Author's Note:
34, bukas ko na lang iaayos. Tinatamad talaga ko magayos ng sulat e -___-" Anyways, ito na yung character na gaganap bilang Deither, I changed him kasi di ako satisfied. His real name is Lee Jun Ki. Picture sa side.
Chapter 34:
Ano na nga ulit ang month ngayon? Yes, December .. 2nd week to be exact, at ito yung most awaited week ng mga Seniors. Kasi dito nagkakaron ng pagpapalit ng estudyante mula sa elite building at sa main building ng campus nila. Seniors lang ang merong ganito dahil ... wala lang, trip lang nila. Joke, siyempre way of getting to know each other daw ng mga estudyante bago man lang gumraduate.
Mechanics? Magbibigay ang adviser ng isang bowl na naglalaman ng names ng mga estudyante sa section na yun at bubunot ng 3 pangalan ng estudyante na ipapalit sa 3 namang estudyante ng elite building. Exciting para sa iba, pero kayla Reah? Hindi. Ayaw nilang mapunta dun dahil sa mga rumors na arogante nga ang mga tao dun. Same goes for the elites, ayaw nilang makihalo sa mga tinatawag nilang "commoner", pero mukhang no choice sila kundi ang sumunod sa tradition ng school.
"Okay, since we all know that Mr. Ramirez, Mr. Mercado as well as Mr. Tolentino already came from the elite's building so we no longer include their names here .." paliwanag ng adviser nila.
Wala namang reaksyon ang tatlong nabanggit, expected na nila yun at sawa na rin naman sila dun sa building nila. Di nila masisi yung mga estudyante sa main building kung bakit nga ganun ang tingin nila sa mga estudyante ng elite. It's partially true, payabangan nga ang nangyayari sa mga esudyante dun but it's not that irritating kung nasanay ka nang makihalubilo.
"Mr. Ramirez" napatingin si Tyron sa adviser nila. "do the honor to pick the names." Nainis si Tyron, ganda ng upo niya tapos uutusan siya? Kaya naman kayang gawin yun ng kahit na sino, bakit siya pa?
Tumayo na lang din siya at bumunot ng isa at iniabot sa adviser nila. "First name, Ms. Tuazon" Walang kaanu-anong tumayo si Annalette sa upuan niya at pumunta sa harap.
Tumango lang si Tyron dito at bumunot ng pangalawang pangalan "Ms. Chua" nakangiting tawag ng adviser. Mahinang napasabi ng 'sh*t' naman si Danielle nang marinig ang pangalan niya. Ayaw man niyang tumayo ay wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa harap.
Bored na binunot ni Tyron ang huling pangalan ng malilipat sa section nila at iniabot sa adviser. Pabalik na siya ng upuan ng banggitin ang huling pangalan, "Ms. Gachallian." Napatigil si Tyron at napalingon sa gawi ni Brylle. Bahagyang naingat naman ni Brylle ang ulo ng mabanggit ang pangalan ni Andrea.
Gulat na napasinghap si Andrea nang marinig ang pangalan, shit lang talaga. Bakit siya?! 30 students sa isang section, sa tatlong mabubunot siya pa?! Worse, hindi niya kasama si Marvie o si Reah. Wala talaga siyang balak tumayo sa upuan niya. Napalingon siya sa dalawang kaibigan at nakatingin lang din ito sakanya na parang gusto siyang tulungan pero wala din silang magawa.
"Ms. Gachallian?" Tawag ulit ng adviser niya, dahan-dahan siyang tumayo sa upuan niya at lumakad papuntang unahan.
"Sir, hindi po ba pwedeng magpapalit ng pangalan?" hindi niya napigilang tanong sa adviser nila.
"I'm sorry Andrea but we have to follow the rules. Don't worry, hanggang Friday lang naman kayo dun."
"Hala?! Tuesday palang kaya ngayon Sir! 3 days din yun!" Protesta ni Marvie sa adviser.
"Chill lang, don't take this in a bad way. Maswerte nga kayo at may mababaon kayong memories bago kayo umalis dito sa Cayden University." Ang cool lang talaga ng adviser nila dahil nasa 20 above pa lang naman ito at kahit lalaki ito ay madali niyang nakasundo ang mga babae niyang estudyante.