Reah's POV:
Natapos namin ang panunuod ng performance ng band sa school na wala namang nalalasog na parte ng katawan namin. Grabe, akala ko talaga e magkukulang ang daliri ko sa paa o mahiilahan ako ng buhok sa sobrang wild ng mga estudyante. Past 10 na ng nakalabas kami ng school at ngayon nga, andito ako sa tapat ng bahay namin. Hindi pa ko nakakababa ng sasakyan ni Tyron.
Nakakapanibago nga dahil sobrang tahimik naming dalawa, for the first time sa tagal naming magkasama. Ngayon lang ata kami hindi nagsigawan at nagtalo habang kami lang dalawa ang magkasama. Magkahawak nga kami ng kamay nung lumabas kami ng school. Oo na sige na, medyo kinilig na ko dun.
But he was quiet than his usual. Kaya medyo nag-aalala ako. At kanina pa kami nakapark sa tapat ng bahay pero walang ni isang nagsasalita samin o bumababa, we were just staring at each other.
Kahit kinakabahan ako, ako na ang unang nagsalita.
"Nasan ang driver mo? Bakit ikaw ang nagdadrive?"
Umirap siya sakin ang tumingin na lang sa labas bago nagsalita.
"Wala bang kwenta lagi mga tanong mo?"
Ugh, see? Napaka-sungit niya talaga. Pero Reah, tiisin mo. Galit pa siya sayo, madami kang utang sakanya.
"Eh bakit ba?! Mas okay na yung nagsalita kahit walang kwenta kesa naman mapanis tayo dito!" Sabi ko sakanya.
Tiningnan niya ko ng masama, "Sino naman nagsabi sayo na mas okay 'yun?"
Sige lang Kapre, barahin mo lang ako. Ang gwapo mo e!
"Wala, share ko lang. Like mo na rin and comment!"
Biglang nairita ang expression ng mukha niya, "Yuck, ang korni mo."
"Grumpy." Sabi ko at binelatan siya.
"Childish" He rotorted back.
"Feeling pogi!" I answered him while crossing my arms above my chest.
"Totoong pogi naman," Sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya para sana may sagutin siya kaso nakita ko na yung malawak na grin sa mukha niya. Ugh, okay fine gwapo ka nga tonight.
I heaved out a heavy sigh, tapos iniwas ko na lang yung tingin ko sakanya.
"I don't need a driver, I have my own license na." Tingnan mo, sasagot din naman pala, nag-iinarte pa. Tss!
Kung hindi lang masakit ang braso nito, binatukan ko na 'to e. Pero teka, speaking of masakit ...
"Ahm, masakit pa ba yung .. braso mo?" Nahihiya akong itanong sakanya kasi ako ang may kagagawan nun.
