Chapter 3:
Reah's POV:
"My God! Siya ba yun? Nakakahiya."
"Oo siya yung kaninang kinausap ni Tyron. Grabe, iniiba niya pa yung style niya eh halata namang nagpapapansin lang naman siya kay Tyron .."
Ignore Reah, ignore .. (¬_¬)
Mga ilang ganyan din ang narinig ko na usap-usapan na nirevise lang at nadagdagan lang ng ilan pang mga insulto bago ako makarating sa classroom namin ..
Pagpasok ko ay pabagsak akong umupo sa upuan ko. Agad namang tumabi sakin ang dalawang bestfriend ko. Si Marvie at Andrea. Did I mention graduating na kami? If not ... Ayan nasabi ko na.
"Oyhaaa! Narinig namin yung balita tungkol sayo! Anyare ba Reah?" Sabi ni Andrea na may kasama pang pag-uga sa upuan na inuupuan niya.
Tumingin lang ako sakanya. Nakakainis naman kasi kung ikukwento ko pa di ba? Sobrang antipatiko talaga ng Tyron na yun.
"Naku Dayang! Wa epek, traumatized pa ang lola mo oh?" Sagot naman ni Marvie.
Kahit kailan talaga ..
Huminga nalang ako ng malalim bago tanggalin ang pagkakasukbit ng back pack ko sa likod ko at isinabit sa kaharap na upuan nito.
"Gusto pa naman naming marinig ang version mo, pano kumbaga sa libro, ang dami ng version ng nangyari kanina .. Alam mo na .. May ears ang lupa, may wings ang balita, kaso iba na ang dating pag galing sa mga chismosa .." Sabi ni Marvie sabay lingon sa mga kaklase naming babae na nagkukumpulan na ngayon ay masama na ang tingin sakin.
Nakita mo ang ginawa mong Tyron ka?! Dati invisible ako eh!
At ngayon, dahil sayo .. Nagkaroon pa tuloy ako ng maraming haters! Urgh! I despise you Tyron ... Tyron ... Ano nga ba apelyido? Nasisira tuloy ang dialogue ko eh!
Mangungulit pa sana yung magbestfriend sakin, mabuti na lang at dumating na yung teacher namin sa first subject ..
--
Uwian:
"Teh, ano? Tahimik pa rin? Pinutulan ka ba ng dila ni Tyron mylabs at hindi ka makapagsalita diyan?" -- Marvie
"Hindi ... Wala lang akong masabi."
"Wag mo na isipin yun! Hindi ka yayaman dun. Isipin mo nalang si Oliver! Si Ranz! Si Biboy! Si Ully!" --- Andrea
Hay, kahit kailan talaga .. Adik sa Chicser tong dalawang to ..
Tumahimik na lang ako at dumiretso sa locker room.
Pagtapat ko sa locker ko ay natigilan ako ..
Parang ... May kakaiba?
Napatingin ako sa magkabilaan ko kung saan nakita ko ang magbestfriend na busy sa pag aayos ng gamit nila.
Kaya naman ganun na rin ang ginawa ko ..
Binuksan ko ang locker ko at tumambad sakin ang naguumapaw ng death threats ..
Joke! Ano to? Boys over flowers lang? Please lang ha! Di hamak naman na mas gwapo si Lee Min Hoo dun sa Tyron na yun ..
Pagbukas ko, wala namang nangyari, normal naman ang locker ko, kaya nilagay ko nalang ang gamit ko.
"Uy mga broke back, mauuna na ko at hinihintay pa ako ni Nanay sa bahay!"
"Bye Teh!" -- Andrea
"Ingat sila sayo!" -- Marvie