Chapter 5:
Reah's POV:
Taimtim akong naglalakad papasok ng school nang makita ang kumpulan ng tao ..
Nung una palang, naisip ko na .. na siya nga ang pinagkakaguluhan pero binura ko na agad sa kadahilanang ayoko talaga makita o kahit maisip man lang na nandirito na naman siya ..
Nakakahiya, nakakainis at nakakabwiset lang kung makikita ko siya ..
Pero may galit siguro sa akin ang langit kung bakit ba naman nandun siya at kasama na nama ang dalawa niyang kaibigan .. Si KIT at Brylle.
Informed na ko ni Marvie, siyempre kaya kilala ko na sila. So ayun nga .. Mukhang hindi naman nila ako nakita kung hindi lang ako tinawag ni Andrea ..
"Reah!" -- Andrea
Halos manlumo ako sa inis dahil nagpakahirap akong wag manotice ng mga nadaan tapos isinigaw lang ng bruha na to ang pangalan ko?!
Parang on cue naman na nahawi ang kumpulan ng tao habang nakatingin ang lahat sa akin. Nasa gitna naman ako at nakatayo.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umayos mula sa pagkakasandal si Tyron at unti-unting lumakad papalapit sa akin.
Agad ko namang inihakbang ang paa ko palayo pero --
"Hephephep! San ka pupunta, ha miss tamang hinala?" -- Tyron
"Pwede ba?! Wag kang epal! Bumalik ka dun sa building niyo!"
Aba, hindi naman porket libre ako sa school nila e makikisama na ko sa lalaking to! Binabayaran ko naman ng utak ko at ng pagod ko ang pagaaral ko dito sa eskwelahang 'to.
Lumapit na rin si Andrea sa pwesto namin at tumayo sa likod ko kasunod naman si Marvie na walang kamalay-malay sa nanangyayari ..
"Eh ano kung nandito ako? Pwede akong tumambay dito hangga't gusto ko .." -- Tyron
Ah, ganun? Osige. Pabayaan nating siyang halayin at pagsamantalahan ng mga babae dito sa building namin.
"Ah? Okay. Otara na Marvie at Andrea, wala naman palang kailangan to e."
Sabi ko at hinila na paalis ang magbestfriend dahil mukhang amazed na amazed sila sa tatlo kanina.
Pero bago kami makaalis may pahabol pa ang asungot na Tyron na yun.
"Mayang uwian, same spot. Hihintayin kita! Kapag hindi ka pumunta dito, you're dead. Goodbye future!" -- Tyron
Hindi ko na siya pinansin at tumuloy sa paglakad ..
--
Uwian:
Goodvibes akong lumabas ng classroom at kasalukuyang naglalakad sa hallway kasama ang aking dalawang bestfriend na nakasimangot ..
"Shet, di ko maintindihan yung lesson sa physics. Ang sarap hiwain sa tagiliran nung sir natin na yun!" -- Marvie
"Sus! Mahirap o hindi, di mo lang talaga gets!" -- Andrea
Tinulak naman ni Marvie ng mahina si Andrea. Nagsisimula na naman silang magsakitan .. Normal lang sakanila ang ganyan.
Habang ako naiwan na at nauna sila ng kaunti sakin maglakad ..
Malapit na kami sa gate nang may makita kaming hindi kaaya-aya sa paningin ..
Ay mali ..
Paningin ko lang ata, kasi yung dalawa mukhang tutulo na ang laway sa kakatingin dun sa tatlong asungot na nakatayo sa may gate na parang may hinihintay ..