Chapter 53

132 7 2
                                    

Chapter 53:

Reah's POV:

Nagising ako sa kirot ng ulo ko, napahawak ako dito at naramdaman na may benda sa ulo ko.

"Maaa! Gising na si Ate," boses ni Revi.

Iminulat ko ang mata ko, nasilaw ako sa liwanag sa loob ng kwarto. Alam ko na kung nakaninong kwarto ako, kwarto ko 'to. Paano kaya ako nakauwi?

"Reah, ayos ka lang ba?"

Nakita ko si Kuya Rob na nakatayo malapit sa pinto.

"Medyo masakit," sabi ko sakanya. Masakit naman talaga e, pero ayos lang.

"Anong gusto mong kainin ha? Nagugutom ka ba?" Umupo sa may paanan ng kama si Kuya Rain. Natatawa ako sa itsura niya, para naman akong mamamatay kung makaarte 'tong si Kuya.

"Oo kuya, pero gusto ko ikaw magluto?" Sabi ko dito. Pinipigilan kong matawa, titingnan ko kung susundin niya ko.

"Ano? Sabihin mo lang! Gusto mo ba ng italian food? Thai food? Ano?!" Parang natataranta pa nitong sabi.

Tumawa ako ng mahina, "kuya wag kang OA, okay lang ako. Ito naman." Hindi ako masyadong makatawa dahil kumikirot yung sugat sa ulo ko.

"Wag naman kayong masyadong maingay, baka sumakit ang ulo niyang kapatid niyo." Rinig kong sabi ni papa na nakasuog pa ng suit. Mukhang kagagaling niya lang sa trabaho.

"Ano ba kasing nangyari, Reah?" Narinig kong sabi ni Mama. Bakas sa tono ang pag-aalala niya.

"Aksidente lang Ma, nagkataon na nasa maling lugar ako." Pinilit kong ngumiti para ipakita na okay na ko.

"Wala ka na bang ibang nararamdaman anak? Gusto mo bang ipatawag namin ulit yung doctor?" Tanong ni Papa.

"Okay na ko Pa, pahinga lang po 'to." Sabi ko sakanya.

"Oh tara na umalis na tayo para makapagpahinga si Reah, masyado tayong marami dito." Sabi ni Kuya Rob. Buti na lang, medyo naguguluhan nga ako sakanila. Ayoko lang silang paalisin baka kasi isipin nila hindi ko naaappreciate yung concern nila.

"Dadalhan na lang kita ng pagkain," sabi ni kuya Rain.

"Ma? Cellphone ko po?" Pahabol kong sabi kay mama bago siya lumabas ng kwarto ko. Bumalik ulit siya at inabot yun sa may side table malapit sa kama ko. Hinalikan niya ko ng marahan sa buhok bago siya umalis.

Chineck ko yung phone ko kung may nagtext, 6 messages.

| Reah, okay ka na ba? Itext mo ko kapag nagising ka na, okay? God! I'm so worried. | - Marvie

| Hey, what's happening to you? Hindi man lang kita nakita ngayon tapos malalaman kong naaksidente ka. Wag kang pumasok kapag di mo pa kaya. Get well soon, Reah. | - Andrea

| Sorry kasalanan ko to, di dapat kita pinahabol. | - Deither

| Hindi na ko nagtagal diyan, may pasok kasi ako sa trabaho. Sorry Reah, sorry. | -Deither

| Kung wala si Tyron kanina baka kung anong nangyari sayo, baka di ko napatawad ang sarili ko. I'm sorry, Reah. | - Deither

| Reah, okay ka na ba? Nag-alala kami sayo, sana okay ka na. Medyo di mapalagay si Marvie eh. | - KIT

Napabuntong hininga na lang ako, lahat sila nagaalala. Lahat sila naabala ko pa. Tama nga ako, si Tyron yung nagligtas sakin kanina. Okay lang kaya siya?

I need to know. I have to call him.

Deither's POV:

Pagkatapos kong ihatid si Reah sa bahay at ipaliwanag kayla tito ang nangyari, umalis na ko. Nagsend ako ng message kay Reah na alam kong mababasa niya paggising niya.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon