Chapter 36:
KIT’s POV:
Mukha akong tanga, oo alam ko!
Bakit?
Kasi …
Sinusundan ko siya, kahit na alam kong wala naman akong mapapala.
Eh ano? Gusto ko lang naman siyang makita …
Tingnan kung makakauwi siya ng ligtas ..
“Oo – Ah, Haha! Yun ba? Eh … Hayaan na lang siguro natin yun.”
Sino kaya yung kanina niya pang kausap sa cellphone?
Kapag iniisip ko na bagong lalaki niya yun, umiinit ang ulo ko. At parang gusto kong durugin yung cellphone niya – ay hindi, yung kausap na lang pala niya.
Oh bakit? Masama na bang magselos?
Hindi naman kami official na naghiwalay di ba? Ganun yun di ba? Sabi nila pag naghihiwalay .. ano eh .. Ah basta! Yun na yun! Hindi naman ako sumagot, at alam kong nabigla lang siya.
“H-ha? Ano ba yan, nakamove on na ko …”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Move on?
Samin ba? Sakin ba?
Natigilan siya sa paglalakad ng may lalaking humarang sa daan niya. Nakatayo lang ako sa di kalayuan at hinihintay ang gagawin nung lalaki.
“Hi Marvie, tara sama ka samin?” Sabi nung lalaki.
Gag* ba siya? Anong sasama? Magkakilala ba sila ni Marvie?
“Uy Vince, hindi na … Kailangan kong umuwi ng maaga eh.” Yan tama, tumanggi ka. Hindi mukhang katiwa-tiwala yung mukha ng isang yan ..
“Saglit lang naman Marvie eh, sige na?”
Hindi makaintindi ang isang ‘to ano? Tagalog na, di pa makaintindi. Tingnan natin kung di pa rin niya maintindihan yung sinasabi ni Marvie.
Marvie’s POV:
Naglalakad na ko pauwe nang tumawag sakin si Mike, ito na naman ang isang ‘to. Nakwento ko kasi sakanya yung nangyari samin ni KIT.
[ Eh pano kung makita mo silang magkasama nung babaeng sabi mong dine-date niya? ]
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong di ako masasaktan. Pero ganun na lang siguro yun, kung masaya siya, kailangan ko rin humanap ng paraan para maging masaya.
“H-ha? Ano ba yan, nakamove on na ko.”
[ Ako ba pinaniniwala mo diyan o sarili mo? ]
Napatungo ako sa sinabi ni Mike, ang isang ‘to kahit kailan talaga. Sasagot na sana ako nung makita ko si Vince sa harap ko. Kumaway siya sakin at ngumiti ako.
“Mike, tatawagan na lang kita mamaya ha. Bye!” sabi ko at binaba ko yung tawag.
“Hi Marvie, tara sama ka samin?”
Ako? Sasama sakanila? Bakit?
“Uy Vince, hindi na … Kailangan kong umuwi ng maaga eh.” Kahit hindi naman talaga, ayoko lang sumama sakanila dahil hindi naman kami masyadong close at … puro lalaki sila. Alam ko.
“Saglit lang naman Marvie eh, sige na?” Pakiusap pa niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko, pero kinabahan ako. Bakit parang may mangyayaring hindi maganda?
“Sasama ka na ha?” Sabi niya at akmang hahawakan ang kamay ko ng may mauna sakanyang hawakan ang braso ko.
“Hinihintay kita kanina pa, sabi mo saglit ka lang. Andito ka lang pala.”
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)