Chapter 14:
Deither's POV:
Palabas na ko ng bahay namin. Tinatamad talaga ako ngayong araw na 'to. Atin-atin lang, pero isa ako sa mga naiinis pag monday na. -___-" Lalo pa't first day ng exam. Magsesembreak na nga lang, mage-exam ka pa. Saklap di ba?
As usual, dumaan ako sa mailbox namin para magcheck kung may dumating na mail.
Meron na namang sulat galing sakanya. Kailan kaya niya maiintindihan? Isasara ko na sana yung mailbox nang makita ko yung kulay blue na sobre sa loob. Isa pa 'to! Nagpadala na naman siya ng pera. Nakakapagtaka talaga kung pano niya nalalaman pag may pangangailangan ako sa pera. Di ko alam kung matatakot ba ko dahil para siyang nakamasid sa bawat galaw ko. Pero ang OA naman kung ganun? Ano naman mapapala niya pag ginawa niya yun?
May nagpapadala kasi sakin ng pera every once in a while. By once in a while, I mean natataon pag may kailangang bayaran sa school or bills. Basta, pag may kailangan akong bayaran. Hindi ko naman matukoy kung sino dahil walang kahit na anong details na nakalagay sa sobre. Wala nga din kahit sulat man lang.
Nagsimula lang naman lahat ng 'to nung pumasok na ko ng high school. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino siya pero sana makilala ko siya pag nakatapos na ko. Dahil kung anuman ang meron ako ngayon, utang ko lahat yun sakanya. Balang araw, sana makilala ko siya para makabawi naman ako.
Ay ewan, ang drama! Parang ewan lang!
**
Dumiretso na ko ng school matapos kong tingnan yung mailbox, di naman masyadong malayo ang school sa bahay. Isang sakay lang ng jeep, maaga pa nga kung tutuusin eh. Kaso, president ako ng student council. Kaya no choice kundi pumasok ng maaga.
Si Reah ba yun?
"Reah!" napalakas ata sigaw ko.
Siya nga!
"Oh Deither? Aga mo ata? Goodmorning!" nakangiting bati niya sakin.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko, "Kelan ba ko na-late?" natatawang sagot ko.
"Sabi ko nga." -- Reah
"Nagreview ka na?" tanong ko ulit. Wala naman kaming mapag-usapan. Tanong ko para naman may mapagusapan kami. Medyo awkward kasing maglakad ng tahimik.
"Yep, scan na lang mamaya sa room gagawin ko. Ikaw ba?" tanong niya rin sakin.
"Hindi, kelan ba ko nagreview?" natawa naman siya sa sinabi ko.
Hindi naman talaga ko studious. Kaya lang naman ako naging student council president dahil maraming nakakakilala sakin at maayos naman ako bilang leader. Pero pagdating sa pag-aaral? Naku! Hindi talaga para sakin yan! Bibihira na lang talaga ang mga lalaking mahilig mag-aral. Isa ako dun sa hindi mahilig ^____^
Nakasunod lang ako kay Reah habang paakyat kami ng hagdan. Nagulat na lang kami nang bigla nalang may mabilis na tumakbo pababa at natabig si Reah sa bilis ng pangyayari.
Sh*t! M
"Ayos ka lang?" anakng! Kinabahan ako dun ah! Mabuti na lang nasa likod niya ako.
Di man lang nagsorry yung nakabangga. Tsk! Sisigawan ko sana kaso hindi ko na natanaw kung saan siya napunta. "O-oo ayos lang ako. Salamat." Ngumiti na lang ako.
Bakit parang namumula siya? Baka naman napasama yung pagkabangga sakanya? "Sigurado ka ba? Parang namumula ka eh, gusto mo dalhin muna kita sa clinic?"