Halloween Special:
( 3rd Person Speaking )
"Kung di ka sana dumating may sasabihan siya sakin eh!" Sabay hampas pa ni Reah sa braso ni Tyron.
Kanina pa sila nagtatalong dalawa simula nung umalis si Deither. Sa lahat naman kasi ng paepal, si Tyron na ang pinaka. Lagi na lang. Tuwing nagkakaron ng pagkakataon na magsolo silang dalawa ng long time crush niya, eepal na naman si Tyron para maudlot ang moment nila.
Napansin ni Reah na kanina pa nalinga sa kung saan-saan si Tyron, parang may hinahanap.
"Hoy!" she nudged him, na siyang ikinagulat ni Tyron. May narinig kasi siya. "Anyare sayo?" Parang wala kasi sa sarili niya si Tyron.
"Di mo ba narinig yun?" tanong ni Tyron kay Reah. Nakiramdam naman si Reah, inaalam kung may something nga, pero .. Wala naman. Napapraning na naman si Tyron. Ang weird talaga nito minsan!
"Wala naman eh! Lika na nga, babawi ka pa sakin di ba?! Dahil paepal ka kanina, ililibre mo ko!" at naglakad na lang ulit si Reah.
Parang bigla namang kinilabutan si Reah nung makita ang sign ng dinaanan nilang corridor. Ayun kasi ang library na restricted section sa school nila. Madami kasing kwento tungkol dito, sa bintana kasi ng library na yun ay may mga malalaking puno na pinamamahayan ng kung anu-anong engkanto. 'Sabi-sabi lang naman'. Pero out of curiosity itatanong na rin niya, baka lang kasi alam ng kasama niya. Para na rin hindi siya matakot. Sino ba naman kasi ang di takot sa multo?
She stopped and wait for Tyron to catch up to her spot, "Ty .." tumingin naman si Tyron using his most annoyed stare, pinapakinggan pa kasi niya yung kanina pang naririnig niya, kung ano man yun. "totoo ba?" tanong nito dito, na siya namang ikinakunot ng noo ni Tyron.
"Totoo ang alin? Ang ingay mo! Kanina ka pa!" naiinis na kasi siya, pero medyo natatawa rin siya dahil parang constipated lang ang mukha ni Reah ngayon. "Totoo ba yung sa chorva dun sa restricted library na dinaanan natin kanina?" tanong ulit ni Reah.
Inisip muna ni Tyron kung anong tinutukoy ni Reah. Anong chorva? Pero given sa reaksyon nito, she was clearly talking about that thing.
"Sabi." Simpleng sagot ni Tyron na siyang lalong ikinatakot ni Reah. Nagtatayuan na nga yung balahibo niya sa katawan eh. Except dun sa .. basta dun na yun! Kumapit siya sa braso ni Tyron habang pababa na sila ng 5th floor.
Nagulat naman si Tyron sa pagkapit ni Reah. "Ano ba? Para kang sira! Bitaw!" Reah ignored his surliness. "Eh! Tyron .." She looked around. Bakit parang ang tahimik? Wala na ba agad tao sa school? Ganun ba talaga sila ka-excited magsembreak? Lalo tuloy siyang natakot. Lalo na pag si Tyron ang kasama, okay pa sana kung si Deither yun!
Napatigil sila nang makarinig ng kaluskos mula sa 5th floor. Nagsimula namang gumana ang imagination ni Reah, like makakita siya ng multo, white lady na puro dugo or worse, batang biyak ang mukha! Gaya ng kwento ng mga schoolmates niya. She swear she's gonna pass out pag may nakita siyang ganun right at this moment
"N-narinig mo yun?" nauutal niyang sabi. Pasimple naman si Tyron, kahit deep inside kinakabahan na rin siya. Hindi naman siya matatakutin, pero iba talaga ang aura ngayon ng school. Di niya alam kung dahil ba sa malapit na ang araw ng mga patay. Last year din kasi, ganito ang na-experience niya. He nodded as an answer. Lalo tuloy napahigpit ang kapit ni Reah sakanya.
Inalis niya yung kapit ni Reah sakanya at kinuha niya ang kamay nito at binilisan na lang ang paglakad. 'Sh*t, ba't nga kasing wala nang tao sa school ngayon? Asan na ba pati yung mga guard? Sayang ang binabayad ni mama sakanila.' Yan ang tumatakbo sa isip niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2304494-288-k344237.jpg)