Chapter 1

1K 19 1
                                    

Chapter 1:

Hi, ako nga pala si Reah. Wala ng kaartehan. Reah Mañago po! Ganun kasimple. Simple lang talaga ang buhay ko .. Walang extraordinary, walang magarang kotse, walang magandang damit at malaking bahay. Until one day my life became a nightmare.

Kung ano ang istorya? Ito na nga di ba ikukuwento ko na! :)

*Flashback*

6pm ng gabi at kakauwi ko lang sa bahay. Being scholar and everything, ako yung isa sa mga estudyante na parang nagsasideline bilang taga sara ng school dahil sa sobrang late umuwi.

So, ayun nga. Kakatapos ko lang ayusin yung student's file sa Principal's office at agad akong umuwi sa bahay. Una kong hinanap ang desktop namin. Yes, desktop, as I've said .. Hindi kami mayaman. Share kami dito ng mga kapatid ko ..

Nagbukas ako ng facebook para icheck ang notifications ko at message. At matapos kong makita ang mga noti and messages naisipan kong mag-scroll .. Makiusyoso ba .. Wag magmalinis, ginagawa niyo rin yan. Haha!

While savouring the feeling of that moment, something caught my attention or should I say a "post" caught my attention. It was a post of a guy saying:

" I'm caught up in this situation. I can no longer hide the feelings, It just happened to be this way. I can't choose, that's why I decided to have the both of you. "

At dahil nga masakit ang ulo ko sa araw na yun. Naginet ng bongga ang ulo ko at naisipan kong tingnan ang timeline ng isang to.

Una ko siyempreng tiningnan ay yung pictures niya. Aba! Mahirap na! Baka kasi nagpi'feeling lang to, lakas makaemote tapos mukha naman palang naembalsamo!

At infairness, medyo nawala ang bwiset ko sa lalaking yun dahil may itsura naman pala. Feeling ko nga e, nakita ko na siya ... Hindi ko lang maaalala kung saan.

So ayun, after kong makita pictures niya bumalik ako sa wall niya at nakita ko naman ang post niya na umabot na ng 60 likes. Okay ... Siya na nga ang Mr.Popular.

So anong sinasabi ni Kuya? Iba kasi ang dating ng post niya na yun. It was like saying "Sorry, ang gwapo ko kasi at masyado kayong patay na patay sakin. Kaya naman pinagsabay ko kayo. Magpasalamat kayo at inaako ko na mali ako." Wow haaa?! Nahiya naman si Daniel Padilla sayo!

At dahil may lahi akong Gabriella Silang ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. I sent him a message. Yes, minessage ko na lang siya. Alangan namang makipagsabayan akong magcomment sa post niya. Keri lang, di naman kami magkakilala at mukha namang malayo siya sakin. Para na rin sa ikatatahimik ng buhay ko.

Matapos nun ay nagbihis na ko at naghanda para matulog ...

Pero bago ako makatulog, napaisip ako kung tama ba ang ginawa ko ..

*End Of Flashback*

---

RMM. ü

My KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon