Chapter 29

460 12 14
                                    

Author's Note:

Stress free chapter? Stress free nga ba? HAHA! Trip ko lang 'to. Namiss ko yung mga ganitong bonding moments nila. Anyways, sino ang pinakamalakas na love team? KiVie ( KIT - Marvie ), AnRylle ( Andrea - Brylle ) o Reah-Tyron Love team? None of the above? LOL. Ito na, paunawa, lahat ng mababasa ay pawang kalokohan lamang. Marvie sa gilid :"D

Chapter 29:

Reah's POV:

*sighs*

Pinatong ko ulit ang ulo ko sa ibabaw ng desk ko. Gusto ko talagang magbigte pag naaalala ko ynug kahapon eh! Alam mo yun?! Bakit sa lahat naman ng pagkakataon na magiging clumsy ako sa harap pa ni Deither. Wa'poise lagi eh!

"Teh, kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga." Sita sakin ni Marvie.

"Kaya pala .." Napatingin kami kay Andrea.

"Anong kaya pala?" Tanong ni Marvie.

"Kaya pala medyo nag-iiba na yung amoy. Reah, di ka nagtooth brush?"

Tiningnan ko siya ng masama, nakuha pa talaga niya kong inisin no?

"Nakikita mo 'tong arm chair sa unahan ko? Ihahampas ko sayo 'to para malaman mong hindi ka nakakatuwa."

"Ooooh, fierce! Bite me crouching tiger!" Ganti niya sakin at naniningkit pa ang mata.

"Wow, pumi-fierce! Sige nga Andrea, spell?" Natawa naman ako sa sinabi ni Marvie at nag-appear kaming dalawa.

"Tingin niyo sakin mahina?" Nag-clear siya ng throat at akmang magi-spell n asana nang biglang may umupo sa arm chair na nasa harap ko.

"Good morning girls!" Iniwas ko ang tingin ko. Kamote! Naaalala ko na naman ang katangahang ginawa ko kahapon! "Hi miss beautiful, snob?" Nakangiting bati sakin ni Deither.

"G-good morning." Hay, minsan talaga nag-aalangan na rin ako kung scholar talaga ko dahil natatanga ako not just once but many times!

"Okay na ba yung likod mo?" Nakatingin siya sakin kaya naman mas lalo akong nahihiyang salubungin yung tingin niya.

Alam niyo kung anong nangyari kahapon? Ito lang naman ..

*flashback*

Hindi ako nakasagot sa mga huling salitang binitawan niya. Dati nung iniimagine ko palang 'to alam ko na agad sa sarili ko kung ano ang isasagot ko, at sinabi ko pa nun an pag tinanong niya ko, oo agad ang sagot ko, pero ngayo'ng andito na ... Hindi pala madali. Parang kusang nagkaron ng mga paa yung mga letra ng sasabihin ko at nagsitakbuhan na.

[ Reah? Andiyan ka pa ba? ]

Wala sa sarili ko akong napailing, "H-ha? A-ah, oo!"

[ So, what can you say? Can you ... give me a chance to prove myself to you? ]

Huminga ako ng malalim, ito na 'to. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siya, alam ko sa sarili ko na matagal ko 'tong hinintay. Ipinangako ko sa sarili ko na sakanya dapat ako una mapunta. OA ba? HAHA, hindi naman lahat ibibigay ko, baby pa ko no! Gusto ko lang siya ang maging first boyfriend ko.

"Deither," parang biglang bumagal lahat ng pangyayari, yung mga taong tumatawid mula sa side niya papunta sa direksyon ko, bumagal lahat .. Wala din akong ibang nakikita kundi siya lang ..

"Pumapa --"

*insert kulog at kidlat sounds here*

Napatalon ako sa sobrang gulat, kinancel ko ang tawag at inilagay agad ang cellphone ko sa bulsa ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon