Chapter 44

304 9 7
                                    

Chapter 44:

“Ate Reah, may bisita ka.”

Sumilip si Reah sa kumot na nakatalukbong sakanya.

“Sino daw?”

“Aba ewan! Bumaba ka kaya!”

Inis na hinablot ni Reah ang inuunanan niya at ibinato kay Revee.

“Maldita! Sige bababa na ko, alis!” umalis naman agad sa kwarto niya si Revee.

Walang ayos-ayos na bumaba siya at dumiretso sa sala nila. Nakatalikod ang babae sakanya pero kilala na niya kung sino iyon. Di siya pwedeng magkamali.

“Tita Eloisa,” humarap ang babae sa pagtawag niya.

Malapad na ngiti ang binungad nito sakanya.

“How are you, hija? I hope you don’t mind, kung napasugod ako ng walang pasabi.”

Umupo siya sa katapat na upuan ng mama ni Tyron.

“Okay lang tita, ano po bang kailangan niyo?”

“Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. May … nangyari ba sainyo ni Tyron?”

Napaubo ng mahina si Reah, dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng bahay. Hindi rin siya tumitingin sa cellphone niya. Sa tuwing tinatanong siya ng mama niya kung bakit hindi siya lumalabas ng bahay, puro dahilan lang ang sinasabi niya.

“A-ano pong ibig niyong sabihin?”

Nagbigay ng maluwag na ngiti ang mama ni Tyron.

“Wala naman, napansin ko lang kasi na hindi masyadong mapalagay si Tyron. Maaga din siyang umuwi nung Christmas Ball. Ang alam ko, ikaw ang partner niya, may nangyari ba?”

“W-wala naman po.” Wala naman, bukod sa matapos siyang iwan ni Tyron nung gabing yun, hindi niya alam kung paano siya nakauwi at nalaman na lang na bumalik na ang ex niya kinabukasan. Wala talaga.

Tumango-tango naman si Eloisa sa sagot ni Reah.

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon