Chapter 46:
( Reah's POV: )
Ang ingay ng buong paligid. Wala akong ibang makita kundi makapal na usok mula dito sa kinatatayuan ko at makulay na mga fireworks. 10 minuto bago magbagong taon. Ang bilis ng mga pangyayari, ilang linggo na kaming hindi nagkikitang magkakaibigan. Wala akong balitang natatanggap mula sakanila, sabagay, paano nga naman ako makakatanggap ng balita sakanila, ni hindi nga ako tumitingin sa cellphone ko. Masyado akong preoccupied sa mga nangyayari.
Nagulat ako ng may mainit na kamay ang tumakip sa mga mata ko. Hinawakan ko yun, agad kong nakilala kung kanino yun.
"Deither," banggit ko, kasabay ng pagtanggal niya ng mga kamay niya sa mata ko.
"Ba't alam mo kaagad? Ang daya naman!" Humarap ako sakanya ang nakita ang malawak na ngiti sa mga labi niya.
Sa aming lahat na magkakaibigan, si Deither lang ang nakakaalam ng bagong bahay namin. Nung araw kasi na lumipat kami, nagkataon na dadalawin niya ako. Naabutan niya kaming pasakay ng kotse. Binigay ko na lang sakanya yung address ng bagong bahay namin, sabi ko naman sakanya wag niyang ipagsasabi kung saan ako makikita. Pumayag naman siya, kaya bukod sakanya, wala nang ibang dumadalaw sakin.
"Bakit ka nandito? Andun sila tito sa baba ah? 'Ba yan, new year na new year nagmumukmok! Malas pasok ng taon mo niyan."
"Anong nagmumukmok? Utot mo nagmumukmok! Hindi no! Maganda yung view dito eh, bakit ba? Tsaka, pano ka pumunta dito? Walang nabyaheng sasakyan pag new year ah? Kung naputukan ka diyan, iyak ka!" Pang-aasar ko.
"Secret!" natatawang sabi niya, tapos may dinukot siya sa bulsa niya. "Oh," inabot niya sakin.
"Ano yan?" titig ko dun sa palad niyang nakasara.
"Buksan mo para malaman mo." Sabi niya sabay kindat.
Binuksan ko yung palad niya, silver bracelet yun na may design na heart sa gitna.
Sinuot niya sakin.
"Belated Merry Christmas. Advance Happy New Year gift na rin." Sabi niya matapos niyang isuot sa kamay ko yung bracelet.
"Wala man lang akong regalo sayo, pero salamat dito ha. Nag-abala ka pa." Nakakahiya naman sakanya, samantalang ako walang regalong naihanda para sakanya. Ang totoo niyan, para sa lahat wala akong naihandang regalo. Ewan ko ba, taon taon ako pa naman yung palaging may binibigay na regalo sa buong pamilya ko at mga kaibigan.
"Bakit? Nanghingi ba ko?" Nakangising sabi niya.
"Psh." Inirapan ko siya.
"Hinatid namin si Brylle sa airport."
Napatingin ako sakanya. Umalis na pala siya, hindi namin alam kung anong nangyari sakanila ni Andrea. Pero alam kong may kinalaman si Andrea sa pag-alis ni Brylle.
"Ah, hindi na ba siya babalik?" Sinubukan kong hindi ipahalata yung kagustuhan kong makibalita sa barkada. Kahit naman kasi hindi ako nagpapakita sakanila, concern pa rin ako sakanila.
"Hindi niya sinabi, pero feeling ko matatagalan siya dun."
Tumango na lang ako.
"5, 4, 3, 2 .... 1! Happy New Year!" Sabay kaming napaharap ni Deither sa terrace.
Kasabay ng sigawan ng mga tao, sabay-sabay nagliparan ang iba't ibang kulay ng mga fireworks sa langit. Pakiramdam ko, kasabay ng pagtatapos ng taon na 'to ang pagtatapos din ng mga bagay na nakasanayan ko. Masasanay na rin siguro ako sa panibagong buhay ko, kailangan kong masanay ...