Chapter 48:
"Akala ko ba ine-expect nila tayo? Eh bakit parang walang tao?" tanong ni Marvie nang makapasok sa mansion nila KIT.
Pagkarating kasi nila, sobrang tahimik na sa mansion, kahit ang mga maids wala rin sa loob. Ni wala man lang kahit anong ingay. Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni KIT pero patuloy pa rin ito sa marahang paghila sakanya.
"Nasa garden daw sila," tipid na sagot nito. Hindi na nagtanong pa si Marvie, medyo tinablan na tuloy siya ng kaba. Pero ang sabi naman ni KIT, mabait daw ang parents niya parang mama din ni Tyron. Kaya keri lang.
She's wearing a simple black and red dress. Inilugay na lang niya ang buhok since minamadali siya ni KIT na umalis.
Nang makarating na sila sa isang glass sliding door kung saan tanaw na tanaw ang labas ng mini garden nila KIT ay huminto sila sa tapat nito. Nagtataka naman si Marvie nang makita ang hindi kalakihang table na nakaset-up sa gitna ng garden.
"May iba pa bang bisita na hinihintay parents mo aside from us? Bakit parang madami tayo."
Tumingin si KIT sakanya at malapad na ngumiti.
"Surprise!" Masayang sabi nito pagkabukas ng sliding door.
Agad na bumungad si Andrea, Tyron at Ken sakanya. With matching party poppers pa.
Bahagyang napaawang naman ang bibig ni Marvie dahil dun. Hindi siya agad nakapagsalita isa isa niyang tiningnan ang masasayang mukha na nakatingin din sakanya. Nang macompose niya ang sarili niya, ang una niyang naging reaksyon ay ang hampasin si KIT na nasa gilid niya.
"Ouch! Ano na namang ginawa ko?" Tanong ni KIT habang hinihimas ang braso niya.
"Anong ibig sabihin nito?" Medyo tangang tanong nito sa boyfriend.
"Kakasabi lang labs, surprise nga di ba? Promise ko 'to di ba?"
"Tss," mahinang side comment ni Tyron. "Daming alam."
"Hi Marvs," nakangiting bata sakanya ni Andrea at bigla na siya nitong niyakap.
"I missed you." sabi nito habang hinihigpitan ang yakap kay Marvie.
Inilayo siya ni Marvie at inirapan, "I missed you your face, malaki ang kasalanan mo sakin." Tinapunan niya ng tingin si Ken saglit at ibinalik ang tingin kay Andrea na para bang nagtatanong kung bakit niya kasama si Ken.
Ito pa lang ata ang unang beses na nakita niya ito, kilala lang niya ito pero hindi pa niya ito nakakasama. Pero siyempre, may idea naman siya kung sino ito.
"Mamaya na, pwede?" Tumango na lang siya.
"Tara na sa loob, labs?" Muntik nang makalimutan ni Marvie si KIT na nasa gilid nga pala niya, kung hindi pa ito nagsalita at marahan siyang inalalayan sa bewang papalakad sa table na nakaset-up sa gitna ng garden.
Sabay naman na naunang maglakad si Andrea at Ken. Habang nakasunod silang dalawa ni KIT.
"Labs," tawag niya kay KIT, ibinaba ni KIT ang tingin niya kay Marvie, hindi naman maliit si Marvie. Sadyang matangkad lang si KIT kaya kinailangan pang tumungo nito. "Thank you."
"Anything to make you happy, labs." Nakangiting sagot nito sakanya bago siya marahan hinalikan sa ulo nito. "Though, isa lang talaga ang napilit ko." pahabol nito.
Marvie sighed, so hindi talaga gusto ni Reah na magpakita sakanila? Nakakalungkot man isipin pero ayaw niyang isipin ni KIT na kulang pa rin ang ginawa niya kaya she just shook her head.
"You've done your part, KIT. That is more than enough." Sabi nito at naupo na sila.
Reah's POV: