Chapter 45.1:
“So san first stop natin guys?” -- Marvie
“Sulit sulit din! Kasi bukas, di niyo na magagawang kumain ng dinner. Trust me on this one.” -- KIT
“Naks, umi-english ka na ngayon labs! Le proud!” -- Marvie
“Wag kang basag trip labs, tara nga dito!” Sabay akbay niya kay Marvie.
“Wait lang guys, can we at least put sun block before we start roaming this place? It’s freaking hot right now! Baka pag-uwi natin ng Manila, kulay charcoal na tayo.” Napangiwi si Marvie sa kaconyohan ni Maicah. Alanganing nagtataka na nandidiri naman ang expression ni Reah.
“Girl, I don’t think I can last more than 1 day with this woman. I think she’s a psycho.” Bulong niya kay Reah na nasa left side niya.
“Ano ka ba, galing States. Pagbigyan mo na.” Bulong naman pabalik ni Reah.
“Ugh, whatever. Kelan ka pa naging mapagbigay?”
“Uy wait lang,” napalingon sila kay Deither na tumatakbo palapit sakanila. At – hello biceps!
“Wow!” Kitang kita sa mukha ni Marvie ang amusement sa namamagang biceps ni Deither dahil na rin siguro sa fitted plain white sando nito. “Labs, try mo nga rin mag part time job, baka lumaki din yung braso mo ng ganyan!”
Binitawan ni KIT sa pagkakaakbay si Marvie, “Hoy labs! May muscle ‘to no! Naka-tshirt lang kasi ako! Pare, baka ma-MTRCB ka niyan!” Biro ni KIT kay Deither.
Natawa na lang ang mga babae. Napansin naman ni Tyron ang tulala na si Maicah. Gusto niyang mailing, wala pa rin nagbabago. Pasalamat na lang si Maicah at siya lang ang nakakapansin sa tuwing ginagawa niya yung mga ganung bagay. Napalingon naman siya kay Reah na halos kaparehas lang din ni Marvie kung tumingin sa braso ni Deither. Parang sinasabi ng mata ni Reah sa braso ni Deither na “food”. Malay naman niyang dapat pala nagsando din siya, ang alam niya kasi mag-iikot sila at dahil ayaw niya matusta nag-tshirt muna siya.
“Tsh, aalis ba tayo o pagnanasahan niyo na lang yan?” Inis na sabi ni Tyron at nauna nang maglakad. Feeling ko, mas mainit pa ang ulo niya sa tanghali. Kawawang Tyron, naleleft behind dahil sa biceps. Tsk tsk tsk!
Nagshrug nalang sila bago siya sundan ng mga ito. Naramdaman pa niyang kumapit sa braso niya si Maicah.
--
Nag-ring ang cellphone ni Brylle, hindi na siya nag-abalang tingnan ang screen at sinagot kung sinuman ang tumawag.
[ Pare, san ka? ] Si KIT lang pala.
“Here,” walang ganang sagot niya. Kinapa niya ang gilid ng kama kung merong kahit ano na makakapawi ng uhaw niya, pakiramdam niya kasi natutuyo ang lalamunan niya.
[ Saan yung ‘here’ na yun? ]
“I arrived here last night, I’ll see you guys tomorrow. I’m hanging up --” Ibababa na sana niya ang cellphone niya nang magsalita ulit si KIT.
[ Wait! Anong bukas?! Pare birthday mo! Kaya nga tayo nandito eh! Nasan ka ba? Kala ko ba okay na kayo ni Andrea? ]
Natigilan siya sa sinabi ni KIT, pinaalala pa. Tsk. Kinakalimutan na nga niya eh! Happy birthday talaga sakanya. Walang anu-anong binaba niya ang tawag at tumayo sa kama.
Hang over, di magtatagal at mas lalala pa yan lalo na’t susundan pa niya ng isa pang round ng pag-inom ngayong araw. ‘Happy birthday to me’ he said to himself, sarcastically.
--
Walang ibang naririnig sa kwarto kundi ang tawa ng dalawang babae. Nagulat pa nga si Ken dahil sa narinig niya, dali-dali siyang dumiretso sa pinanggagalingan ng tawa. At hindi nga siya nagkamali, boses nga ni Andrea ang narinig niya na kasalukuyang nakikipagtawanan sa kapatid niya. He checked his watch making sure the time is right. And it says 7:30 in the morning, who the hell will visit early in this morning?