ng braso ko?

Sino tong nakahiga sa gilid ko?

Asan ba ko?

Ginalaw ko ang kamay ko para magising yung nakahiga sa braso ko. Di ko kasi masyadong maaninag kung sino. Dim yung mga ilaw dito. Pucha, ano bang nangyari? Kanina lang nasa court pa ko ah?

Gumalaw yung nakaunan sa braso ko, naalimpungatan na ata.

"Reah?"

Nagpupungay pa ang mata niya nang tumingin siya sakin, kinusot niya ang isa sa mata niya. Sinamaan niya ko ng tingin.

Napano 'to?

"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko. Aba? Eh dapat siya pala ang nakahiga dito. Mukhang sinasapian siya eh!

Lalong sumama ang tingin niya sakin. Hinampas niya ko sa braso.

"Ouch! Inaano ka ba?!" Nakakainis naman kasi, nananakit na naman ang isang 'to! Sadista, tsh!

"Anong nangyari sakin ha? Sakin? SAYO! Anong nangyari sayo?! Tatanga-tanga ka na naman!" Sabi niya at inirapan ako.

Ano na namang nagawa ko? Hindi ko naman siya talaga inaano! Lumalala na ang pagiging baliw ng isang 'to.

"Ako? Ano bang nangyari?" Napatingin ako sa labas, bakit madilim na? "Anong oras na ba?" bakit kami lang ang magkasama?

"Natural na madilim na! Tayo na lang ang nandito sa school no! Umuwi na sila, ako lang yung walang gagawin kaya ako yung naiwan sayo! Nakakainis ka talaga!"

Teka bakit parang —

Napailing ako. Minsan kasi pag tinitingnan ko si Reah, may kakaiba. Hindi ko ma-explain. Basta parang may kung ano sa tiyan ko. Baka naman sa tama lang ng ilaw kaya parang gumanda siya sa paningin ko?

Napailing ako. Kung anu-anong sinasabi ko.

Nakita ko ang pag-abot niya sa bag niya. Sinukbit niya sakanya yun bago tumayo. "Tayo na diyan, umuwi na tayo." Tatalikod na sana siya nang hawakan ko siya sa braso.

Napatingin siya sa kamay niya na hawak ko at tumingin sakin.

"T-thank you tsaka .. sorry kung naabala kita." Ewan ko kung bakit yun ang nasabi ko, di ba dapat ginagantihan ko lahat ng sinabi niya sakin kanina?

Ah basta! Parang hindi ko kasi siya mapatulan ngayon.

May pinahid siyang kung ano sa mukha niya tsaka humarap sakin.

Huminga muna siya ng malalim, "Hindi mo ko naabala, bakit yun ang naisip mo ha? Akala ko ba magkaibigan tayo? Naiinis ako kasi pinag-alala mo kaming lahat. Alam mo ba kung anong oras pa tayo nandito ha? Akala ko hindi ka na gigising!" Pinalo niya ulit ako sa braso. "Nakakainis ka talaga!" Hindi ko alam kung bakit natatawa ako kahit sinasaktan niya ko.

Ngayon sigurado na kong umiiyak siya. Namumula na yung ilong niya at suminsinghot na siya. Hindi pala lahat ng umiiyak pangit. Meron din cute, kagaya ng bansot na 'to. Emotional talaga ang mga babae! O baka siya lang? Ewan ko, parang nadadalas ata yung pag-iyak niya pag magkasama kami?

Pinilit kong tumayo, "Hsss!" Napahawak ako sa ulo ko. May bukol?

"Masakit pa ba? Dumiretso na lang tayo ng ospital kung di mo kaya?" Naiinis siya, pero may pag-aalala pa rin sa boses niya.

Ngumiti na lang ako, "Okay na ko. Gising na ko oh? Bukol lang 'to, malayo sa bituka." Sagot ko.

Tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon